1

3.2K 41 3
                                    

Starting from zero got nothing to lose
Maybe we'll make something
Me, myself I got nothing to prove

Kasandra

Kauuwi lang niya from LA, nasa Pilipinas na siya sa wakas! Umuwi siya to get to know her mother's roots!
She just finish high school and her whole family lives in LA, first time niyang makatapak sa Pilipinas pero she was taught how to speak Filipino fluently. She is always facinated by her mom's country kaya pinagplanuhan talaga niya ang pag uwi.

Arriving from the airport sinundo siya ng pinsan niya. Si Milette, nakakausap niya ito parati sa viber or sa twitter. She consider her as her sister kahit ngayon lang sila nagkita ng personal.

Kasandra!

Hey ate Millete!! Im home!

Yes! Welcome to the Philippines! kumusta ang byahe?

Thank you ate! Okay lang naman po. Medyo mahaba din pala.

Ito na lahat ng maleta mo? parang hindi ka na babalik ng LA sa dami ah!

Hindi naman, mga pasalubong ate.

Wow matutuwa mga pinsan mo niyan! Kaso Kassy gustuhin ko man na saamin ka pumisan tumawag ang daddy mo.. may condo palang nakalaan para sayo.. Doon ka daw titira.

Ganun ba? medyo nalungkot siya akala niya makakasama niya parati ang mga pinsan niya. She's an only child kaya gusto niyang maexperience ang madaming kasama na kaedad din niya at hindi puro matatanda.

Okay lang yun dadalawin ka namin parati!

Asahan ko ate ha..

Habang nasa byahe sila..
alam mo ba Kasy may mall show sa MOA si Donny, naku kung hindi kita sinundo andun ako ngayon!

Ha? sino yun?

Ahh gwapong artista dito sa pilipinas. Naku minsan ei sasama nga kita. Kasali kasi ako sa fansclub nun.. minsan pag hindi ako busy sumasama ako sa team live para makita siya ng personal. Nakakakilig!

Talaga ate? naku sige try ko din yan.. I really don't have plans pa for my vacation dito.

Tamang tama! mga pinsan mo member din.. pag sunday minsan kung saan ang ganap ni Donny pumupunta kami, bonding na din.. ganun!

Mukhang masaya yun ate.. Sige sasama ako..

Sige, naku matutuwa ka dun kasi ang bait na bata!

Okay sige po ate. Natatawa siya first time ata niya manonood ng artista pero why not? basta kasama mga pinsan niya. ❤️

New country, new experiences, new life!

Twisted AngelWhere stories live. Discover now