C H A P T E R 1

96 9 1
                                    

•°•New Day, New Life•°•

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

°•New Day, New Life•°•

¤Shaina's Point of View¤

Nagising ako sa ingay ng alarm. Dahan-dahan kong binuka ang aking mga mata at agad ng tumayo sa higaan.

Ang sakit ng mga mata ko. Dahil siguro 'to kagabi, iwan ko ba sa sarili ko. Bibigat nalang bigla ang dibdib ko na ikatulo rin ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan.

Naligo na ako at nagbihis. Maaga pa naman para sa first period ng subject ko.

Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili. Tumingin sa sariling mga mata at ngumiti. "New Day, New Life. This day you'll be alright! Fighting!"

Bumuntong hininga ako at agad ng lumabas na may suot na ngiti sa labi.

Bigla kong naalala ang lalaki kagabi. Okay lang ba siya? Safety naman siguro siyang kinuha kagabi ng Papa niya.

Limang minuto lang na paglalakad ay nandito na ako sa main entrance ng aming paaralan.

Ito na nga, dito na magsisimula ang panibagong kabanata ng buhay ko.

"Excuse me!" may narinig akong sigaw sa likoran kaya agad ko itong tinignan.

Medyo mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang na natapunan ang white shoes ko ng kapi. "Oh Gosh." tanging salitang nabitawan ko.

"So-sorry. Pasensya na talaga~," hindi niya alam kung anong susunod niyang gagawin.

Nataranta siya na parang nagmamadali at gusto niyang punasan ang sapatos ko na natapunan niya ng kape pero parang ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras.

"Okay lang ako, wala 'to." mahinahon kong sabi dito para hindi na siya mag-alala pa. Tinignan ko ang I.D. niya. "Ms. Kate, mauna ka na. Okay lang talaga ako, huwag kang mag-alala." ngiti ko dito.

"Sa-salamat. Bago ka ba dito? Bakit alam mo ang pangalan ko? Magkilala ba tayo? Anong pangalan mo? Papalitan ko na lang ang sapatos mo mamayang hapon. Anong kurso mo? Anong year mo?" sunod-sunod niyang tanong sakin ng mabilis.

Hindi ko alam kung kailangan ko ba sasagotin isa-isa ang mga tanong niya o mananahimik nalang.

"I'm Shaina?"

Agad na siyang tumakbo papalayo sakin. "Magkita na lang tayo mamaya sa Deportivo, Shaina." sigaw niya.

Napalingo nalang ako at agad na tumingin sa mga studyante sa paligid na nakatingin sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trying To Enter Your World Where stories live. Discover now