Petite Nerdie 16

5.3K 219 6
                                    


Petite Nerdie 16

Rain Veil Silva POV

Habang magisa akong naglalakad sa dilim ay may nakita akong dalawang pamilyar na tao na kasalukuyang naglalakad papunta sa fast food chain na kinainan namen kanina ng mga ka-tropa ko.

Hanggang sa nahagip ng mata ko ang pigura ng dalawang babae. Alam kong si daniel kaagad yung naglalakad, kasabay niya si Zandy na naglalakad sa tabing daan.

Kaagad akong naalerto nung nakita kong papalapit ang mga masasamang tao na yun sa dalawa. Nung titigan ko ng maigi yung isa nilang kasamahan ay may kutsilyo ito sa likuran.

Mas lalo akong nag panic dahil panigurado ay hindi nila kakayanin ang mangyayari dahil babae ang isa sa kanila. Hanggang sa tinutukan na nga ng lalaki ng kutsilyo si Zandy habang hawak-hawak niya ito sa leeg.

" bahala na.." patakbo na ako para rumesbak sa kanila pero hindi ko inaasahan ang nangyari dahil mabilis na tumakbo si Daniel papunta sa may hawak na kutsilyo, hindi niya alintana ang gagawen ng lalaking yon sa kaibigan niya.

Mataas siyang tumalon papunta sa kinapupuwestuhan ng dalawa, nung nakalapit na siya ay kaagad niyang binanatan ng isang matinding sipa sa tiyan ang pinakamalaki sa kanila. Habang nasa mid-air ang katawan ni daniel ay napak plex niya ang katawan niya para tumama ang paa niya sa ulo ng may hawak kay zandy.

Ang galing niya makipaglaban, para siyang goma dahil sa pagiging flexible ng katawan niya. Mukha siyang action star na babae kung titignan pero kung hindi mo talaga kilala ang tao ay yun ang aakalain nyo.

Alam kong marameng pinagdaanan na training ang daniel na to pero hindi ko inaakala na magiging ganon kabilis ang pag flex ng katawan niya. Pero ngayon ko lang napansin sa kanya na mas bumagay sa kanya ang pula niyang buhok. Hindi na ako nakalapit sa kanila at husang umalis si zandy sa mukhang manyak na goons.

" ang galing niya.." hindi ko mapigilan masabe, ewan ko ba.. dahil sa panonood ko sa kanya ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa baklang yon. His not a typical gay i ever know.

Tama nga ang mga narinig ko mula kay adrian, this daniel at zandy na ito ay parehas na galing sa probinsiya. Siguro maayos ang pagpapalaki sa kanila kaya sila ganyan.

" alam kong narinig mo kame nung naguusap kame ni kevin.." pamilyar na boses na narinig ko sa bandang likuran ko.

" adrian ikaw pala.." nakangiti kong sabe sa kanya.

" that gay, ibang-iba siya sa mga nakilala na nateng gay sa school.. napapansin mo yun diba ? nakalaro ko siya sa soccer kaya alam ko kung gaano kataas ang flexibility niya.. he even make his signature kick.. ganun kadale lang sa kanya gumawa ng isang malakas na atake kahit nasa mid-air siya.. muntikan na siyang maging champion pero may isa sa kalaban niya ang bumali ng kanan niyang mga binti habang nasa game kaya hindi siya nag champion.. pero malaki ang future niya, i even research na isa sa sports niya ang Valley Ball.." paliwanag nito.

" pero anung nangyare ? " pagtatanong ko sa kanya.

" hindi na niya pinagpatuloy ang larangan niya sa sports simula nung nabale ang ginagamit niyang paa sa soccer.. nag focus na lang siya sa pag-aaral at pinilit na kalimutan ang sports na mahal niya hanggang sa makagraduate na sya ng high school.. his a big catch na ngayon alam na ni coach na nandito siya sa school ay hahanap-hanapin siya nito at kukumbinsihin.." paliwanag nito , kaagad naman akong nagtaka kung bakit niya masyadong inilalarawan ang buhay nito sa akin.

" alam kong nagtataka ka ngayon kung bakit ako nagsasabi ng ganito sayo, kung nagugustuhan mo ang baklang yon ay marame ka nang kaagaw dahil dumating ang dalawa at nadagdagan pa ng isa.. pero sa ngyaon hindi ko muna sasabihin sayo kung sino.." sabe ni adrian at naglakad na nga siya paalis sa pwesto ko.

Pag lingon ko sa pwesto ng dalawa ay wala na sila sa lugar na yon. Siguro tumakas na sila pero naiwan ang dalawa na nakabulagta sa sahig. Duguan ang mga labi dahil rin ata sa tindi ng sipa sa kanila.

" kailangan ko kayong i report dahil sa ginawa nyo kanina.." kaagad naman akong tumawag ng pulis para dakpin ang dalawang ito at ireport ang nasaksihan ko.

Ewan ko ba pero nung nakita ko si daniel ngayog gabe ay mas lalong tuminde ang pagnanais kong makilala pa ng husto ang bakla yon. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para kaagad na akong makauwe ng bahay.

=====

Pagkauwe ko ay kaagad akong tumawag sa telepono at tinawagan ko ang private investigator nila mama at papa.

" Mr. Cruz, Gusto ko lang po i background check ang nagngangalang Daniel Dylan Mikagaki.." sagot ko sa kanya.

" okay po sir, kaagad ko na pong iinvestigahan.." sagot ng investigador at kaagad ko namang ineed call ang tawag.

Gusto pa kitang makilala, i want to know all about you...

Daniel Dylan Mikagaki POV

Mabilis akong tumakbo habang hila-hila ko si Zandy. Hindi talaga ako natutuwa na merong ganong mga lalaki sa mundo na gusto akong kalabanin. Gusto ko lang naman ng peaceful life pero anung magagawa ko kung magdala ng resbak yung pervert kanina.

" salamat niel dahil sayo buhay pa rin ako.." umiiyak na sabi ni zandy sa akin, muntikan na siya talagang mamatay kung hindi ko lang napigilan na itarak nung buisit na yun ang kutsilyo. Buti na lang nasindak ko sila sa skills na ginawa ko kanina.

Sa totoo lang natakot ako sa nangyari kanina, kung hindi ko lang naisip na gamitin yung skills ko sa soccer sa kanila. Siguro may nagawa na silang masama sa akin.

" wag ka nang magpasalamat, magkaibigan tayo eh.." sabe ko sa kanya, kaagad na kameng dumeretso sa dorm na tinutuluyan niya at tinignan ko muna siya hanggang sa makapasok na siya sa dorm niya.

Kaagad naman akong dumeretso sa dorm ko na sa kabilang kalye lang makikita. Pagkadating ko sa dorm ay nandoon si aling selma at hawak ang telepono niya.

" oh nandyan ka na pala iho, tumawag ang mama mo at kinakamusta ka.. ang sabe ko naman okay ka lang at yung inaalagaan mong pusa.." sabi ni aling selma.

" salamat po aling selma.. matutulog na po ako dahil inaantok na po ako.." sagot ko sa kanya, sa totoo lang wala na akong energy dahil nagamit ko na lahat sa mga goons na yun, pinipilit ko na lang na gumalaw para makauwe at makahiga na ako sa malambot na kama.

" oh siya, aalis na ako ah.. tulog ng mahimbing iho.." sabe ni aling selma at umalis na nga siya sa dorm ko.

Kaagad kong dinampot ang pusa ko at kaagad kong yinapak si Twilight at kaagad na natulog.

Sana sa panaginip wala nang mang gulo sa akin..

/ Sorry kung natagalan ang Update, minamadale ko na po ang pag - gawa pramis xD /

The Petite NerdWhere stories live. Discover now