PROLOGUE

212K 3.8K 218
                                    

FINA

"HELLO? FINA! DELILAH FINA TUAZON!"

"Hmm?" Antok na antok pa si Fina pero hindi na niya magawang balewalain 'tong tumatawag sa kanya. "Sino ba 'to?"

"Anong 'sino ba 'to'. It's Ellie! Nasaan ka, ha?"

Tsk, ang sarap babaan ng telepono. Wala pa siya sa huwisyong makipag-usap sa bestfriend niya. Her head is aching like hell, at hindi pa rin siya makadilat nang maayos.

"Fina naman, e," pangungulit pa rin nito. "Nasaan ka nga?"

"Nandito sa bahay." Kinusot niya ang mga mata niya. "Bakit ba?"

"Paanong nandiyan ka sa bahay? Kagagaling ko lang sa inyo, wala ka raw sabi ni ate Martha."

"Nandito nga. Natutulog pa kasi ako."

"Tumigil ka. 'Yong totoo, where are you? I'm worried! Saan ka ba napadpad pagkatapos ng party niyo kagabi?"

Doon lang siya biglang natauhan.

Napadilat agad siya at tarantang napaupo sa maliit na kama kung nasaan siya ngayon. Parang bigla niyang nakalimutan ang sakit ng ulo niya sa sobrang gulat, ni nawala na sa isip niyang kausap niya pa nga pala si Ellie.

Her eyes quickly roamed around at takot na takot siya nang ma-realize na wala pala siya sa sarili niyang kwarto. Diyos ko! Hindi niya gaanong maalala kung anong nangyari sa dinaluhan niyang birthday party kagabi, basta ang alam niya, pinilit siyang uminom.

Saktong bumukas ang pinto ng C.R na halos katapat lang ng kama.

Lumabas mula roon ang isang gwapong lalaki.

Hindi niya ito kilala! Pero sa suot nitong school uniform, she's sure na kapareho niya ito ng university na pinapasukan.

"Buti naman nagising ka na," sabi ng lalaki.

Imbis na sumagot ay agad niya lamang tinakpan ng kumot ang sarili niya. She's wearing nothing but her undergarments and white full slip. Wala ang kanyang nursing uniform!

"Sino ka, ha? A-anong ginawa mo sa 'kin?" Her voice is shaking.

Napangisi lang ang lalaki. "H'wag kang mag-alala, wala akong ginawa sa'yo." sabay itsa nito ng uniform niya sa kama. "Nilabhan ko lang kasi nasukahan mo kagabi. Magbihis ka na."

Hindi niya inabot ang uniform. Papaano naman kasi siya magbibihis kung nandoon pa 'yong lalaki?

Mukhang nakahalata naman ito, bigla itong tumalikod at binuksan na lang ang sariling cabinet. "Hindi ako titingin. Bilisan mo."

She grabbed that chance. Kinuha na niya agad ang nursing uniform niya at mabilisang nagbihis. Bahala na kung magulo pa ang kwelyo niya at kung hindi niya pa naisa-sara nang maayos ang zipper sa likuran, basta nakabihis na siya.

Wala na rin siyang planong magpa-alam na aalis. Hiyang-hiya siya, parang gusto niya na lang mawala bigla ngayon!

She fixed her things and snatched her phone and bag bago nagmadaling naglakad palabas ng maliit na apartment. Ang kaso, bago pa siya makaalis ay hinablot na siya ng lalaking 'yon sa braso!

"Saan ka pupunta?"

Hindi siya nakasagot! Lalo na ngayong sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Sinubukan niyang kumawala sa kapit pero hindi siya nito pinagbigyan.

"Tinatanong ko kung saan ka pupunta?"

"A-aalis."

"Aalis?" Ngumisi ito at saka siya binitiwan. "Anong akala mo, ganun-ganon na lang 'yon?"

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Mending Fina [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat