Chapter 25

34.3K 984 93
                                    

FINA

Lumipas ang mahigit isang linggo at mas lalong naging maganda ang samahan nina Fina at Pierre.

Nawawala na ang pagka-ilang niya at bumalik na ang pagiging komportable niya sa piling ng kaibigan. Nababawasan na rin ang lungkot niya kahit papa'no. Sobrang gaan kasing kasama ni Pierre. Hindi talaga siya nito minamadali, at kahit pa nag-'I love you' na ito sa kanya ay parang hindi ito nag-eexpect ng agarang sagot. Basta masaya lang sila pag magkasama.

Heto nga't magkikita uli silang dalawa ngayon. It's a Sunday. Wala siyang pasok pero pupuntahan niya saglit si Pierre sa school dahil may practice uli ito para sa laban ng team sa darating na Martes.

Kasalukuyan siyang nagbi-bihis ng skinny jeans at simpleng striped shirt nang mapansin niya bigla ang jacket ni Jett na naka-hanger sa labas ng cabinet niya.

Hindi niya pa rin naibabalik.

Sa tuwing nakikita niya 'yon, naaalala niya si Jett.
Kahit lumipas na ang mga araw at nandiyan na si Pierre sa tabi niya, hindi niya pa rin mapagkaka-ilang sumasagi sa isip niya si Jett paminsan-minsan.

Naaalala niya bigla ang mga nangyari sa kanila noon. 'Yung nagising siya sa apartment nito, 'yung hinila siya nito papasok sa bakanteng classroom para ibalik ang wallet niya, 'yung sumugod sila sa ulan, 'yung first dinner date nila, 'yung tinugtugan siya nito ng gitara, at syempre, 'yung first kiss nila.

Tandang-tanda niya pa rin kung ga'no siya kasaya no'ng mga sandaling 'yon. Kahit na lihim lang ang relasyon nila, nakakamiss pa rin ang sweetness at mga efforts na binigay sa kanya ni Jett dati. Lalo na 'yung araw-araw nitong pagpunta sa bahay nila at pag-dalaw nito sa ospital na pinagdu-duty-han niya para lang dalhan siya ng pagkain. Hay, sayang. Sobrang sayang. Kung nasa tama lang sana ang relationship nila, hindi sana siya makakaramdam ng gan'tong lungkot at pagka-miss.

Kumusta na kaya si Jett? Actually, wala na siyang balita.

'Di na ito nagpaparamdam sa kanya eh. Wala ng tawag, wala ng text. Parang hindi niya na nga rin ito nakikita sa campus. 'Di na ito sumasama kila Gio. Kahit si Cielo hindi na niya nakikita. Siguro tinupad na ni Jett ang hiling niya na layuan na nila ang isa't isa. Okay na rin. Para makalimutan niya na ito totally at nang maibigay niya na ang buong siya kay Pierre.

Tinago niya na lang ang jacket ni Jett sa loob ng cabinet niya para 'di na uli niya makita.

Tapos inayos niya ang naka-messy braid niyang buhok sa tapat ng salamin for the last time, tsaka siya lumabas ng kwarto bitbit ang kanyang sling bag.

Dumaan pa muna siya sa kusina para ayusin naman ang brownies na dadalhin niya para kay Pierre. Nag-bake kasi ang ate Martha niya kagabi. E paborito ni Pierre ang brownies na gawa ni ate kaya naisipan niyang bigyan ito. She's sure pagod na naman si Pierre sa practice. Sunod-sunod na araw na itong nasa school gym e.

**

Bandang 4pm nang makarating siya sa university. Saktong-sakto lang sa tapos ng practice ni Pierre.

Dumiretso siya sa football field para do'n na tumambay habang inaantay si Pierre. Umupo siya sa isa sa mga benches, dala ang lalagyan ng brownies at ang pagkain mula sa fast food restaurant na binili niya para sa kanilang dalawa. Wala masyadong tao sa field ngayon dahil nga linggo. Halos solo niya ang buong lugar.

Maya-maya lang din naman ay nakita niya nang nagsi-labasan na ang mga varsity players mula sa gym. Tapos na ang practice. Napansin niya na nga agad si Pierre eh. He's wearing his usual jeans and T-shirt. Nakangiti ito sa kanya at parang sobrang excited ito na puntahan siya.

"Sorry, ang tagal ko," sabi agad sa kanya ni Pierre pagkalapit nito. "Nagpa-meeting pa si coach tsaka naligo pa 'ko eh."

"Okay lang. Kararating ko lang din." Binigay niya na rito ang pagkain na binili niya. "Tara, kain tayo. Bumili ako."

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now