Petite Nerdie 2

10.1K 355 8
                                    

Petite Nerdie 2

Nakapasa kame sa Entrance Exam at ngayon kasalukuyan kameng dalawa ni Zandy na papasok sa school, nakakatuwa nga eh dahil malapit lang ang dorm namen kaya sabay kameng papasok. Wala kasi akong bahay dito sa maynila at nasa probinsiya ang bahay namen. Tulad ng sinabi ko, hindi ako mayaman at inanakan lang ng foreigner na yon ang mama ko kaya nabuo ako.

"Niel ang Swerte ng mama mo dahil nagkaroon siya ng anak na maganda.. sayang kung tunay kang babae naku, marameng magkakagusto sayo.." sabi ni zandy, kita sa mukha nito na parang nagiimagine nanaman ito.

" naku Zandy, di kop ala nakwento sayo na marame akong manliligaw sa probinsiya, lahat sila hindi magkamayaw na ligawan ako habang hindi pa ako umaalis ng probinsiya.. natatakot pa nga sila dahil baka may makilala daw ako dito sa Metro Manila at masapawan ko daw sila.." natatawa kong sabi kay zandra, hindi ko talaga makalimutan ang mga manliligaw ko don sa probinsiya, lahat kasi sila ni reject ko pero matiyaga sila dahil kahit ni reject ko na nililigawan parin ako.

" wow, kahit lalaki ka ?" biglang sagot ni zandy sa akin.

" Oo, maagnda daw kasi ako at mukha daw akong babae.. Sinasali ako ni Mama sa Miss Gay at nakakatuwa dahil nananalo.." sagot ko sa kanya, kaagad naman siyang napatango sa sinabi ko.

" pero Niel, since birth ba yang buhok mo na kulay red ? " pagtatanong niya ulit.

" Oo, kaya nga ako pupunta sa guidance office para bigyan ako ng certificate about dito para hindi na ako mangoroblema about sa hair ko.." sagot ko sa kanya.

" Edi samahan na kita.." maligalig na sagot nito, kaagad naman kameng pumunta sa guidance office para masabe ko sa dean yung about sa buhok ko at para na rin hindi mabigyan ako ng patunay na natural tung buhok ko.

After namen makakuha ng Certificate ay kaagad naman kameng dumeretso papunta sa classroom. Masaya kameng dalawa ni Zandy na naglalakad hanggang sa makarating kames a classroom. Buti na lang wala pa ang teacher kaya kaagad naman na kameng pumunta sa may gilid para doon maupo. Ilang sandali pa ang lumipas, wala pa rin ang teacher kaya kinuha ko ang suklay ko sa bag at sinuklayan ko ang buhok ko.

Hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa non ang nakakunot noong teacher na lalaki. kaagad kong tinitgil ang pagsusuklay ko at kaagad na tumingin sa kanya. pati na dn si Zandy tumingin na rin sa kanya.

" okay class, magpapakilala kayo one by one sa harap.. " kaagad niyang tinuro ang nasa harapan kong babae, kaagad namang tumayo ang babae at pumunta sa harapan.

Nagpakilala lang siya hanggang sa sunod-sunod na sila nagpakilala sa gitna. Hanggang sa turn ko na, kaagad akong ngumiti sa kanila nagpakilala na ako.

" Im Daniel Dylan Mikagaki..19 years old, galing po ako sa isang Public High School sa aming Probinsiya..yun lamang po.." sabi ko, papunta na sana ako sa upuan ko ng pigilan ako ng teacher ko.

" well, Mr. Mikagaki.. nasabi ba sayo na bawal ang pagpapakulay ng buhok? At isa pa.. Lalaki ang pangalan mo so isa kang gay ? " pagtatanong n gaming teacher, kaagad naman akong napangiti sa kanyang tanong.

" actually , Open Gay ako sa aking probinsiya at natural po ang kulay ng buhok ko.. " sagot ko sa kanya, kaagad namang nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin.

" ano ang patunay mo na natural yang buhok mo ?" tanong ni sir, naghahanap kasi si Sir ng ebidensiya kaya kaagad akong pumunta sa bag at kinuha ko ang certificate na nagpapatunay na natural kong buhok ito.

" well, sige papayagan ko na yang buhok mo.. wala namang kaso sa akin kung natural yang buhok mo.." kaagad naman na akong umupo at sumunod na nagpakilala si Zandy.

" Ako si Zandra Thrine Lopez.. tulad ng kaibigan ko ay galing din akong probinsiya.. 19 yrs old din ako.." pagpapakilala niya, kaagad naman siyang pinaupo at hindi na siya kinwestyon pa dahil pang babae ang pangalan ni Zandra.

Natapos ang klase na nagpapakilala kame, halos doon lang umikot ang araw namen whole day para makilala kame ng mmga professors namen. Pero hindi naman nakakabored dahil nag lecture naman sila kaagad after nila malaman ang mga pangalan namen.

Kaagad ko naman na gets ang mga lessons at puro halos madadale dahil umpisa palang naman. Natapos ang classess namen kaya kaagad kameng pumunta sa canteen para kumain. Nakakagutom mag-aral kaya mas maganda kumain parate para malusog, marame akong kumain pero hindi ako tumataba.

pumila kaagad kame ni zandy sa counter para makabili kaagad kame ng pagkain dahil sobra na talaga akong nagugutom. Nakabili na kame ng pagkain at kaagad naman na kameng naghanap ng upuan para maupuan naming dalawa.

Kaagad naman kameng nakahanap at nasa gilid lang ito ng canteen, kaagad kameeng pumunta doon at umupo na kaagad kame dahil sa gutom na gutom na talaga ako.

" alam mo sis paparating na ang 4 kings para maupo sa kanilang troo.. my ghwad im so excited !! " sabi nung babae sa harapan namen, sumagot naman yung girl na katabi niya.

" basta akin yung Swimmer, sa akin lang talaga siya.." sabi nung girl. Nagtataka man ako sa sinabi nng girl ay kaagad naman akong bumalik sa pagkain. Kumakain kame ng tahimik ni zandra hanggang sa may babaeng pumasok sa canteen na nagtititili na parang ewan.

Hanggang sa naghiyawan na ang mga babae sa canteen, sa pagtili nila ay sobrang sakit na ng tenga ko at pati na din si Zandy na kaibigan ko.

" halika na, Zandy sa likod tayo dumaan para hindi na tayo maingayan.." sabi ko sa kanya, kaagad naman niya kinuha yung tray niya at umalis na kame doon. Pagkalabas namen ay kaagad naman kameng pumwesto sa lilim ng puno. Presko kasi doon, pag pumupunta kasi kame ng pamilya ko sa lawa sa gubat ay sa lilim lang ako ng puno nakataambay para hindi mainitan.

Naalala ko tuloy mga memories ko sa probinsiya, kamusta na kaya ang pamilya ko don?

Kaagad naman kameng kumain habang nanonood kame ng mga soccer players sa field. Mabilis na tumatakbo ang mga players sa field at pinag-aagawan ang bola gamit ang paa nila, naalala ko nung sumali ako sa soccer team ng probinsiya namen, nanalo pa nga ang School namen sa finals dahil puro kameng mga magagaling na players ang kinuha ng coach ng school. Hindi ako nagsisisi na sumali ako sa mga yon dahil gumanda ang reputation ko pero dumami naman ang mga manliligaw ko sa labas ng bahay.

Nakakairitang isipin na bawat gabi ay may bago akong mukha ng lalalki na nakikita sa labas ng bahay namen at merong hawak na gitara para kantahan ako, habang ako naman nakatingin lang sa ginagawa nila sa baba.

Pagkatapos niang kumanta ay papapasukin sila nina mama at papa pero ako hindi lalabas ng kwarto, maliban na lang kung pinilit ako ni mama palabasin ng kwarto. Pag kasi natitipuhan ni mama yung manliligaw ay pipilitin niya talaga akong palabasin ng kwarto.

" Niel, ang lalim naman ng iniisip mo.. mag share ka, matatapos na kaya ang break naten.. ngapala gala tayo after ng klase.. tutal uwian na naten aafter ng subject na kasunod nitong break.." pagaaya ni zandy sa akin. I called her Zandy, para hindi na Zandra tsaka gusto naman niyang tinatawag siyang Zandra eh, feel na feel naman niya eh.

" okay, hindi ko kasi alam ang mga lugar ditto kaya okay lang para may alam ako.." sabi ko sa kanya, natapos kameng kumain ay kaagadd naman na kameng naglakad papasok ng canteen para ilagay kahit saan yung tray namen para makuha na din ng mga katiwala sa loob yung pinagkainan namen.

Dumaan kame sa gilid para hindi na kame mapansin, busy kasi ang mga babae sa canteen dahil pinapanood nila ang apat na nakaupo sa pinaka center ng canteen. Hindi ko na lang pinansin ang apat na nakaupo at nagpatuloy na lang kameng dalawa ni Zandy na maglakad paalis ng Canteen.

Pagkalabas namen ay kaagad na kameng dumeretso sa klase namen kahit hindi pa time ng subject namen.

The Petite NerdWhere stories live. Discover now