Chapter 9: Two Way

3.5K 318 38
                                    

Hindi pa namin nasasabi sa opisina ang tungkol sa amin. Ang totoo, ayoko rin ng issue. Palihim kami pumupunta sa condo niya minsan pagkatapos ng office hours. Nanonood, nagkukuwentuhan, naglalaro ng board games, nag-e-enjoy kasama sina Beta at Alpha. Napansin kong hindi na rin pumupunta si Paulo. Sabi niya, nagrenta daw siya ibang lugar para rin daw sa girlfriend niya.

Ngayong araw, pumunta na siya sa bahay para kumain ng dinner para "ma-iba" naman. Tuwang-tuwa naman ang nanay ko nang nalaman niya 'yon. Pinapa-"go and multiply" na nga niya kami. Medyo nahihiya na nga ako sa tanong ng nanay ko. Nang lumabas kami sa bahay para sana tingnan siya bago siya umalis, sinabi ba naman ng nanay ko sa 'kin kahit na naririnig ni Aion, "Pag pinakawalan mo pa 'yan, humanap ka na ng ibang nanay."

"MA!"

Natawa lang si Aion. Pumasok si Mama sa bahay.

"Pasensiya na," sabi ko. "Akala lang ng nanay ko, halaman ako."

"Use me all you can," sabi niya na may kindat.

"Use ka diyan."

Hinawakan niya yung kamay ko. "Halos isang taon na, and I'm still into you."

"Aba dapat lang," sabi ko sa kanya.

"The moment I met you on that fateful day, hiniling ko talaga na sana makita ulit kita."

"Actually, ako rin. Nagulat na lang ako na boss kita. W-wait . . . wag mong sabihin na ini-stalk mo ko!"

"Hindi no. Nagulat din ako noong nakita kita doon. Sabi ko nga, tadhana e. Akalain mo 'yon?"

"Akalain mo talaga!"

Hinawakan niya yung mga kamay ko at nagulat ako sa mga sinabi niya. Matapos ng halos ilang buwan, ngayon lang niya to sasabihin sa kin.

"Mind if I say this?" tanong niya.

"Say what?"

"That I love you, Glai. You're the best thing—no, person—I ever had."

Napangiti ako at natawa. "I was . . . hay nako. Hinihintay ko pa man din birthday mo para sabihin 'yon."

"Bawiin ko ba?" sabi niya na may halong matamis na ngiti.

"Maybe we are old souls," sabi ko sa kanya. "Baka naging tayo dati tapos nag-reincarnate tayo at heto, tayo ulit."

"Iniisip ko rin 'yon."

Hinalikan niya yung likod ng mga kamay ko at saka niya ako hinalikan sa labi. Hindi ko mapigilan ngumiti. Masyadong perfect ang buong taon na to.

O baka masyadong maaga para sabihin 'yon.

Sana hindi.

CrosswalkWhere stories live. Discover now