Chapter 2

2.9K 160 26
                                    

[2]

Kita sa mukha ni Rave ang pagkagulat na may bahid ng pagtataka. Ang mukha ko naman pinaghalong hiya dahil sa inaasta niya at inis dahil kung makapagsalita akala mo naman kapatid talaga ang turing sa akin.

Nang mapagtanto ni Rave na hindi talaga tatanggapin ng kuya ko ang kamay niya, binawi na niya ito at yumuko na naman.

Aww. Fafa Rave, I wanna hug you!~

"Yah!" Gulat akong napabaling kay kuya na masama ang tingin sa akin. "Parating na si Ms. Sexy Chick. Umayos ka na at bumalik sa classroom."

Inikot ko ang mga mata ko at padabog na naglakad palayo. "Itigil mo nga iyang tawag mo sa ex fling mo. Kadirdir."

"Stella, wait!"

Pfft. Hihihi. Tinawag niya ako!~

"Yes, Rave?" Lumingon ako sa kaniya.

"W-We're friends, right?"

Omo. "Sure!" Bihira lang akong magkaroon ng lalaking kaibigan. Paano magkakaroon ng marami eh may kapatid kang mukhang grim reaper! Hindi pa nakakalapit, nagtatatalon na palayo ang mga tao.

"Thanks!" Ngumiti siya at nagmadaling maglakad palayo. Wah. Mapapanaginipan ko pa yata ang ngiti na iyon.

Aalis na rin sana ako pero nagtaka ako sa kilos ni kuya. Masama pa rin ang tingin niya pero hindi na sa akin kundi sa parking lot ng university na tanaw mula sa building.

Sa parking lot? Ano'ng meron do'n?

Magsasalita na sana ako pero bumalik na ang tingin niya. "Pasok na, Marisa."

"Erkey." Sungit! Kung kanina wagas makaasar, ngayon naman parang babaeng may period! Hmp.

Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Ms. Sexy Chick. Geez. Pati ako iyon na rin ang tawag sa prof ko na malandi. Apparently, kaming dalawa lang ni kuya ang nakakaalam na nagtatrabaho siya sa isang night club bilang hostess. Nakiusap pa siya sa amin na huwag sabihin sa kahit kanino ang trabaho niya. Duh? Paki ko sa kaniya.

Kung alam niya kung saan siya magaling, makakakuha siya ng maayos na trabaho bukod sa pagtuturo. Part-time pa lang kasi siya rito sa university.

"Stella?"

Natigil ako sa pagmumuni nang marinig ang magandang pangalan ko. "Yes?"

"Nakita mo ba 'yong ballpen ko?" tanong ni Riza. Seatmate ko sa kanan.

Malay ko sa ballpen nito? Ngumiti na lang ako. "Hindi eh. Saan mo ba huling nakita?"

"Nilagay ko lang siya dito sa table kasama ng papel para ihanda sa quiz natin mamaya."

Hmm. Parang may nakita nga akong dumaan sa pagitan ng upuan namin. Pero hindi ko masyadong nakita dahil sa mga iniisip ko. "Baka nahulog lang. Wala namang kukuha nun eh lahat tayo may sarisariling ballpen."

"Kung sabagay..."

"Alam niyo ba," lumingon kami pareho ni Riza kay Clara na nasa left side ko naman. "Nawalan din ang iba nating kaklase ng ballpen nitong mga nakaraang araw. Hindi na nga lang namin pinapansin pero parang may isa sa atin ang nangongolekta ng ballpen."

Nanlulumong umupo ulit si Riza sa upuan niya. "Hala. Mahalaga pa naman sa akin ang ballpen na iyon. Bigay pa ng daddy ko iyon na nasa ibang bansa eh."

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kung mayro'n ngang nagnanakaw ng ballpen dito sa classroom, sino iyon at bakit niya ginagawa iyon?

Baka ititinda niya, Stella.

Aish.

Mabilis lang ang araw at uwian na namin. Inaantok na nga ako. Pero may kakaharapin pa akong pagsubok.

Bad BrotherOnde histórias criam vida. Descubra agora