Chapter 22

44.4K 1.5K 189
                                    

FINA

"Fina, wala kang klase?" tanong pa sa kanya
ni Pierre.

Ilang hakbang lang pala ang layo nito sa kanya, hindi niya man lang napansin.

Sinubukan niyang itago agad ang mukha niya para hindi malaman ni Pierre na galing siya sa iyak, pero huli na. Kitang-kita niya ang biglaang pagbabago sa itsura nito. Biglang nawala ang ngiti nito sa labi tapos taranta na siyang nilapitan.

Napayuko na lang siya sabay pikit nang madiin. Nakakahiya! Hindi siya pwedeng makita ni Pierre sa gano'ng estado.

Nabigla na lang siya nang haplosin nito ang pisngi niya. Gusto nitong iangat ang mukha niya para makita siya, pero 'di siya pumapayag. Hindi rin siya makapagsalita. 'Di niya na kasi kayang pumeke ng boses at palabasing kaswal lang ang lahat.

"Fina, anong nangyari?"

Ewan niya kung anong meron sa tanong ni Pierre at naluha na naman siya. Tsk, wala na 'yon kanina, e. Sa tuwing may nagco-comfort talaga sa kanya, mas lalo siyang naiiyak.

Nag-angat na siya ng mukha rito. Hinayaan niya nang tumulo ang luha niya kasi napapagod na rin talaga siya kakapahid.

Halos manglaki naman ang mga mata ni Pierre. Pinunasan agad nito ang pisngi niya. "U-uy, sshh, ba't ka umiiyak? Sinong umaway sa 'yo?" Napatingin-tingin pa ito sa paligid.

She just bit her lower lip. Anong isasagot niya? Hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Pierre lahat. Baka kasi pati ito magalit sa kanya eh. Baka hindi nito matanggap ang ginawa niya.

"Tsk, halika nga rito," sabi na lang sa kanya ni Pierre tapos inalalayan siya para maupo sa tagong bench sa gilid ng isang building. Wala masyadong dumadaan do'n.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" Natataranta ito. "Sinong nagpaiyak sa 'yo?"

Hindi naman siya nakasagot kaagad. Mas lalo lang siyang napaiyak. Todo kuskos na tuloy siya sa mga mata niya kasi nakakahiya na kay Pierre. Ngayon lang siya nito nakita na gano'n.

Napa-buntong hininga ito. "Pa'no kaya kita matutulungan, 'di ka naman nagsasalita?"

Tumingala siya para lumasap ng hangin at para matigil ang pagtulo ng mga luha niya. Tapos umiling-iling siya. "Wala."

"Wala? Iyak ka nang iyak, tapos wala? Tsk, Fina naman. Halika nga."

Nabigla siya nang iharap nito ang mukha niya. Pinunasan nito nang maigi ang mga pisngi niya. Her eyes are blurry pero kita niya pa rin ang pag-aalala sa itsura nito. Nadamay pa tuloy si Pierre sa problema niya. Imbis na sana nagfo-focus na lang ito sa nalalapit nitong laban, eh.

"May kinalaman ba 'to sa grades mo?" tanong nito habang patuloy pa rin sa pagpupunas sa mga pisngi niya. "Kilala kita, e. Grades lang naman nagpapaiyak sa 'yo. Pero grabe naman 'tong iyak mo ngayon. Mababa ba nakuha mo sa exams? May bagsak ka?"

Umiwas siya ng tingin sabay iling. Mas lalong nakakaiyak kasi concerned na concerned ito sa kanya at inaalagaan pa siya.

"Fina, kwento mo na. Para sa'n pa na nandito ako?"

Binalik niya rito ang tingin niya. "S-sorry. Hindi ko pa kayang magkwento, e. Masama pakiramdam ko."

Agad naman nitong kinapa ang leeg niya. Mas lalo pang lumungkot ang itsura nito. "Ang init mo nga. Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Kung may sakit ka naman pala, dapat 'di ka na pumasok."

Sumilip ito sa suot na wrist watch. "Mamaya pa naman klase ko. Ihahatid kita sa inyo. Gusto mo? Para makapag-pahinga ka na."

Tumango siya. Pinilit niyang ngumiti kasi ngayon, pakiramdam niya, hindi na siya mag-isa. Nando'n si Pierre para damayan siya.

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon