P R O L O G U E

112 11 1
                                    

Habang mahimbing na natutulog ang lasing na Ama ni Shaina ay dahan-dahan siyang lumabas ng bahay habang bitbit ang isang malaking malita at may suot pa na malaking bagpack

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang mahimbing na natutulog ang lasing na Ama ni Shaina ay dahan-dahan siyang lumabas ng bahay habang bitbit ang isang malaking malita at may suot pa na malaking bagpack.

Alas singko nang madaling araw siyang umalis na hindi na nagpaalam pa sa kanyang Ama dahil siguradong sigurado na ikukulong siya nito. Agad ng pumunta sa Jagna Ferry Terminal ng Bohol si Shaina upang makapunta na siya ng Camiguin kung saan siya mag-aaral at magsimulang muli.

Habang nakasakay sa Ferry si Shaina ay nakatitig lamang siya sa Bohol habang papalayo ng papalayo ito hanggang sa nakarating na nga siya sa Camiguin.

Bumuntong hinanga muna siya at binuka-bukaka ang mga mata at agad ng bumaba.

Si Shaina pala ay natanggap sa isang malaking Universidad dito sa Camiguin bilang isang Scholar, 3rd year College at isang Civil Engineering student. Matagal na niyang balak na pumunta dito sa Camiguin pero kailangan muna niyang mag-ipon upang may pangtostos siya at hindi mawawalan ng budget sa pang-araw araw.

Dito sa Camiguin siya nakapagtapos ng pag-aaral ng elementarya habang sa Bohol naman nagtapos ng High School. Gusto niya lang bumalik dito at kalimutan ang lahat na masasamang pangyayari at ibalik ang dating magandang ala-ala no'ng dito palamang sila sa Camiguin.

"Nakabalik rin dito." masayang salita ni Shaina habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan at kitang-kita ang napakagandang tanawin ng dagat.

Papunta siya sa kanyang Apartment kung saan malapit lang din ang kanyang paaralan dito.

"Dayo po?" biglang tanong ng manong taxi driver.

Tumingin naman si Shaina dito. "Hindi po... Pero, parang gano'n na rin po 'ata, Manong. Medyo matagal narin po kasi akong 'di nakapunta dito... almost 8 years rin." mahinahong sagot ni Shaina. "Ang laking pagbabago na rito, ang dami nang naglalakihang building." dagdag niya dito.

Mga isang kalahating oras na pag-uusap ay nakarating rin si Shaina sa kanyang destinasyon.

"Maraming salamat po, Manong."

Medyo, maliit ang Apartment na nakuha niya pero ito lamang ang mas malapit sa paaralan at kaya sa budget niya ngayon. Medyo malayo rin ang mga boarding house dito. What do we expect kung malaking Universidad na ang pinag-uusapan rito, panigurado ang mamahal ng mga renta ng mga apartment sa paligid.

"Bukas na bukas na pala akong magsisimulang pumasok." pagod na bigkas ni Shaina at agad ng humiga sa kama niya dahil sa pagod.

Dahil sa pagod ay hindi na niya natiis na matulog.

Time check, it's already 3:00 pm at ngayon lang nakagising si Shaina. Nakalimutan niya na kailangang kailangan niyang maghanap ng part-time job ngayon upang may pangtostos sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.

"Shaina naman~... Hindi ka nag-iisip agad, kailangan nating maghanap agad ng trabaho... Anong kakainin natin kung 'di ka maghahanap ng trabaho. Kunti nalang ng pera natin, kailangan rin nating mag-budget sa buwan-buwan na bayarin." maiyak-iyak na kina-usap ang sarili habang naghahanap ng mga stores na posibleng mapagtrabahoan.

"Kaya mo 'to, Shaina. Dalawang taon mo nang binuhay ang sarili mo sa perang pinaghihirapan mo... Walang-wala ito sa'yo." cheer up niya.

"Tamang-tama, kailangang kailangan ko ng isang part-timer... Okay lang ba sa'yo na magtrabaho ng 6:00 pm hanggang 12:00 midnight?" tanong ng may ari ng isang convenient store.

Agad namang tumango si Shaina dito na masayang-masaya. "'Yan po talaga ang hinahanap ko, Sir." excited na sagot niya dito.

"Tawagin mo lang akong, Kuya JP." inilahad ni JP ang kamay niya upang magpakilala kay Shaina.

Tinangap naman ni Shaina ang kamay ni JP na masayang masaya. "Sige po... Kuya JP. Shaina nga po pala." masayang sagot at pakilala ni Shaina na ikakatuwa nilang dalawa.

"O siya. Kailan mo gustong magsimula?" tanong ni JP.

"Ngayon na po! Kung pwede!" agad na sagot ni Shaina na ikabigla ni JP.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Shaina dito, kailangan niyang magtrabaho upang buhayin ang kanyang sarili. Kahit mahirap, kailangan niyang magsikap.

Wala naman talagang madali. Lahat ay mahirap, kung hindi ka magsisikap — gugutomin ka talaga.

Nagsimula ng nagtrabaho si Shaina sa Eva's Store. Hindi narin masyadong nahirapang turuan ni JP ang bago niyang part-timer dahil bukod sa may experiences na itong trabaho ay madali rin itong matoto.

Nagpasalamat rin si Shaina dahil nakapagpahinga siya kaninang tanghali bago naghanap ng trabaho. Kaya masaya niyang sinirado ang store at agad ng naglakad pauwi. Hindi naman masyadong kalayoan ang store hanggang sa Apartment niya. Nasa 10 minutes na lakad lang ito.

Pero habang naglalakad siya ay may nakita siyang isang lalaking nahihirapang maglakad dahil sa kalasingan. Hanggang sa nakahiga na ito sa kilid ng kalsada.

Gustong pabayaan ni Shaina ito pero 'yong konsensya niya, ayaw niya itong pabayaan na lang na nakahandusay sa kalsada. Kaya pinatayo niya ito at naghahanap ng mao-upuan.

"Ang bigat mo!" reklamo ni Shaina habang pinaupo ito. Huminga muna siya ng malalim at agad na tinanong ang gwapong lalaki kung ano ang pangalan nito.

Dumilat ito ng kaunti at tumingin sa kanya. Nakatitig lang si Shaina dito, sa ganda ng mga mata ng lalaki at namumulang mga pisnge at labi nito, hindi niya maiwasang hindi makatitig.

Lumapit si Shaina at tumabi sa pag-upo.

Ano kaya ang dahilan bakit siya naglalasing? Bakit siya lang ang mag-isa ngayon? Nasa'n ang mga kaibigan niya? Dito ba siya nakatira?

Madaming tanong sa isipan ni Shaina.

Tumayo na lang si Shaina at nagpasyang uuwi na pero napigilan siya ng lalaki. "Don't leave me." he's voice is gentle at ramdam mo ang sincere ng pagkasabi niya dito.

Bumalik sa pagka-upo si Shaina at pinabayaan niya munang makatulog ang lalaki sa balikat niya.

Napansin ni Shaina ang cellphone na nasa bulsa ng lalaki kaya agad niya itong kinuha at binuksan. "Wala man lang password."

Hinanap niya agad ang contact list nito at agad na tinawagan ang pangalang 'Papa' na nakalagay sa contact list nito.

Medyo matagal-tagal rin bago sumagot ito. Sinabi ni Shaina ang lahat na nangyari at binigay ang location at landmark kung saan sila ngayon.

Natapos ang pag-uusap nila na wala man lang pasalamat na naririnig. Binalik na ni Shaina ang cellphone kung saan nakalagay ito kanina.

Dahan-dahan niyang pinahiga ang lalaki sa upuan at agad ng umalis. Hindi niya alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam niya ngayon na hindi na niya namalayang tumulo na pala ang luha niya.

Napatawa nalang siya sa kanyang sarili. "Ano ba ang problema ko."

'Yong tipong hindi mo alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo, 'yong gusto mo lang umiyak at mapag-isa. 'Yong oras na gusto mo lang na wala ng ibang iisipin pa — na walang pakialam kung anong manyayari bukas.

Habang nakahiga si Shaina sa kanyang kama at nakatingin sa bobong. Isa lang ang masasabi niya sa kanyang sarili. "Kaya natin 'to."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Trying To Enter Your World Where stories live. Discover now