Ang PMCC(4th watch) ba ang tunay na Iglesia?

669 1 0
                                    

Ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th watch), ay isang pangkatin ng Relihiyon na nagpakilala umano na sila ay ang totoo at tunay na relihiyon. Subalit, gaya anya ng ating narinig, mas mabuti o ikakabuti sa tao na suriin ang bawat aral kung naayun ba sa aral ng Biblia.

Alam at lingid na sa maraming tao, na si Cristo ay nagtatag ng tunay Niyang Iglesia(Mat.16;18) Mula pa noong Unang Siglo, at nagsimula pa sa kaunti:

Lucas 12:32

" Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian. "

Ang Kawan na tinutukoy ay walang Iba kundi Iglesia ni Cristo(Church of Christ).

"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarilib at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo ng mga katiwala,upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo." (Gawa20:28, lamsa trans.)

Kaya, mula noon sa pagkakatatag ni Cristo ay nagsimula sa kaunting kawan hanggang sa ito ay lumaganap at lumaki..Subalit, dahil sa Pagpasok ng Hidwang pananampalataya, ay naipatalikod sa pananampalataya ang mga kaanib, at ang mga nanindigan sa aral ay walang awang pinatay. Kaya, ang unang Iglesia ni Cristo ay nawala. 

(Maaring bisitahin)

http://lahingtapat.blogspot.com/2014/03/ang-pagtalikod-ng-iglesia-ni-cristo.html?m=1

Ngayun, Ano ang pinapaunang HULA ni Cristo ukol sa muling pagkakaroon ng kawan sa hinaharap?

Juan 10:16

"Mayroon pa Akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawan na narito. Kailangan ko din silang pangunahan. Sila ay makikinig sa Aking tinig. Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol" (Isinalin mula sa Easy-to-Read Version ).

Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan. Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo.

Ang pagtitipon ng ibang mga tupa ng Panginoong Jesus upang maging Iglesia Ni Cristo ay mangyayari sa hinaharap o sa darating na panahon. Kaya tinawag Niya silang Kaniyang ibang mga tupa dahil " WALA SILA SA KAWANG NARITO" Na tinutukoy ay ang Iglesi Ni Cristo noong unang siglo.

Hindi nangangahulugang dalawang iglesia ang itinayo ni Crirto. Ang Iglesia noong unang siglo at ang Iglesiang kinabibilangan ng Kaniyang ibang mga tupa ay iisang Iglesia Ni Cristo. Kung paanong iisa ang ulo, si Cristo, iisa lamang ang katawan o Iglesia :

Efeso 4:4

" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo "

Colosas 1:18

" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. "

Pero teka muna. Suriin muna natin, baka kasi angkinin nila ng PMCC na sila itong KAWAN na lilitaw sa hinaharap na hinulaan ni Cristo. Atin munang suriin, kailan nagsimula at naitatag ang PMCC?

" The Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) , often shortened as the PMCC (4th Watch) , is a Christian church based in the Philippines, founded in 1972 by Apostle Arsenio T. Ferriol. "

http://en.m.wikipedia.org/wiki/Pentecostal_Missionary_Church_of_Christ_(4th_Watch)

Malinaw po. Kung gayon, ang PMCC ay naitatag ni Ginoong Ferriol noon pa lang 1972 sa Pilipinas. Subalit, dapat suriin ng lahat, sa ganitong taon ba lilitaw ang Ibang kawan ni Cristo ayun sa kaniyang hula? 

Ang PagbubunyagWhere stories live. Discover now