Petite Nerdie 8

6.5K 268 2
                                    


Petite Nerdie 8

Hindi ko alam kung ano ang sadya nila pero appalapit na sila ng papalapit at hindi ko manlang maitayo ang katawan ko para makatayo at makaalis na sa lugar na ito.

Papalapit sila dito, hanggang sa nakaramdam na ako ng kaba. Hindi ko na alam ang mararamdaman sa bawat pagtapak ng mga paa nila sa lupa. Para bang dinadagungdong ang buong pagkatao ko.

Hindi ko alam ang gagawin nila o kung ano ang gusto nila. kasalukuyang nagdadaldalan ang mga babae na nakatingin sa amen, hindi mapigilan ang mga bibig nila sa pagsasalita. Tahimik lang kame ni zandy habang papalapit dito ang 4 Kings sa ilalim ng puno na kinauupuan namen.

" ano kaya sadya nila dito ? bakit nandito sila ? " sabi ni zandy pero maingat niya yun sinabi, yung tipong kameng dalawa lang ang makakarinig.

" hindi ko alam.. hindi ko alam.." sabi ko na lang hanggang sa nakalapit na nga sila sa amin. Kung tutuusin ay gwapo nga sila kung titignan, siguro hindi ko sila napagmasdan ng maigi nung niligtas ko sila sa mga buisit.

" hi.." bati nung isa sa kanila, actually ito yung mayabang na lalaki na nakabungguan namen ni zandy. Napakasama ng ugali nito pramis.

" hindi kame interesado sayo.. " sabi naman ni zandy sabay nun pinandilatan na niya yung lalaki.

Tahimik lang na nakatingin ang tatlo habang yung isa naman naiinis sa sinabi ni zandy. Ako naman tahimik lang din ako, hindi ko gusto na magsalita. Marame kasing mga mata na handa akong tuligsahin kung may mali akong magawa.

Nagulat na lang ako nang makita ko silang apat na nag bow sa akin, bigla akong nakaramdam ng hiya sa iba at siguro pati din si zandy na shocked sa ginawa ng apat.

" dahil sa pagliligtas nyo sa amin nung isang araw ay nakaligtas kame sa mga armadong mga lalaking yon.. Salamat sa ginawa mo, bilang pagtanaw ng utang na loob ay meron kameng ibibigay sayo.." sabi ng pinakaleader nila, hindi ko kasi alam ang pangalan nila kaya nagkakaganito ako.

" bilang pagtanaw namen ng loob sayo ay bibigyan ka namen ng 4 cards, bawat cards ay nay katumbas na wish.." sabi ng leader nila, napakastrikto nito ngunit alam kong kailangan lang niya itong gawin dahil sa may utang na loob sila sa akin.

" bawat isa sa inyu dalawa ay may kaukulang 4 cards, ibabalik nyo sa bawat isa sa amen ang cards kung may gusto kayung ipagawa sa isa samen.. " paliwanag nito.

" Ako ang Clubs.. ako si Rein Veil Silva.." sabi nito, napakaputi nga niya at kaya pala siya tinaguriang white person ng campus dahil sa kaputian niya.

" ako naman ang Diamonds.. ako si Joshua Dela Vega.." nakangiti nitong sabi, ewan ko ba pero hindi ko gusto ang presensiya niya dahil feeling ko kasi homophobic ang isang ito. Feeling ko lang yun kaya sana wag nyung seryosohin.

" ako naman ang Heart, ako si Kevin Lastimosa.." mayabang na pagkakasabi niya, ewan ko ba pero galit ako sa taong ito dahil ang hangin niya sobra.

" ako naman ang Spade, nagkakilala na tayo.. sinabi ko na sayu ang name ko.." sabi nito, napatango naman ako sa sinabi niya. magaan ang loob ko naman sa spade. Basta para siyang something para sa akin pero hindi ko lang maintindihan ngayon kung anu ba ang nararamdaman ko sa kanya.

" kilala nyo na si Spade ? ang duga, hindi manlang tayo pinakilala sa dalawang magandang ito.." nagiinarte na sabi ni Kevin, para talagang bata maginarte pasalamat siya may dimple siya. Wait bakit ko ba nasabi yun, nah.. ayoko na magsalita.

" tumahimik ka nga diyan, nagkakilala kame sa soccerfield.. " banat ni Adrian, kaagad naman akong pinamulahanan ng mukha sa sinabi niya. ewan ko ba pero bakit ganito ang nararamdaman ko, siguro lalagnatin na ata ako.

" anu naman ang ginagawa ng dalawang dilag sa Soccerfield ? diba dapat nasa gymnasium kayo para manood ng laro ko ? " sabi naman ni Kevin, napakaisip bata talaga nitong kutong lupa na ito.

" nandoon kame dahil nag try-out ang kaibigan kong si Daniel.." maangas na sabi ni zandy, gusto niyang umaktong hindi nasisindak. Wala na akong magagawa doon.

" nasaan si Daniel ? " nagtatakang sabi ni Rain, pati ba yon kailangan nilang malaman. Edi magpapakilala na ako.

" Ako si Daniel Dylan Mikagaki.." nakangiti kong pagpapakilala sa kanila, kaagad na lumuwa ang mga mata nila na malaman na lalaki ako.

" wait, your joking right ?.." sabi nung Joshua, hindi na ako nagsalita. Mariing tinignan ko na lang sila at kaagad na hinila ko si zandy para makaalis na kame.

" wait lang.. we just need confirmation !!" sigaw nung Kevin, natigil ako sa paglalakad na naging dahilan para matigil din si Zandy sa paglalakad.

" you want proof ? wait ipapakita ko sa inyo ang original copy ng birth certificate ko.." kaagad kong sagot, kinuha ko ang original copy ng birth certificate ko sa bag na kung saan nakalagay sa clearbook. Pinasadya ko yun para hindi na ako mangongoroblema.

Pinakita ko sa kanila ang clearbook na kung saan nakalagay ang birthcertificate ko. Speechless sila dahil alam na nila ang katotohanan. Kaagad kong hinablot ang clearbook ko sa kanila.

" Zandy lets go.." kaagad na kameng umalis sa gitna ng commosyon pero ako ngayon at ang kaibigan ko ang bida sa chismiss sa campus dahil sa nangyari.

Ito na ang umpisa ng paglaho ng katahimikan sa buhay ko, alam kong hindi ito magiging madale kaya siguro kailangan na nameng mag alternate ng pwesto para hinde namen makita anag apat na yon.

" Niel, dapat hindi mo muna pinakilala ang sarili mo.." nagaalalang sabi ni zandy, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang makilala ako ng mga tao bilang isang gay. Isa akong gay at dapat maaga palang alam na nila ang kasarian ko kung may magtangkang manligaw sa akin, kung tanggap na nila kaagad ang kasarian ko ay hindi ko sila pipigilan na mahumaling sa akin.

Kaagad naman kame dumeretso sa canteen dahil ginutom na kame kakaisip sa mga nangyari kanina, basta iiwasan ko na sila, nakita ko kasi kung paano kame pagchismisan ng mga babae sa campus. Merong mangilan-ngilang lalaki na nanonood sa nangyayari pero wala na akon pakialam ngayon.

Dahil wala pa masyadong studyanteng kumakain ay kaagad naman kameng nakakuha ng order namen. kaagad naman kameng pumwesto sa favorite nameng pwesto kung saan ako nanonood ng mga players sa field.

" buti na lang at tahimik na .. pero seryoso, ayaw ko talaga sa kanila kahit gwapo sila.." sabi ni zandy, tama siya may mali akong nararamdaman sa isa sa kanila at habang maaga palang pipigilan ko na lang ang nararamdaman ko. ayaw kong magkaroon ng ugnayan sa kanila.


 Bukas na bukas ay gagamitin ko na kaagad ang apat kong kahilingan sa kanilang lahat para hindi na ako maging parte ng chismiss sa paaralan na ito.

The Petite NerdWhere stories live. Discover now