Tumatakbo ako ng taas noo, wala akong paki kung machismis man ako dito sa Academy, wala din akong paki kung pinagtitinginan na ako. Ang gusto ko lang ay ang makaalis na ako dito.

Venice's POV

Agad kong sinundan si Maxine nung tumakbo siya papalayo, ugh! Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo nito! Nagbubulungan yung mga taong nadadaanan ko, dinig ko ang pangalan nina Maxine, Stephan, at Steve. Ang bilis kumalat, mga chismosa nga naman.

Pagkadating ko sa gate ay papaalis na yung kotse ni Maxine, darn! Ba't ba hindi ko dinala yung sasakyan ko!?

"Bwiset!" Inis kong sigaw bago ulit tumakbo, magcocommute na lang muna ako. May dala naman akong pera at wala akong paki maubos man to. Sisingilin ko na lang si Maxine mamaya sa mga magagastos ko kakahanap sa kanya.

Agad kong pinara yung taxi na papadaan.

"Saan ho tayo ma'am?" Ano na? San na ako unang maghahanap?

Sa huli ay sa village na lang din ako nagpahatid, kailangan ko ng sariling sasakyan, baka iwan na lang ako bigla ng taxi na rerentahan ko sa gitna ng kalsada kapag nagkataon.

Ilang oras na akong nagpapaikot ikot sa city namin, nakailang litro na din ako ng gas at naistress na ako. San ba pwedeng magsuot yon si Maxine? Mas mahirap pa yata ang maghanap ng kaibigang broken hearted kaysa sa pagsagot sa recitation e.

Malapit na akong sumuko, isang lugar na lang. Isang lugar na lang talaga ang pupuntahan ko ulit. At kapag hindi ko pa siya nahanap, uuwi na ako at doon maghihintay.

Maya maya ay nagring yung cellphone ko, kanina pa din tumatawag sina Stephanie sa akin, naghahanap din sila gaya ko

"Ate, nakita mo na ba si ate Maxine? Hala! Baka napano na yon..." naiiyak niyang sabi,

"Shh, nagpapalamig lang yon, pag nakita ko na siya tatawagan ko kayo kaagad. Umuwi na kayo, ako na lang muna ang maghahanap." Matapos niyang um-oo ay ibinaba ko na yung tawag, alam kong hindi niya sinasadya yung mga sinbi niya kay Maxine kanina, masyado lang silang nagpadala sa mga emosyon nila.

Pumasok na ako sa loob ng kotse atsaka nagmaneho papunta sa bar, kung saan kami nagpunta noong nagrounded kaming pareho. Yun na lang ang pag-asa ko, makakapasok naman siguro ako doon diba?

Malayo pa lang ay dinig ko na ang maingay na musika na nanggagaling doon, kita ko na din ang iba't ibang ilaw na nakakabulag sa mata. Heto nanaman, mahihilo na nanaman ako dahil sa mga letseng ilaw na yan. Naghanap ako ng mapaparking-an atsaka bumaba, patakbo akong nagpunta sa likod ng bar kung saan kami dumaan ni Maxine noon. Nakita ko ang ilang lalaki na pumapasok doon, may mga mukhang adik, at jejemon. Jusko po. Baka magmukha ng jejemon si Maxine pag nailabas ko siya dyan sa bar kung sakali mang nandyaan siya!

Lumapit din ako sa may entrance at papasok na sana ang kaso ay hinarangan ako ng mga bouncer. Ugh! Seriously!?

"VIP pass ma'am?" Tanong nung isang uh.. hindi ko alam kung mataba ba to o malaki lang yung katawan.

"Ah, wala po e. Susunduin ko lang sana yung friend ko, hehe. Aalis din naman kami kaagad.." hangga't maaari kailangan kong magpakabait. Last time kasi muntik na kaming mabanned dito dahil sinapak namin yung guard, yun din ang dahilan kung bakit nalaman nina daddy na nagbar kami.

"Pasensya na ma'am, pero may rules kaming sinusunod dito."

"Sige nanaman po, susunduin ko lang yung kaibigan ko, wala yun sa sarili e, baka mamaya kung mapano na yon..."

Ilang beses pa akong nakiusap pero ayaw talaga nila akong papasukin, hinanda ko na yung sarili ko para sana manapak ng biglang may umakbay sakin. Teka... sino to?

"I'm with her, can we go now?" Bago pa man ako makalingon sa lalaking umakbay sakin ay tumango na yung mga bwisit na bouncer at hinila na ako ng pokemon na nakaakbay sakin! Pag to kamukha ni boulbasor makakatikim talaga siya ng super kick!

Nana tuluyan na kaming makapasok ay agad kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin,

"Woah... easy! It's me Ven, you don't need to punch or kick me, I just helped you enter okay.." natatawang sabi ni Tyler habang nakataas pa ang kamay, agad naman akong umayos atsaka siya tiningnan ng masama. Bwisit e, siya lang pala!

"Ikaw lang pala! Akala ko kung sinong pokemon na."

"Ouch ah, makasabi naman ng pokemon to. Teka.. bat andito ka? At may kasama ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay atsaka tinuro yung tabi kong wala namang nakatayo.

"Siya. Imaginary friend, say hi!"

"Okay... chill. Wait, so it means... you're alone and... you're not with Mark or anyone in the gang?" Walang gana naman akong tumango.

"Oh shit. I'm dead,"

"Huh? Bakit?"

Magsasalita pa lang sana siya nung naaninag ko yung likod ni Maxine sa may counter nung bar.

"'Cause you---"

"Save that---I need to go to Maxine, thanks for the help!" Maglalakad na sana ako papuntang counter kaso pinigilan niya ako! Ano nanaman ba!?

"What!?"

"Maxine is here?"

"Oo! At baka maubos niya na lahat ng alcohol doon sa may counter kapag hindi mo pa ako binitawan!" Inis kong sabi kaya agad siyang bumitaw, hindi ko na ulit siya pinagsalita at iniwan na doon para puntahan si bessy. Nung makalapit ako at maaninag ko na ng maayos yung mukha niya ay alam kong madami na din siyang nainom,

Halos pula na yung pisngi niya at papikit na din yung mga mata niya, bukod doon ay sobrang pula din nito at parang namamaga. Mukha na talaga siyang stress at halata na galing siya sa masakit na pag-iyak. I know... she really loves Stephan. Stephan is the first man she cried like this. Her first heart break was not painful like this.

"Maxine, tama na. Tara na sa bahay..." sabi ko atsaka siya inalalayang tumayo,

"Oh! H-hi bebeshyyyy! What are you doing here?" Nakangiting sabi niya habang nakatingin sakit at pumipikit pikit yung mata. Amoy alak na din siya, batukan ko kaya to? Pagkakataon ko na to, hindi niya naman siguro maaalala diba?

Akmang hahakbang na sana kami ng may nakita akong pares ng mga sapatos sa harap. Napaangat ako ng tingin at nakita doon sina Anthony kasama ang buong barkada, dito nila kinocomfort ang kaibigan nila? Nakita kong nakatitig siya sakin na parang sinasabing "What the fvck are you two doing here?" Inirapan ko lang siya. He! Ikaw nga dapat ang tanungin ko!

"Alis. Dadaan kami." Sabi ko at lalakad na sana kaso pinigilan ako ni Stephan.

"W-wait lang... lasing ba...siya?"

Bago ko pa masagot si Stephan ay nagsalita bigla si Maxine.

"Ano ba? Ang ingay naman e! Besshyyyy. Uwi na tayo... antok nako..."

"Ma-maxine..."

Napalingon si bessy kay Stephan, napatitig pa siya dito bago tumawa at umiyak. Napailing na lang ako. Naiiyak na din ako! Bwisit naman kasi tong mga to e!

"Ano ba yan... kahit saan nakikita ko yung mukha ni Stephan!" Bumitaw siya sa pagkakaakbay sakin at lumapit kay Stephan. Nanigas siya nung lumapit si bessy. Pinapanood lang namin sila, nagulat na lang kami nung tumama yung kamay ni bessy sa mukha ni Stephan. Oh shit...

"Para yan sa pagpapakagago mo! Alam kong may kasalanan din ako pero tangina mo! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Ako din gago!"

Natulala silang lahat lalo na si Stephan, pati yung ibang tao dito ay sa amin na nakatingin,

"Tara na bessy." Sabi ni Maxine at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako pero nung makadaan ako sa tabi ni Anthony ay pinigilan niya ako.

"You mad? We're just here because we want Stephan to forget her... even just for a while." Tiningnan ko siya ng blangko ang ekspresyon.

"And I'm here to get my best friend away from here." Sagot ko atsaka hinila yung kamay ko.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now