Petite Nerdie 18

4.9K 210 10
                                    


Petite Nerdie 18

Rain Veil Silva POV

Naglalakad ako sa papunta sa building ng maihi ako kaya nauna na muna sakin ang mga tropa ko, pagdating ko sa Cr ay nakita ko na lang na may nakahandusay malapit sa Cr. Nung lumapit na ako para makilala yung nakahandusay ay si Daniel pala.

Kaagad ko siyang hinawakan, nung kapain ko yung noo niya. Ang init niya, siguro nga nilalagnat nga ito. Kaagad ko siyang binuhat papunta sa clinic. Pagkarating namen doon ay kaagad na nagmadali ang nurse na lagyan ng sapin yung higaan para mailagay ko kaagad si Daniel.

Pero nagtataka ako kung bakit ang gaan ni daniel, siguro petite ngang talaga siya kaya ganyan. Kaagad siyang sinuri ng nurse.

" mataas lang ang lagnat nitong batang ito.. kaya yata siya nahimatay dahil sa sobrang taas ng lagnat niya.. nasa 42 degree celsius ang init ng katawan niya.." sabe nung nurse, kaagad itong kumuha ng basin at white towel.

Kaagad naman niyang nilagyan ng towel na bagong piga niya sa noo nito.

Grabe pala siya magkasakit..

" Alam mo ba kung saan ito nakatira ? dapat kasi sa kanya maalagaan ng mabuti dahil sobra ngang taas ng lagnat niya.." paliwanag ng nurse, hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero tumango din naman ako kalaunan.

Hindi ko kabisado ang mga lugar dito kaya napagdesisyunan ko na lang na dalhin siya sa bahay namen. Binuhat ko siya papunta sasasakyan ko, hinde ko kasama ang mga tropa ko at sigurado akong susundan na nila ako maya-maya.

Pagkapasok ko kay Daniel sa likuran ay kaagad ko nang minaneho ang sasakyan ko. Pagpasok ko ng mansion ay kaagad kong binuksan ang pintuan sa likuran para mabuhat ko siya. Napakagaan niya buhatin kahit na lalaki siya, usually dapat malaki na rin dapat ang katawan niya sa ganitong edad.

Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad kong tinawag ang mga maid ko para asikasuhin ang mga kailangan ko.

" sir, ito na po yung batya at towel.." sabi nung maid habang nakatingin sa taong nasa higaan.

" ang ganda sir ng girlfriend nyo.." sabi ng babae, tumango na lang ako at kaagad ko na siyang pinalabas ng kwarto ko.

Kaagad kong nilagyan ng towel yung noo niya, hanggang sa umabot na ako ng hating gabi. Nilagyan ko ng thermometer ang kili-kili niya at tinignan ko ang temperature niya..

" 37 na lang .." pagod na pagod kong sambit hanggang sa napagdesisyunan ko nang tumabi sa kanya at matulog. Hinde ako mapakali habang katabi ko siya hanggang sa tinitigan ko siya sa mukha.

Maamo ang mukha niya pag natutulog, ewan ko ba pero ang sarap niyang yakapin ngayon. Hindi ko na napigilan an sarili ko at niyakap ko na siya hanggang sa dinapuan na ako ng antok.

Daniel Dylan Mikagaki POV

Nagising ako dahil nakaramam ako ng panlalamig, pagmulat ko ng mata ay napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang isang study desk malapit sa bintana at isang napakalaking drawer sa gilid. Hanggang sa napatingin ako sa gilid ko ay nakita ko si rain na nakayakap sa akin at yung paa niya ay nakapatong sa akin.

Jusko, nandito ba ako sa bahay ni rain ?

Muli ko siyang tinignan at nakatopless pala ang loko, naku mapapagalitan ako talaga ni mama sa nangyaring ito. Bawal akong makitulog sa bahay ng iba. Naku baka isumbong ako ni aling selma kay mama.

Kaagad kong niyugyog yung ulo ni rain para magising siya. Pero hinde pa rin magising ang hinayupak, napasarap ata ang tulog dahil sa posisyon niya.

Ang higpit pa ng yakap nito, paano ako makakatakas nito sa kanya ?

Sa naiisip kong posisyon namen ay hindi ko mapigilan na hindi magisip ng masama kaya pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may masakit at buti na lang walang masakit at walang nangyari.

" rain.." tawag ko sa kanya, pero hinde pa rin sumagot.

" Rain.." tawag ko ulit pero hinde parin nagigising.

" RAIN !!!! " sigaw ko sa kanya, nabigla siya sa pagsigaw ko at ngayon nahulog siya sa kama.

Pagkatayo niya ay tumayo na rin ako, pagkatayo ko ay nakita ko ang suot ko na nakasuot na pala ako ng maluwag na pajamas.

" bakit sumigaw ka ? ang aga-aga pa lang naman para bumangon eh.." sabi niya.

" ikaw ba ang nagpalit sa akin ng damit.." seryoso kong sabe sa kanya, hindi siya nakasagot pero kita sa mukha niya na naguiguilty siya.

Tama nga ako, siya nga nagpalit sa akin ng damit.

" pinalitan ko lang naman dahil sobrang pawis ka na at sobrang taas pa ng lagnat mo.. nasa 42 yun kahapon.." sagot niya, naintindihan ko naman. Pagkasi nagkakasakit ako ay hindi ako magising-gising dahil siguro nakalakihan ko nang ganon tuwing nilalagnat ako.

" sigurado ka yun lang nangyari ?" kaagad ko siyang pinandilatan ng mata.

" uhm.. tinignan ko lang yung katawan mo kung bakit ka payat.." sagot niya, kaagad akong pinamulahanan ng mukha sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi nitong mokong na to.

What the effin he said ?

Tinignan niya ? kung titignan niya wala siyang makikita sa katawan ko puro buto kaya yung katawan ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa, wala na akong maihaharap sa future husband ko dahil nakita na niya ang lahat. Manyak pala tung si rain naiinis ako.

" wag kang mag-isip ng kahit ano dyan, hinde kita hinubaran ng panty.. yung katawan mo lang yung nakita ko.. hindi yung gitna mo.." sagot niya, nakahinga naman ako ng konti sa sinabi niya pero hindi nawala yung pamumula ng mukha ko. Dahil nga nakita nga niya yung mukha ko diba ?

" okay, nasaan na yung gamit ko.. kailangan kong pumasok sa school.." pagrarason ko, para makaalis na ako dito. Gusto ko nang umalis talaga dito dahil nakakahiya na.

" wala kang dalang gamit dahil naiwan mo sa school.. damit mo lang pero sabado ngayon at dala ni zandy yung gamit mo.." sagot niya.

" uuwi na ako, kailangan ko nang umuwi.." sabi ko, humarang siya sa pintuan at kaagad akong pinwersa para lang mapahiga sa kama.

" hinde ka uuwe, sa Monday na.. sinabi ko kay Zandy na dito ka muna sa amen.. hanggang Monday.." sagot nito, hindi ako makapaniwala sa ginagawa ng damuhong to sa akin.

Buisit, kailangan kong makataas sa lugar na ito bago pa ako makaranas ng masama.

" wag kang mag-alala wala akong gagawen sayo, gusto ko lang naman na mamasyal tayo mamaya.. ipapasyal kita para naman makabawe naman ako sayo.." sagot niya, siguro naman kaya kong kalabanin ito kung pipilitin niyang may mangyari sa amen.

" Sige papayag ako.. pero pagkatapos ay uuwi na ako ah.." sagot ko sa kanya, tumango naman siya.

Tama yan, ayaw ko nang madagdagan pa yung masamang karanasan ko na ikaw ang nagdulot.

" Please lang, magdamit ka nga.. ayaw ko na ding titigan yang mga pandesal mo sa tiyan, nagkakasala ako sa MATA !! " sigaw ko sa kanya, napangisi naman siya sa sinabi ko at mas lalo pa siyang nangiinis. Nilalapit kasi niya lalo sa akin yung katawan niya kaya nakakagigil siya. Pero umalis din naman siya sa tabi ko dahil naglakad na siya papunta sa pintuan.

Tignan

" halika na, bumaba na tayu para makapagalmusal na tayo.." pagaaya niya, hinde na ako pumalag pa at sumama na sa kanya. gutom an kaya ako.

Gutom na gutom..

/ salamat sa pagtangkilik ng story ko kung sino man ang nakaabot sa chapter 18 xD /

The Petite NerdWhere stories live. Discover now