TUNGKOL SA KAMATAYAN

1.6K 2 0
                                    

PAGPANAW,PAGKAWALA, KATAPUSAN. Huling Sandali. Anuman ang itawag sa kamatayan ay hindi nababago ang katotohanang ito ay dumarating sa buhay ng tao sa mundo. Sa itinakdang panahon,hindi ito maiiwasan matatakasan ninuman, MATANDA, BATA, MAYAMAN O MAHIRAP, LALAKE O BABAE. Maari tayong pumanaw dahil sa karamdaman,aksidente, o kalamidad sa daigdig. Hindi tayo imortal.

Ngunit, pagkatapos ng kamatayan ay ano ang mangyayari sa tao? Saan siya patutungo pagkatapos mapugto ang kanyang hininga? At may magagawa ba ang mga naulila na maaring mapakinabangan ng mga yumao?

Ang Biblia ay may itinuturo tungkol sa kamatayan, buhay pagkatapos ng kamatayan at iba pang isyu na nakapaloob dito.

ANG KARUPUKAN NG BUHAY

Tiniyak ng Biblia ang karupukan ng buhay ng tao:

Santiago 4:14

" Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "

Maging si apostol Pablo ay ipinaliwanag kung paanong ang kamatayan ay nagudulot ng panganib sa ating buhay:

"Araw-araw ay nabibingit ako sa kamatayan, mga kapatid ... At kami, bakit namin isinasapanganib pa ang buhay namin oras-oras? " 1 Cor.15:31, 30, NPV

Gusto man ng taong pigilin ang kamatayan, siya ay walang kapangyarihan dito (Ecles. 8:8). Hindi maikakaila na walang pinipili ang kamatayan. Ito ay darating saanman at kailanman; madalas ay bigla, masakit at di-inaasahan. At bagaman marami at iba't iba ang paniniwala patungkol sa mangyayari sa tao kapag siya ay namatay, ganito naman ang sinasabi ng biblia:

Ecles. 10:14 MBB

" Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na? "

Kaya ang Dios ang dapat nating paniwalaan tungkol sa mangyayari sa tao kapag siy ay namatay.

BUMABALIK SA ALABOK

Tiniyak din ng Biblia, kung saan nakasulat ang mga salita ng Dios, ang mangyayari sa espiritu, kaluluwa, at katawan na bumubuo sa tao ( 1 Tes. 5:23). Ang kaniyang pisikal na katawan ay nagbabalik sa alabok kung saan ito nagmula:

" Sa pawis ng noo mo manggaling ang iyong kakanin hanggang sa magbalik ka sa lupa, pagkat sa lupa ka kinuha; ikaw ay alabok at sa alabok ka rin babalik " Genesis 3:9, NPV

Ang espirito naman ng tao kapag siya ay namatay ay bumabalik sa Dios na nagbigay nito (Ecles. 12:7, MB). At kapag namatay ang tao ay namamatay din ang kaniyang kaluluwa; hindi rin ito imortal (Ezek. 18:4). Ito ang dahilan kaya ang paniniwala na ang kaluluwa ng taong namatay ay pupunta sa isa satlong istasyon :

LANGIT( kung banal)
IMPIYERNO(kung mkasalanan)
PURGATORYO( kung hindi pa nalilinis na lubos sa kasalanan

Ito ay hindi ayon sa mga aral ng Dios na nakasulat sa Biblia. Wala ring banggit ang Biblia tungkol sa purgatoryo.

Sa ibang banggit ng Biblia, ang mga patay ay nakahiga sa mga libingan at natutulog lamang (Awit 88:5; Lucas 8:52). Ito ay mananatili sa libingan at "DI NA BABANGON; HANGGANG MAWALA ANG KALANGITAN"



Job 14:10-12

''Ngunit namamatay ang tao; siya'y ililibing, mapapatid ang kaniyang hininga at wala nang kasunod. Kung paanong ang tubig ay nawawala sa dagat o ang isang ilog ay natutuyo, gayon ang tao, nahihiga at di nagbabangon; HANGGANG SA MAWALA ANG KALANGITAN, ang tao'y di na gigising o mangangamba pa sa kaniyang pagtulog. '(NIV,NPV)

Ang PagbubunyagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon