Chapter 6: No Overtaking

3.5K 323 59
                                    

Isa ako sa mga unang nagising. Naligo na ako kaagad para walang kaagaw sa banyo. Nagligpit na rin ako ng gamit para ibababa na lang sa van. Naglakad-lakad muna ako sa beach, tutal, hindi naman ganoon kainit.

Pagbaba ko, una ko kaagad nakita si Alpha. Siyempre, doon ko naisip na kung andito si Alpha, malamang gising na si—

"Aga nagising ah."

Sabi na eh. "Siyempre."

"Kamusta ulo mo?"

"Okay naman."

"Kakain ka na ng breakfast?"

"H-hindi pa," sagot ko, assuming na kakain na siya ng breakfast. "Mamamasyal muna ako."

"Good. Kami rin ni Alpha."

Wala akong nagawa. Ala na nga sasabihin ko "Ay joke. Mag-breakfast muna pala ako." Halata na iniiwasan ko nga talaga siya. Isa pa, kasama naman si Alpha kaya okay lang.

Naglalakad lakad kami. Walang tali si Alpha pero sumusunod-sunod naman siya kay Aion. Natutuwa ako kapag nagbabato si Aion ng bola tapos kukunin ni Alpha tapos papakainin siya ni Aion ng treat.

Hay. Pangarap ko rin yan na gawin—mas maganda kung kasama ka—kaso hanggang pangarap lang. Una, ang mahal ng husky. Pangalawa, hindi naman kita makakasama, naisip ko.

Tahimik lang kaming naglalakad. Kumukuha ako ng litrato ng dagat, ni Alpha at ng dagat, ni Alpha habang tumatakbo, ng langit, ng kung ano-ano pa.

"Magpapapicture ka ba?" tanong niya.

"Hindi. Okay na ako."

"Akin na. Picture-an kita dyan."

"Hindi na!"

"Kasama si Alpha?"

Napaisip ako. Ano na? Alam na niya kahinaan ko. Haha.

"Sige."

Tinawag niya si Alpha at pinaupo sa tabi ko. Ang dami niyang shots na kinuha. Nakakatawa na noong una, ayaw ko, tapos biglang sabi ko, "Ano ba yan, isama mo naman yung sky."

"Yes, Ma'am!"

Nagpicture ulit kami ni Alpha. Pagkakita ko, sobrang kilig lang. Aso, dagat, langit—puwede na ako mamatay nito.

"Thank you! Thank you!" sabi ko sa kanya.

"Alpha," bigla niyang sinabi. Hindi ko alam kung paano nangyari pero biglang andon na si Alpha sa likod ni Aion na parang bata lang yung kinakarga niya. Siguro nakaugalian lang, pwumesto ako sa tabi niya.

Click.

At sa isang iglap, may picture na kaming tatlo. Bagay sana tayo, isip-isip ko. Pero inalis ko kaagad yon sa isip ko para mapalitan ng Cute ni Alpha para hindi na ma-trigger kung pa kung ano man tong feeling ko.

Doon ko napagtanto . . .

Phone pala niya yung gamit.

"Tara?" aya niya. Bumalik kami sa may hotel, habang nasa isip ko kung bakit niya kailangan na magkaroon ng picture namin.

"Hello! Eh di for memories," sabi ko sa sarili ko. Napangiti ako nang naalala ko na parang family picture yung nangyari. Nakakainis kasi . . . bakit may ganon? Bakit kailangan pa na may ganon? Nakakakilig na nakakainis.

Umalis lang naman kami sa resort na iyon ang nasa isip ko. Pagbalik ko sa bahay, ganoon pa rin. Bakit kasi kailangan may ganon?

Mga isang oras pagkatapos, nakatanggap ako ng message mula kay Aion mula doon sa messaging app na ginagamit namin sa work dahil hindi naman kami contacts sa Facebook.

Iyong picture naming tatlo ni Alpha.

Nag-seen lang ako. Dito pa talaga sa chat box sa work, ano? Sabi nga nila, wala pa siyang in-a-add na kahit sino sa Facebook. Pero ang totoo, sinave ko talaga. Tiningnan ko yung picture at napangiti . . . tapos biglang napaiyak.

"Hanggang pangarap ka lang," sabi ko sa sarili ko. "Hindi kita hahayaan maging katotohanan."

At pagkatapos ng isang huling tingin, binura kona yung picture.

CrosswalkWhere stories live. Discover now