Huwebes, Hulyo 3, 2014 Ang Pangalan Ng Iglesia na Itinatag Ni Cristo

258 1 1
                                    

"Ang pangalan ay mahalaga"

Ito ang itinatawag at isa sa ikakakikilala ng isang tao, bagay, lugar,o organisasyon. 

Nang lalangin ng Dios ang unang tao, siya ay binigyan Niya ng Pangalan-ADAN. Ang babae na ibinigay ng Dios na makasama ni Adan ay binigyan niya ng Pangalan---EVA. Ang mga hayop na nilalang ng Dios ay binigyan din ni adan ng mga Pangalan (Gen. 2:20).

Sa Biblia, malimit na ang Pangalan ay may kahulugan tulad ng pangalang Adan na ang kahulugan ay tao. Ang pangalang Eva ay nangangahulugang ina ng lahat ng nabubuhay (Gen.3:13). Matapos patayin ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, ang ipinanganak ni Eva ay pinangalanang Set na ang kahulugan ay ITINAKDA o KAHALILI. Naaangkop ang pangalang ito sapagkat si Set ang naging kahalili ni Abel. Iilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga pangalang ibinigay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong una.

ANG PANGALAN NG IGLESIANG ITINATAG NI CRISTO 

Ang isa sa mga ikakikilala sa tunay na iglesia na itinatag ni Cristo ay ang pangalan. Ano ang pangalan ng Iglesiang itinatag ni Cristo at anu-ano ang ipinakikilala ng pangalang ito? Sa Roma 16:16 ay ganito ang nakasulat :

Roma 16:16

" Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. "

Sa Bagong Tipan, ang pangalang opisyal na itinawag sa Iglesiang itinatag ni Cristo ay Iglesia ni Cristo. Angkop na angkop ang pangalang ito sa pahayag ni Cristo:

"...itatayo ko ang aking iglesia "(Mat.16:18).

Ipinakilala ng Pangalang Iglesia ni Cristo ang pagmamay-ari ni Cristo sa Iglesia. Ipinakikilala rin nito ang pagkakaugnay ni Cristo at ng Iglesia: 

" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia." (Col.1:18)

Bukod sa mga nabanggit, ipinakikilala rin ng pangalang Iglesia ni Cristo ang kaugnayan nito sa kaligtasan:

Gawa 4:12

" At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. " 

Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa pangalan ni Cristo. Marapat lamang, kung gayon, na ang Iglesia na itinatag Niya ay tawagin na sunod sa pangalang Cristo---Iglesia Ni Cristo---sapagkat ito ang ililigtas ni Cristo:

Efeso 5:23, MBB 

" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. " 

PATOTOO NG IBA'T IBANG RELIHIYON

Isang PARING JESUITA na si Francis B. Cassilly ay nagpapatotoo na ang itinatag ni Cristio ay tinawag na Iglesia ni Cristo o church of christ. Ganito ang kaniyang isinulat:

" 5. Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia? Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, mula sa biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Cristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahang panahon ay tinawag na sunod sa Kaniyang pangalan, ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo." [Religion Doctrine and Pracrice, pp. 442-443]

Maging ang Prorestante na si Myer Pearlman ay nagpapatotoo rin na Iglesia ni Cristo ang itinatag ni Cristo. Tunghayan natin ang kaniyang sunulat:

"....hinulaan ni Cristo ang pagtatatag ng isang bagong kongregasyon o iglesia, isang institusyung sa Dios na dapat magpatuloy ng Kaniyang gawain sa mundo. Mat.16:18. Ito ang Iglesia ni Cristo...." [knowing the doctrines of the bible, p. 349]

Ang PagbubunyagWhere stories live. Discover now