Chapter 10: Pedestrian Crossing

6.6K 504 135
                                    

Bago ang anniversary ng "pag-aaminan" namin, nakaisip ako ng sorpresa. Alam ko kasi, may meeting siya kinabukasan, pero nangako naman siya na babalik naman siya ulit. Medyo napapadalas na nga yang meeting na 'yan dahil may bago kaming client. Anyway, naisip ko, sosorpresahin ko siya sa condo. Tutal, may susi naman na ako.

Tama, tama. Iyon ang gagawin ko.

Tumingin ako sa lingerie section sa mall. Black, black is always sexy, nasa isip ko. Tumingin din ako ng cake at ng balloons at rose petals.

Naisip ko na lahat ng gagawin ko.

Kinabukasan, umalis ako kaagad. Nag early leave lang ako para magawa ko yung sorpresa ko sa kanya. Nagtext ako sa kanya, Anong oras matatapos meeting mo?

Nagreply naman siya kaagad, Mga seven siguro. See you sa condo ng mga ganong time?

Tumakbo ako kaagad dala-dala yung mga gamit na pangsorpresa. Excited ako mag-ayos, at tinitingnan ko yung cell phone ko para sa designs sa kuwarto. Kumpleto naman na ang kailangan ko.

Kinuha ko yung susi at nagulat ako sa nakita.

"What the fuck!" napasigaw ako.

Nakita ko si Aion na may babaeng nakasauot ng itim na dress na umiiyak. Teka . . . ito yung nasa profile picture niya. Nakita ko pa silang naka-paa. Nanlaki yung mata ni Aion nang nakita ako.

"No, no, please—"

"Who is she?" sabi pa ng babae, nakapulupot pa yung kamay niya sa leeg ni Aion.

"Don't you fucking come near me!" sigaw ko habang binato sa kanya yung paper bag kung saan nakalagay yung hindi pa nahihipan na balloons, rose petals, at iba't iba pa. Pati yung walang kamuwang-muwang na cake, naibato ko sa kanya.

Huli kong binato yung susi sa condo at saka sinara yung pinto.

Tumakbo ako papunta sa elevator na sakto namang kakarating lang sa floor namin. The universe is on my side, I guess. Narinig kong nagbukas yung pinto kaya pumasok agad ako sa elevator at sinara bago pa man siya makahabol.

Pagdating sa ground floor, tumakbo ako agad papunta sa kawalan. Hindi ako makapaniwala. Sabi na nga ba eh. He was too good to be true.

Nagring yung cell phone ko. Sinagot ko at inunahan ko siya bago pa man siya magsalita.

"Sorry if I opened up to you. Sorry if . . . if I fell in love with you. At sobrang sira ulo ko to believe you were true! Fuck you, and fuck her! Sige, tutal, tingin ko naman you're fucking together literally! Wait . . . baka ako pala yung third party dito? Baka all this time—oh my god, what the fuck did I do!"

"Calm down! Nagbigay lang siya ng wedding invitation niya sa 'kin!"

"Nang naka-paa talaga? Wag ako, di ako tanga! Did you lie to me?"

"Fuck no, Glai! Sosorpresahin talaga kita at nagpatulong sa kanya. She offered. Please . . . where are you? Believe me, she's just now my friend. It's been years."

"She's just a friend mo mukha mo! I have heard that. I have heard that from my father."

Binaba ko yung phone at tinapon yung sim card. Umiiyak pa rin ako at hindi matanggap ang mga pangyayari. Umiiyak dahil umasa ako na baka nga puwede pala kami, na baka nakita ko na yung dream guy ko—isang lalaking marunong maghintay sa pagtawid sa pedestrian lane na may hawak-hawak na husky.

Unti-unting bumagal ang takbo ko. Hindi ko na alam kung saang lupalop ako, basta alam ko, tumakbo lang ako palayo sa kanya. Mag-gu-Google maps sana ako, pero naalala kong kakatapon ko lang ng sim card ko.

CrosswalkWhere stories live. Discover now