CHAPTER ONE

9.5K 123 0
                                    

"Haiissst! Kainis naman 'tong mga mapuputlang kano na 'to! Andami daming demand! "Kandatulis ang nguso nya  habang nagbabasa ng match profiles ng dating website na sinapian. Bakas ang inis at pagkairita sa kanyang tono habang nagbabasa ng mga bio ng mga lalaki.
"Tingnan mo pa ang isang ito gusto ng nurse! Di sana, sa agency sya humanap o kumuha! Di dito sa dating website na ito!"Wala pa ring tigil nyang reklamo sa sarili. Magkasalubong ang mga kilay na nakatutok ang mga mata sa screen ng kanyang mini tab habang  nagbabasa ng profiles ng mga lalaki sa dating website iyon.
"Oh heto pa! May naligaw na pinoy rito! Tsk tsk tsk! At ang sabi' shy boy raw at looking for his one and only? Duh! Meron pa bang girl na ganun? Mamimili ng shy boy eh ang gusto ng mga girls nila yung tipong bad boy ang dating pero mapagmahal!aniya sa kawalan. Di nya maintindihan ang sarili ngunit di nya mapigilang huwag mainis sa mga nababasa roon. 'Hoy! Raizel, humanap ka na lang Sa tabi tabi wag na dito sa online dating website kasi ang mga pinay dito kano ang gusto di pinoy! "Nanggigigil nyang dotdot sa mini tab na hawak. Nakafull screen iyon kaya ang  malaking mukha ng kawawang si Raizel ay nadotdot ng mabuti ni Agatha sa ilong nito na nasa screen.
  "Hmmmp! Mabuti na lang sa screen lang kita pinagdudotdot kung sa personal pa baka napasok pati maliit kung daliri sa ilong mo! "Sabi nya pa uli na bakas ang pagkainis rito.
Nagscroll down uli sya. Di pa rin tumigil kakabasa ng mga profiles ng foreigner doon. Di naalis ang kunot ng kanyang noo habang nagbabasa ng bio ng mga nadadaanan nyang profiles. Kapag mga pinoy ang nadadaanan ng mata nya agad nyang nilalampasan iyon. Di nya na pinagkakaabalahang basahin pa ang mga pinagsasabi ng mga ito sa bio nito.
"Hmmm,mukhang mabait itong si Marc. From Canada pa talaga ha. Ang bansang gustong mapuntahan ng maraming pinoy!"aniyang may gumihit na ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang mukha nito sa screen.
" Kaso 67 na pala ito. Sayang! Haller! Lolo ko na ito anu kung ituturing! But infairness ha,maganda ang sinulat nya sa profiles nya saka mukhang mabait ang mukha. Sabi nya rito sa bio.... I am a happy, healthy, and calm person! Mga quality ng lalaki na nasa list ko!Pwede na. Pwede ng gawing pampakalma ng puso ko."Wika  nya na may ngiti sa labi. Magaan ang kanyang naramdaman rito habang binabasa ang bio nito at tinitigan ang picture nito sa profile. Muli syang nagpatuloy ng pagbabasa sa profile ng lalaki.
"A widower,hmmmm, with one adult son. Hmmmm... kung adult na malamang may asawa na iyon kaya siguro itong Marc na ito ay naghahanap ng companion sa buhay! "Kausap nya sa sarili saka muling nagpatuloy  sa pagbabasa.
"I am a gentle man, I would love to spend my life to a sweet,caring,and beautiful woman. I would love her dearly. I am grateful to find that lady to be love and  be proud of.  All the best, Marc. Ganun? Hmmmm,I think Marc you're a good man. But kasi ang tanda na ng edad mo kung sana naging forty ka lang di sana ako na mismo ang  magwiwink sayo! "Saad nya na sa picture ng lalaki nakatingin. Kinakausap nya ang larawan nito   na tila ba sasagutin sya nito pagkatapos.
  Natigil sya sandali sa pagbabasa ng may marinig syang mga katok sa pintuan ng  kanyang apartment.
  Tatlo silang nakatira sa apartment na iyon. Isang bakla at dalawa silang babae na pawang nagtatrabaho sa hotel.
  Ayaw nya sanang tumayo dahil as usual tinatamad na nman syang kumilos ngunit sigurado sya di titigil sa kakakatok ang nasa labas ng kanilang pintuan. Sigurado syang naiwanan na nman ng mga ito ang sarili nitong mga susi!
"Hoy bruhang Agatha! Pagbuksan mo ako ng door please... "ang narinig nyang wika ng baklang si Kenya na ikinatirik ng kanyang mga mata dahil wala itong dalang susi.
Kenneth Apostol ang pangalan nito ngunit pinalitan nito ng Kenya para raw ang  tunog ay kakaiba.

Napasimangot sya ng marinig uli ang tawag ng bakla sa kanyang pangalan. May pagmamadali nyang tinungo ang pinto sabay bukas niyon at tumanbad sa kanya ang nakasimangot na bakla.
"Hoy higad na kenya ka! Maganda ako sayo bru-"ang di naituloy na wika nya rito dahil nakapansin nyang di pala ito nag-iisa sa labas ng kanilang apartment. Di nya masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo may kadiliman sa labas ng apartment nila.
Napangisi nman ang baklita nyang kaibigan sa pagkatameme nya bigla.
Sabay hawak sa kanya at pinapihit sya patalikod papasok muli sa loob ng kanilang apartment.
"Oh, anu ka ngayon?Nganga ka 'te?! Wag kang magkakamaling akitin yan bruha kundi mata mo lang ang walang latay pagkaalis nyan mamaya! "Ang nanlalaking mata na sabi ni Kenya.
"Hoy higad! Di ako pumapatol sa mga asian guy kasi di nman sila yummy sa kama! "Ang walang prenong sabi nya sa kaibigan sabay dumila rito.
"Aba't! Ang Bruhang ito talaga! Bakit? Nakatikim ka na ba ng luto ni adan?!"ang nanlalaki ang mga matang, naiiskandalong wika nito sa kanya. Na ikinangisi nya rito. Pinandilatan sya  nito ng malalaki nitong mga mata.
"Titikim pa lang bakla! Ayyy! Anu ba? Masakit kang mangurot! "Ang paimpit nyang wika habang nangingiti dahil itinakip nito ang palad sa kanyang bunganga ng mapasigaw sya.
  Inis nyang inalis ang kamay nitong nakapigil sa bibig nya. Saka ito hinarap.
"Oh, nakalimutan mo na atang papasukin ang butsikik mo higad! "Pang-aasar nya rito na ikinapanlaki ng mga mata nito lalo ng maalala ang kasama.
Napahalakhak sya ng malakas ng napabuka ang bibig nito at napa-oh ito ng exaggerated.
"Ay oo, nga!. Chan, come to mama baby.. "ang malandi nitong tawag sa bisita nito sa labas habang naglalakad pabalik sa pibtuan nila.
Napapailing  na napapatawa syang pumasok muli sa mga kanyang silid. Ayaw nyang madatnan sya roon ng bisita nito. Di nya type kumilatis ng lahi ni buchiking! Mas type nya ang mga lalaking may malalakas na sex appeal. Any nationality can be except for asian guys!

HUNTING A RICH MANWhere stories live. Discover now