“For ENGAGEMENT.” Sagot ni Gabby.

“Ahhh..O sige, come here.” Niyaya agad si Gabby ng babae sa opisina nito kasabay na rin si Vanessa.

Ipinakita kay Gabby ang mga sing-sing..

Nang matapos pumili si Gabby, binigyan nito ng cheque ang babae.

“Thank you, Gabby. I hope to see you again. Tell my regards to your sisters. You know what, you look like your brother...May he rest in peace.”

Sabi ng babae.

Ngumiti ng bahagya si Gabby at dahan dahang umalis.

“Tita..sino ‘yong lalaki kanina?” - Vanessa

“Ahhh..si Gabby Montreal. Hindi s'ya HE kundi SHE.”

“Gabby Montreal?” Biglang kinabahan si Vanessa.

“Oo, si Gabriela Montreal. Kapatid ni Galvin Montreal. Naging pansexual s’ya matapos mamatay si Galvin. S’ya na nga ang nagpapatakbo ng Hacienda nila. At alam mo ba, s’ya ang may-ari ng dating Hacienda ninyo.”

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa. Naaalala n’ya ang nangyari kay Galvin.

Bago pa man tuluyang lumabas si Gabby ay may inabot s’yang note sa tindera.

“Pakibigay ito sa Manager n’yo. ”

Nagmadaling lumabas si Vanessa para makita si Gabby ngunit wala na ito. Nagulat na lamang s’ya sa papel na inabot ng tindera sa kanya.

“I KNOW YOUR SECRET..MEET ME AT THIS ADDRESS...OR CALL ME WHEN YOU ARE READY.”

Tinago ni Vanessa ng papel. Palinga linga s’ya sa buong paligid.

Agad s’yang lumabas sa Shop.

“Maam, may tawag po kayo.” Agad lumapit ang tindera dala dala ang wireless phone.

“ Hello?”

( Takot ka ba? Hihintayin kita sa address na binigay ko..Kung ayaw mong iparating ko kay Indigo ang totoo HARAPIN MO AKO. )

“No! I’m not afraid of you.”

( Really? Okay, just be there. )

TOOOT TOOOT TOOOT

“Damn! Grrr....problema na naman!!!”

Nawalan ng gana si Vanessa..agad n’yang tinawagan si Gido.

Walang kaalam alam ang dalawa sa patibong ni Gabby.

“Gido, kailangan lumabas ka d’yan..ang may-ari ng Hacienda na ‘yan ay kapatid ni Galvin...si Gabby Montreal. Sigurado akong may alam s’ya tungkol sa nangyari kay Lilac...Magkasama sila ni Lilac.”

( Ha?! Paano ako makakalabas dito. Mahigpit ang mga guardia. Pakiramdam ko nga kami lang ang pinaghihigpitan....Ibig sabihin kinulong nila kaming tatlo dito para hindi makatakas! ‘Tang ***..! )

“Gido..darating ako d’yan..humanap ka ng daanan na pwede mong lusotan..hayaan mo ang dalawa d’yan. Ikaw ang kailangan ko...Bilis!”

Sumakay agad si Vanessa sa kotse at umalis na lang bigla.

“Hindi dapat masira ang plano ko. HINDIIII!!!!”

----------------------------------------

Samantala, natataranta si Gido kung paano makakatakas sa Hacienda Montreal. Ang hindi n’ya alam agad s’yang minamanmanan ng mga guardia.

Bumalik si Gido sa kanyang trabaho..pumunta s’ya sa mga taniman ng prutas. Sa di kalayuan ang tanimang ‘yon ay mayroong ilog. Balak ni Gido na doon dadaan upang makalabas sa Hacienda.

Ngunit nang makarating s’ya doon; nakatayo na ang mga bantay. At may dalang armas ang lahat.

Muli s’yang bumalik. Hindi na alam ni Gido kung anong gagawin. Hanggang nakapagdesisyon s’ya..Tinungo n’ya ang main gate ng Hacienda. Alam n’yang delikado ang kanyang iniisip..Mabuti nalang at 3 lamang ang bantay doon.

Lumapit si Gido sa isang guardia. Agad na inagaw ang armas at sabay tinandyakan ang lalaki. Agad itinutok ni Gido ang baril sa ulo ng lalaki.

“Palabasin n’yo ako! Kung ayaw n’yong sumabog ang utak ng taong ito!”

“Gido! Ibaba mo ang baril. Mag-isa ka lang. Marami kami.” Sigaw ng isang guardia.

Paatras ng paatras si Gido at ang lalaki. Palapit sila sa Gate. Ngunit hindi inasahan ni Gido ang isang lalaki na babaril sa kanya.

BANG

Isang putok lang. Tumama ang bala sa kamay ni Gido. Kaya tumilapon ang baril.

“Ahhhhhh!!!!!!” Napatingin si Gido sa lalaking papalapit sa guard house. May dala itong long range rifle. Wala iba kundi si Eduardo.

Hindi parin sapat ang balang tumama kay Gido. Nagawa pa rin n’yang pulutin ang baril..ngunit..

Sunod sunod na putok ang tumama sa kanya..Binaril S'YA ng mga dumating na pulis.

 Bumulagta si Gido sa lupa na walang buhay.

-----------------------------------------

Hapon na nang marating ni Vanessa ang Hacienda Montreal. Agad s’yang bumaba at lumapit sa guard house. Nakita n’ya ang ilang mga pulis at imbestigador doon. Nagawang magtanong ni Vanessa sa isang lalaki.

“Anong nangyayari dito?”

“Nagkaroon po ng barilan dito kanina. Nabaril po ‘yong isang tauhan...Yong lalaking may pilat sa mukha..si Gido.”

Nanginig ang tuhod ni Vanessa sa balitang narinig. Dahan dahan s’yang bumalik sa kanyang sasakyan..NGAYON ANONG GAGAWIN N’YA MAG-ISA NA LAMANG S’YANG HAHARAPIN SINA GABBY AT LILAC.

---------------------------------------------

Magtatakip silim na nang umuwi si Vanessa sa kanilang pamamahay. Tulad ng dati wala pa si Indigo.

“Kailangan hindi ako matatakot sa kanila kahit wala na si Gido. Kailangan kong ligpitin si Gabby. Kung wala s’ya mananatiling lihim ang lahat.”

Tinawagan ni Vanessa si Gabby at sinabing..

“ Magkita tayo bukas..tapusin natin ito.”

( Yan ang gusto ko sa 'yo Vanessa..malakas ang loob. Sige hihintayin kita. )

---------------------------------------------

Maagang umalis si Vanessa. Hindi pa man gising si Indigo ay iniwan na nito habang natutulog.

Parang wala sa sarili si Vanessa na agad umalis. Nakatutok ang isipan ni Vanessa kung paano magagapi si Gabby.

Tinungo n’ya ang kanyang dating condo. Mabilis na pinuntahan n’ya ang kanyang silid. Agad n’yang tinulak ang kama. At doon lumantad ang ilang klase ng baril at punyal.

“Sayang lang rin ang mga ito kung hindi ko magagamit. Pwes, susubukan ko ito kay Gabby Montreal.”

Nagising si Indigo na wala si Vanessa sa kanyang tabi. Hinanap nito sa katulong ngunit maging ang katulong ay di rin alam kung nasaan si Vanessa.

Pinagkibit balikat na lamang ni Indigo ang lahat.

Paalis na sana si Indigo papuntang trabaho nang may tumama sa kanyang kotse. Isang bato na nakabalot sa papel. Pinulot ni Indigo at nakitang may nakasulat..

YOU CAN’T MARRY HER..

Palinga linga si Indigo kung sino ang may kagagawan nun. Lumabas s’ya sa gate at inabutan n’ya ang isang nakamotorcyle dumaan sa kanyang harapan. Sa tingin ni Indigo isang babae ang driver ng motorcyle dahil sa hugis ng katawan.

“Sino kaya ‘yon? Anong ibig sabihin nito?”- Indigo

Ligid sa kaalaman ni Indigo si Lilac ang babaeng nakamotorcycle.

Nakatanggap narin ng message si Lilac galing kay Gabby.

“SEE YOU AT THE WAREHOUSE. AND WATCH THE SHOW.”

A PIECE OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon