"Ako ang Dios" Sino at Ilan ang nagsasalita?

1.3K 2 0
                                    

Maraming mga talata na nakasulat na siyang patotoo at makapagpapatunay na ang Diyos ay isa o iisa lamang. Hindi ito nauunawaan maraming mga tao. Gaya ng mga naniniwala na Diyos si Cristo, at may mga naniniwala ring Tatlo sa iisa o trinity. Mula pa lang sa mga pagpapahayag ng uri nga mga SALITA AT PAGPAPAHAYAG na ginamit ay malalaman na talaga na ang Diyos ay iisa lamang,at isa lamang ang may ari at wala nang bumubuo nito.

Ang mga halimbawa ng mga talata na totoong ISA LANG ANG DIOS ay ang patotoo na sinabi mismo ng Diyos na "AKO, AKO'Y DIOS, AKO ANG DIOS". . Ang mga linya at papgpapahayag na ito ay tuwirang tumutukoy sa pagiging isa(SINGULAR) ng nagsasalita. At seguradong alam na ito ng karamihan kapag marinig ang salitang "Ako" Ay isa lamang ang nagsasalita .May mga nakasulat ba sa Biblia na ang Diyos ay nag sabi na "AKO", hindi kami? Opo. ito ang mga talata na makapagpapatunay :

AKO, AKO'Y DIYOS

Genesis 17:7; 26:24; 46:3

Exodo 6:3; 6:7 ;10:3; 29:45-46

Levitico. 11:44-45; 22:33; 25:38; 26:12,45

Deut. 32:39

Awit 46:10; 50:7

Isaias 41:10; 43:12; 44:8; 45:22; 46:9

Jeremias 7:23; 11:4; 19:15; 24:7; 28:14; 30:22; 31:33; 32:38

Ezekiel 5:8; 11:20; 12:25; 13:8; 14:11; 36:28; 37:23,27; 34:31;26:3; 23:46; 28:9

Hoseas 1:9; 11:9

2Corinto 6:16

Hebreo 8:10

Apocalipsis 21:7

Ito po ang iilan lamang sa mga halimbawa ng talata na matibay na nagpapatotoo na ang Dios mismo ang nag sabi ng salitang "AKO" ay tiyak na tumutukoy lamang ito sa iisang nagsasalita at Siya lamang.

Sa Biblia parin, ano ang katumbas ng pagsasabi ng Diyos ng "Ako" ?

Deuteronomio 32:4

" Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: ISANG DIOS na tapat at walang kasamaan, matuwid at banal siya. "

Awit 89:7

" ISANG DIOS na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya? "

Daniel 2:28

" Nguni't may ISANG DIOS sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito "

Kung gayon, ang katumbas ng Salitang AKO'Y DIOS, tumutukoy lamang ito sa Isang Dios, at hindi dalawa o tatlong Diyos.E baka sabihin naman ng ilan, at kanilang sabihin:

"Ito ay binubuo ng Tatlong Persona,ang Dios Ama, Dios anak, Dios Espiritu Santo at sa kabubuuan, Iisang Dios"

Kung ang Dios kaya ang tatanungin, sasang ayunan kaya ang kanilang Lohika? Ang Dios na mismo ang sasagot:

Isaias 45:21-22

" Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin. 

Ang PagbubunyagKde žijí příběhy. Začni objevovat