Si Apostol Pedro ba ang Unang Santo papa?

579 1 0
                                    


Aral at doktrina na noon pama'y hawak na ng mga katoliko ang paniniwala nilang ito. Subalit, marami parin sa kaanib nila ang walang malay sa ganitong aral sapagkat, hindi nila maitatanggi na ang mga kaanib ay hindi dinaan sa pagdodoktrina upang magkaroon ng mataas na pagkilala at pananampalataya. Ito ang aral na muli'y ating ihayag upang marami pa ang mas makakaunawa sa tunay na aral.

Ating muling itanong, ano po ba ang isa sa pinaka-pinanghahawakan nila na mga talata na nagtuturo umano'y pag bigay ni Cristo ng Authority kay Pedro upang maging unang Santo Papa. Sa gamit nila mula sa John 21:15-17 ng Douay–Rheims Bible, ay ganito ang nakasulat sa Pilipino na:


Juan 21:15-17

“Kaya't nang mangakapagpawing

gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero”.

“Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.”

“Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi

sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.”

Ito raw ay ang dahilan kung paano ipinagkaloob na pagiging Santo Papa o ang Authority kay Pedro. Dito palang e talagang makikita na ang pag haka haka ng aral ukol rito. Tandaan po natin." WALANG BINANGGIT SI CRISTO NA GINAWANG SANTO PAPA SI PABLO". kundi sa pagka sabi ni Cristo na"PAKANIN MO ANG AKING TUPA", na agad namang kunklusyun nila na malinaw raw na inatangan ng katungkulan upang maging Unang Santo papa.

Sa talatang binanggit tatlong beses ito sinabi at binanggit ni Cristo. " “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?” .

Ano ang Dahilan ni Cristo? Mas mabuti, bago ang haka haka e mabuting suriin ang mga talata na nasa unahan nito. Ang dahilan ni Cristo sa pagtatanung at pagsabi ni Cristo kay Pedro. Tandaan po natin, ito pong pangyayaring ito ay sa muling pagka buhay ni Cristo. At kinausap Niya si Pedro at sa kadahilanang, NAGDUDUDA SA PAGIBIG NI PEDRO sa kaniya. Sa anong dahilan? Ibaba natin ang talata :

Juan 21:2-3

“Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at si Natanael na taga Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.”

“SINABI SA KANILA NI SIMON PEDRO, MANGINGISDA AKO. SINABI NILA SA KANIYA,KAMI MAN AY MAGSISISAMA SA IYO. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.”

Napansin po natin, bago natin pinuntahan ang talata na ginamit nila ay makikita natin mula sa mga naunang talata nito, na si Pedro ay nag pasya na UMURONG SA KANYANG TUNGKULIN at naisipang bumalik sa dating gawain sa PAGKA-MANGINGISDA at isinama pa ang mga alagad. 

Dapat rin natin mauunawaan na sa unang pagtawag sa kaniya ay nakita ni Cristo si Pedro sa kanyang unang gawain na gaya ng binanggit sa taas na pagka-mangingisda:

Mateo 4:18

“ At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, SI SIMON NA TINATAWAG NA PEDRO, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't SILA'Y MGA MAMAMALAKAYA.”


Ang PagbubunyagWhere stories live. Discover now