"Stop it! Tantanan mo 'yung tao! And how can I stay faithful to you? Hindi ko na nga alam kung papa'no pakikisamahan 'yang ugali mo! Ang hilig-hilig mong gumawa ng kwento! Now, tell me, sinong lalaki ang gustong magtagal sa 'yo?" Napahilot na si Jett sa noo nito. "You know what, Cielo. Let's end this. Let's end this right now!"

"No!"

"Maghiwalay na tayo! Nasasakal na 'ko sa 'yo, hindi mo ba 'yon maramdaman?"

"No, Jett! Palagi mo na lang 'tong ginagawa! Hindi tayo maghihiwalay! You can't do this! Get me pregnant, right here! RIGHT HERE!"

Napanganga na lang siya sa gulat sa sumunod na ginawa ni Cielo. Hinila nito pataas ang suot na blouse at tinanggal sa pagkaka-hook ang bra nito. Tapos mabilis itong yumakap sa leeg ni Jett at hinalikan ito sa labi!

Pumikit na siya nang madiin. Para na rin siyang sinaksak sa nakita niya!

Tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang bibig niya dahil lumakas na ang pagiyak niya. Ang hirap pigilan pero kailangan. Ang buong katawan niya, nanginginig. Gusto niya na lang lumabas! Gusto niya nang magpakita sa mga 'to pero natatakot siya. Takot na takot siya!

Dumausdos siya pababa sa malamig na sahig. Niyakap niya ang mga tuhod niya at doon siya umiyak nang tahimik. Ang hirap-hirap na gusto niyang humagulgol para mailabas niya lahat hapdi sa dibdib niya pero hindi pwede.

She covered her ears habang tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak. Basang-basa na ang mukha niya. At ang dibdib niya, parang pinupunit. Sobrang hapdi na tipong hindi na siya makahinga nang maayos.

***

NAGISING siya nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya.

"F-Fina...Fina."

Pinilit niyang dumilat. Nakita niya si Jett na alalang-alala ang hitsura.

Agad siyang napatayo. Tumayo rin ito at mabilis siyang niyakap nang mahigpit. "God, Fina. Sorry! Sorry. Wala na siya. Umalis na si Cielo."

Muling tumulo ang luha sa gilid ng mata niya.

Do'n bumalik lahat ng sakit. Lahat ng bigat sa dibdib niya. Hindi man lang talaga nabawasan. Namanhid na naman ang buo niyang katawan.

Walang gana niyang itinulak palayo si Jett mula sa kanya. Hindi siya nagsalita. Basta tuloy-tuloy lang siya sa pagluha nang tahimik. Wala na siyang maramdaman sa mga palad niya. Posible pala 'yung gano'n. 'Yung puro sakit na lang ang bumubuo sa sistema niya.

Hinang-hina niyang inabot ang bag niya at lumabas ng banyo nang hindi kinikibo si Jett. Wala na siyang lakas. Ang gusto niya na lang ay makalayo. Makalimot sa lahat. Kalimutan ito at ang lahat ng sakit na binigay nito sa kanya ngayong gabi.

Humabol naman agad si Jett sa kanya. Hinawakan siya nito sa siko. "'Wag kang umalis, please. Mag-usap muna tayo."

Inis niyang binawi ang siko niya. "Ayoko na, Jett. Suko na 'ko."

Pumikit ito at halos maluha din. "'Wag namang gan'to, Fina."

"K-kitang-kita ko 'yung ginawa niya sa 'yo eh. Bakit ka pumayag? Ginawa niyo 'yon tapos ako tinago mo lang sa C.R? Gano'n lang ba talaga 'ko?"

"Hindi ako pumayag sa ginawa niya. Walang nangyari, maniwala ka sa 'kin. Pinigilan ko si Cielo. Hinila ko siya palabas. Kulang na nga lang kaladkarin ko siya mailayo lang."

Umiling-iling siya tapos napaiyak na ulit. "Itigil na natin 'to. Akala ko kaya ko e. Hindi pala. Sobrang sakit ng katotohan na hindi ka talaga niya bibitiwan at hindi mo talaga siya kayang hiwalayan." Pinahid niya ang mga luha niya. "Hindi ako dapat nasasaktan nang ganito, Jett. Hindi dapat ako pumayag na maging gan'to lang ako. Maghiwalay na tayo."

"Akala ko ba walang iwanan kahit na anong mangyari? Ano 'to?"

"Binabawi ko na 'yon. Sa kanya ka na. Hindi na 'ko lalaban."

Akmang tutuloy na siya sa pag-alis pero ang bilis siya nitong niyakap. Sinubsob nito ang mukha nito sa balikat niya. "Fina please, ayusin natin 'to. Alam kong hindi sapat lahat ng ginagawa ko, pero lumalaban naman ako para sa 'tin. 'Wag mo naman akong sukuan nang gan'to na parang hindi ako nasasaktan."

Mas lalo siyang naiyak! Kinagat niya ang ibaba niyang labi para kahit papaano'y mapigilan ang malalakas na mga hikbi niya. "Nasira ako, Jett. 'Di ko na alam kung ano ng gagawin ko."

"I'll mend you. Let me mend you."

Umiling-iling siya. "No. Hindi kita papayagang ayusin ako dahil ikaw mismo ang sumira sa 'kin. Pakawalan mo na lang ako." Inalis niya ang pagkakayap nito at tumuloy na siya ng alis sa unit.

Paglabas niya, do'n na bumigay nang tuluyan ang mga tuhod niya. Buti't napahawak agad siya pader. Napaupo siya sa hagdan. Do'n siya muling umiyak. Nilakasan niya na. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanya, o kung may makakita sa kanya.

Hindi niya inaasahang siya ang susuko. Akala niya matapang siya, na kaya niya, na handa siyang masaktan para kay Jett. Pero hindi pala. Ganito pala 'pag nagmahal. 'Pag binigay mo halos lahat. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa't-isa. Ang hirap na nahulog siya tapos wala siyang katulong para maka-ahon. Mag-isa siyang gagapang paakyat.

Niyakap niya ang mga tuhod niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa pakiramdam niya ubos na lahat ng tubig niya sa katawan. Kung pwede lang sana, bukas, hindi na siya magising.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Mending Fina [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن