Chapter 19

46.9K 1.5K 153
                                    

FINA

Dumating ang Linggo at sobrang excited si Fina na muling makita si Jett.

Nando'n na siya sa tapat ng unit nito ngayon. Inayos lang niya saglit ang suot niyang blouse at saka kinatok ang pinto.

Ang bilis naman siyang pinagbuksan ni Jett. Yumakap agad siya at sinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Bagong ligo ito, ang bango. He's wearing a pair of brown shorts at kulay puting T-shirt.

"Na-miss kita." Hinigpitan niya ang yakap niya. 'Yung ilang araw nilang hindi pagkikita, pakiramdam niya ilang taon na.

Niyakap din naman siya pabalik ni Jett. "Sarap naman."

Tumingala siya rito. "Feeling ko ang tagal nating 'di nagkita."

"Oo nga eh. Na-miss din kita." Hinalikan siya nito sa noo tapos pinatuloy na siya ng pasok sa loob ng apartment.

"Upo ka muna." Tinungo ni Jett ang ref para maglabas ng tubig mula ro'n. "Akala ko mamaya ka pa darating. Sabi mo pupunta ka muna kila Ellie?"

Umupo siya sa kama at nilapag sa sahig ang dala niyang bagpack bago sumagot. "'Yun nga, e. Pumunta 'ko sa bahay nila kaso wala raw siya sabi ng mga maids. Nag-text na nga 'ko sa kanya kaninang umaga, pero umalis pa rin talaga siya."

Nakayuko lang siya habang nagki-kwento. Ang bigat kasi ng katawan niya. Iba ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang mga araw. Para siyang nade-depress. Ewan niya kung dahil lang ba ang tagal niyang hindi nakasama at nakausap nang maayos si Jett, o dahil kay Ellie.

Ang bestfriend niya kasi, hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap. Nasa iisang klase lang sila pero parang hindi siya nito kilala. Partida may mga subjects pa na magkatabi sila ng upuan, pero hindi talaga siya nito pinapansin. Gustong-gusto niya na nga itong kausapin kaso sa tuwing magtatangka siya, umiiwas ito.

Napaangat na lang siya ng mukha nang tumabi na sa kanya ng upo si Jett. Inabutan siya nito ng juice. Tinanggap niya naman. Uminom siya tapos nilapag na muna ang baso sa sahig.

"Hayaan mo na muna," sabi ni Jett. "Give her more time. I'm sure hindi ka pa rin matitiis ng bestfriend mo."

Bigla namang nalipat ang tingin nito sa bag niya na nasa sahig. "Dito ka matutulog?"

Tumango siya. "Tabi tayo. Miss kita, e. Nagpaalam naman ako kay Ate. Sabi ko may biglaan akong duty." Sinuklay niya ang buhok nito. "Ikaw, namiss mo ba talaga 'ko?"

Isang matamis na ngiti ang sinagot nito sa kanya.

Niyakap siya nito bigla sa leeg tapos sabay silang bumagsak ng higa sa kama. Dinampi pa nito ang labi nito sa ulonan niya. "Syempre naman. Gustong-gusto na nga kitang makasama ngayon. Sabi ko sa 'yo susunduin kita sa inyo, ayaw mo naman."

"E kasi nga dumaan pa 'ko kila Ellie. Kaso sayang, hindi naman kami nakapag-usap. Kung alam ko lang e 'di sana nagpasundo na 'ko sa 'yo."

Pinatong niya ang ulo niya sa dibdib ni Jett. Niyakap niya ito nang mahigpit sa bewang kasi sobra niya talaga itong na-miss.

Hinaplos naman nito ang nakalugay niyang buhok. "Ba't parang malungkot ka naman? Magkasama na nga tayo. May sakit ka ba?" Kinapa nito ang noo at leeg niya.

"Wala 'kong sakit," sagot niya. "Ikaw nga 'tong mukhang may sakit. Ang lalim ng mga mata. Siguro nagpupuyat ka."

"Ikaw nga kanina pa ang tipid niyang mga ngiti mo."

"Hindi, ah. Hindi ako malungkot. Masaya nga 'ko. Gusto ko lang kasi talagang yumakap sa 'yo ngayon. Na-miss ko 'to, Jett. Hindi mo man lang kasi talaga 'ko nagawang tawagan o puntahan sa bahay."

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now