Petite Nerdie 20

5.1K 214 7
                                    


Petite Nerdie 20

Pagkatapos nameng kumain sa dining area nila ay kaagad naman niya akong hinila papunta sa kwarto niya. Kanina pa ako iniinis nitong rain na ito, kumain ba naman na naka topless ?

Hindi ko na talaga kinakaya yung pang-iinis niya dahil tinatablan na talaga ako sa mga ginagawa niya. Pero hinde ako ganun pinalaki ng mama ko kaya ang ginawa ko ay kumain na lang ng tahimik at sa pinggan na lang tumingin para mawala na yung pamumula ng mukha ko.

" saan ba tayo pupunta ? basta iuuwe mo na ako ah .." pagtatanong ko, hinde siya sumasagot sa tanong ko. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin na pawang nang-iinis.

" secret.." sagot niya, kaagad namang naginit ang ulo ko kaya nilapitan ko siya at sinipa sa tagiliran niya. Yan tuloy napahiga siya sa sahig sa ginawa ko. Nagtangka pa akong lumabas ng kwarto.

" wag kang lumabas ng kwarto, aalis nga tayo diba ? pramis matutuwa ka sa lugar na yun.." paninigurado niya, kaagad naman nitong nakuha ang atensyon ko.

" sigurado ka ah, dapat matutuwa ako sa pupuntahan naten.. pag hinde naku, malilintikan ka saken.. papagalitan ako ni mama sa pinag-gagawa mo eh.. hinde dapat ako sumasama sa mga lalaki.." panunumbat ko sa kanya, ngumisi lang ito habang hawak niya yung parteng nasipa ko.

" matutuwa ka doon, panigurado.." sagot niya, kaagad siyang dumeretso sa closet niya at kumuha ng damet doon.

" suutin mo yan.. " kaagad siyang nag abot sa akin ng plain white t-shirt at isang pantalon na tingin ko ay sakto sa size ko.

" baka sabihin mong manyak ako kaya sa banyo kana magpalit ng damit.. dito na lang ako.." banat niya, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Pagkapasok ko ng pinto ay nakita ko ang hubad niyang pigura, yung scenario na brief na lang ang natira sa katawan niya ?

My ghwad, mala adonis pala ang katawan nito.

Pero nahagip talaga ng mata ko yung brand nung suot niyang brief, bench pala ang brief niya. Feeling ko nagiinit nanaman ang mukha dahil sa nakita ko.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagpapalit ko ng damit at paglabas ko ay nakabihis na rin siya. Naka whote t-shirt din siya at nakapantalon tulad ko.

" halika na.. bumaba na tayo.. ilang oras pa yun bago tayo makarating doon sa pupuntahan naten.." pagpapaliwanag niya, ngumiti na lang ako bilang tugon.

Sa totoo lang ngayon lang ako makakagala at libre pa, sino ba anamn ako para huminde sa alok nito ?

Magpapaliwanag na lang ako kay boss kung bakit hinde ako nakapasok or magbugay na lang ako ng excuse letter.

Kaagad naman kameng sumakay sa sasakyan niya, hinde ko inaasahan na ang gara pala ng sasakyan niya. Tingin ko napakamahal nito dahil sa design nung auto niya. Pinagbuksan pa niya ako ng passenger seat kaya malugod ko namang tinanggap ang pagaalok niya.

Pagsakay ko ay sumakay naman siya sa driver's seat at nagmaneho na siya.

=====

Ang haba nga ng biyahe hanggang sa tumigil kame sa isang fast food chain.

" bababa lang ako para bumili ng pagkain naten habang nasa biyahe tayo ay may kinakain tayo.." paliwanag niya, bumili nga siya ng pagkain. Napaisip ako sa ginagawa niya, ano kayang pumasok sa utak nito at dadalhin niya ako sa kung saan mang lugar ?

Sa pagkakaalam ko hinde kame close at nitong kamakailan lang kame nagkakilala eh.

Pagbalik ni rain ay kaagad ko siyang kinuwelyuhan.

" ikaw, bakit mo ako inaaya na mamasyal ? siguro may plano ka no ? hinde naman tayo close eh kaya bakit mo ako sinasama ? " pagtatanong ko sa kanya. kaagad namang pinamulahanan ng mukha tung lalaking ito.

" ewan ko, basta yung ang gusto kong gawen.. basta, wag mo na lang itanong.." wala sa katinuan niyang sagot sa akin. Binitawan ko na yung kwelyo niya at nagsimula na siyang mag drive. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tanawin sa labas habang pinapapak ko yung french fries na binili niya. Marame kasi siyang binili, i think yung binili niya is double combo kasi super large nung lalagyan ng fries eh.

Hanggang sa napansin ko sa bawat oras na nagdaan ay puro talahiban na yung nadadaanan namen at mapuno na. Muntikan ko nang maisip na may gagawen sa aking masama tung rain na ito nang dumaan kame sa mataong lugar.

Grabe, hindi ko inaakala na dito niya pala ako dadalhin. Nasa harapan kame ng isang malaking amusement park. Naalala ko na minsan na din akong dinala ni mama sa amusement park kasama si papa.

" halika na.." pagaaya niya sa akin, nakangiti ko namang tinanggap yung kamay niya. Hindi ko inaakala na makakatuntong ulit ako sa ganitong lugar, kaya nung nakapasok na kame ay kaagad naman siyang bumili ng ticket at kaagad na kameng sumakay sa isa sa mga rides.

Kaagad kong na miss ang kabataan ko, masaya ako noon kasama ko si mama na gumagala sa perya at kumakain pa ako nun ng cotton candy habang naglalakad kame at sinusuyod ang bawat rides sa perya. Naalala ko pa noon nung last namen sinakyan ay ang ferris wheel.

Nung nakaabot kame sa taas ay masaya kong tinitigan ang view nun, nakatingin pa sa akin si mama habang kasama ko siyang pinapanood ang view mula sa taas.

" bakit ka naiiyak ? " pagtatanong ni rain, hinde ako nakasagot kaagad dahil pinunasan ko muna ang mga patak ng luha na nagnakaw ng daan upang lumandas sa aking pisngi.

" wala lang to .." masaya kong sabe, hindi ko inalintana pa ang umiiyak kong itsura at inaya ko na siyang sumakay sa isa sa mga rides. Basta ang araw na ito ay mailalagay ko sa pinaka magandang pangyayaring nangyari sa buhay ko.

Hindi ko malilimutan talaga ang araw na ito..

/ salamat sa pagsubaybay .. thanks din sa readers ko na nagantay ng Update xD /

The Petite Nerdحيث تعيش القصص. اكتشف الآن