​After a couple of seconds na hindi sumasagot ang dalaga, naramdaman ni Kit na hindi komportable ito sa lugar na kinatatayuan nila. Naalala niya na iniiwasan nga pala ni Jiwon ang cafeteria dahil sa past traumatic experience nito. "Ah! Gusto mo dalhan na lang kita sa classroom ni'yo? Sandali lang--" He was about to go, but he stopped, because he felt Jiwon's hand na bahagyang nakahawak sa dulo ng white polo shirt niya. Dahan-dahan niyang tiningnan ang dalaga at sinalubong ang mga mata nito.

​"It's okay. Dito na 'ko maglulunch." Binitawan ni Jiwon ang uniform ni Kit at buong tapang na pumasok sa loob ng cafeteria.

​Kit followed her mula sa pagpila nito sa counter, pagkuha ng pagkain sa buffet at sa pag-upo nito sa bakanteng table na nasa right corner ng malawak na cafeteria. He even brought his own tray of foods para samahan si Jiwon sa table.

​While eating slowly, nagbabasa si Jiwon ng online news about sa naganap na pagdakip ng mga pulis kay Grady Blake.

​Naalala naman ni Kit ang advice sa kanya ng boyfriend ng ate niya. Kailangan niyang malaman kung anong mga gusto ni Jiwon para mas maging malapit sila sa isa't-isa. Pasimple niyang sinilip ang article na binabasa ng dalaga.

​Jiwon noticed Kit's suspicious action. Tiningnan niya ito. Her eyes were asking.

​Nagpanggap naman na busy sa pagkain ang binata. Ngunit bago pa maipagpatuloy muli ni Jiwon ang pagbabasa, he grabbed the opportunity to make a move. "Ah.. Jiwon, p'wedeng pahiram ng cellphone mo? Itetext ko lang si mama. Naubusan kasi ako ng load."

​Though may suspicion siya sa ikinikilos ng binata, pinahiram pa rin niya ito. Ibinigay niya ang kanyang smartphone at nagpatuloy sa pagkain.

​Kit immediately took it. Imbis na buksan ang messaging application, pumunta siya sa gallery at chineck ang mga pictures ng dalaga. He was disappointed, dahil puro pictures ng crime scene at mga criminals na nasa wanted list ang laman nito. He also checked the internet browser. Napakamot siya sa ulo, dahil sa weird list of history nito. If a police will investigate her phone, malaki ang chance na paghinalaan ang dalaga na may ginagawa o pinaplano itong krimen.

​Nawawalan na ng pag-asa si Kit, until he remembered na parating may suot na earphone si Jiwon. He then concluded na mahilig sa music ang dalaga. He might find her favorite singer on the phone's music application. He quickly opened the app. at sinilip ang nag-iisang playlist nito. He was quite surprised to see na iisa lamang ang kanta na laman ng application. 'Ludwig van Beethoven's Piano Sonata No. 14, Moonlight, 1st Movement? Anong klaseng kanta 'to? Piano? May nagpapiano? Kung ganu'n... mahilig pala siya sa piano.' Even though clueless, Kit was smiling widely nang ibalik niya kay Jiwon ang smartphone, dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng ideya tungkol sa 'gusto' ng babaeng napupusuan niya.

​Nagdaan ang maghapon na okupado ang isipan ni Kit about sa maaari niyang ibigay kay Jiwon na may koneksyon sa music na nakita niya sa cellphone nito.

​Awasan na sa buong eskwelahan nang mapagdesisyunan niya na maglibot-libot muna sa bayan ng Yonhwa. Dinala siya ng mga paa niya sa harapan ng Classicus Theater. Doon ay biglang pumasok sa isipan niya ang ticket ni Henrix sa bandang Viper's Visage. He thought that it's not a bad idea kung mabibigyan niya ng ticket si Jiwon sa live performance ng music na laman ng cellphone nito. So, he entered the theater's lobby with a full smile on his innocent face.

​Isang magandang ngiti rin ang ibinati sa kanya ng babae sa information desk.

​Kit took out his iPad. He excitedly prepared the note that he saved. "Excuse me, miss. May mga live performances ba ng pianist dito?"

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now