Chapter 8: No U-Turn

4K 344 215
                                    

Pagpasok ko ng office ng Monday, lahat kami, may sticky note na nakadikit sa computer namin.

Team, won't be in the office for four days. I'll be here just to log in at 5 a.m. I asked Sir Jose to take in charge. Kaya niyo yan! See you on Friyay! —Aion

Pero ang napansin ko, sa akin, may nakalagay na extra.

PS. Text mo ko if you want to see Alpha. :) I'm just a ped lane away.

Napangiti ako pero inalis ko kaagad. Bakit may paganito pa sa akin? Ano ba to? Ano ba! Na-cha-challenge ba siya sa 'kin dahil hindi ako katulad ng ibang mga babae sa office?

Tuesday, may rosas sa may cabinet ko. Buti nasa loob ng cabinet to, kundi issue 'yon panigurado.

Magtetext sana ako ng Aion, ikaw ba naglagay ng rose sa cabinet ko? pero parang ang assuming. Isa pa, hindi naman siya nagtetext kung may nilagay ba siya. Malay ko bang may nangtitrip lang sa kin.

Tiniklop ko yung rosas at nilagay lang sa bag ko.

Pagdating ng Wednesday, may kape na sa desk ko.

"Sinong naglagay dito?" tanong ko kay Joyce na mas nauna sa kin.

"Huh? Ewan ko. Si kuya sekyu lang na dumating tapos dinala yan. Akala ko naman sa 'yo. Hindi ba sa 'yo?"

Nakaisip naman ako kaagad para iwas issue. "I mean, sa akin nga. Tinanong ko lang kung sinong naglagay."

"Para kang ewan."

Hindi ko gets yung mga nangyayari. Bakit may pa-rosas at may pa-kape 'tong taong to? Naiinis ako dahil kinikilig ako. Kailangan ko kalmahin yung puso ko. Hindi 'to puwede. Teka, bakit kung maka-assume naman ako, parang si Aion may gawa nito? Eh paano kung hindi? Paano kung ibang department pala?

Ininom ko yung kape dahil sayang naman. Nagkaroon ako ng plano kung saka-sakaling mag-iwan ng kung ano man yung taong naglalagay ng mga to.

Nag-iwan ako ng note.

Whoever you are, stop wasting your money on me. I am not interested.

Pagdating ko noong sumunod na araw, may key chain na husky.

Tama ata ang hinala ko.

Pagbukas ko ng desk ko, may note siyang iniwan.

Alam ko naman. I'm just doing this to put a smile on your face. I hope I was able to. :) You look pretty when you smile. :) –Aion

"Umamin din ang gago. Pretty when you smile mo lolo mo," sabi ko, kinikilig na naiinis.

"Huy, problema mo?" komento ni Joyce. "Aga-aga may kaaway ka dyan."

"W-wala. Si . . . Aion ba bumalik na?"

"Huh? Di ba sabi niya one week daw siyang wala?"

"Ay . . . oo nga pala." Eh bakit nakakapagpadala siya ng mga ganito sa akin? Alam ko namang siya to.

"Bakit? Miss mo na?" tukso ni Joyce.

"Loko-loko. May ipapapirma lang akong leave."

Pumunta ako ng banyo para huminga. Hindi ko kaya lahat ng feelings ko. Alam ba 'to ng girlfriend niya? Shit siya. Ayoko sa mga tulad niya . . . flirtatious freak!

"Please stop being sweet to me," napabulong na lang ako sa sarili ko.

Pagpunta ulit sa cubicle ko, buhay na naman yung group chat namin.

Marian: MAJOR CHISMAX!!!!!!!!!

Sharlene: spill!

Marian: wala talagang gf si Aion OMG ATTACCCCC

CrosswalkWhere stories live. Discover now