Chapter 2

102K 2.7K 162
                                    

FINA

NAGLAKAD ANG LALAKI palapit sa kinatatayuan ni Fina.

Sa tulong ng kaunting mga ilaw, nakita niya na rin kung sino talaga ito. And she was right, it's Jett. Nakatitig ito sa kanya nang diretso at ang lakas-lakas ng dating ng paglalakad nito.

Diyos ko para tuloy siyang hindi mapakali sa pwesto niya! Kabadong-kabado siya. Magsasalita na dapat siya pero laking gulat niya na lang nang bigla siyang hawakan ni Jett sa braso. Hinila siya nito papunta sa kalapit na building na halos wala ng mga ilaw!

"U-uy anong ginagawa mo!" Sinubukan niyang bawiin ang braso niya pero hindi siya nito pinagbigyan.

Dire-diretso lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng classroom.

Mas lalo siyang kinabahan! She tried to escape from him again, pero bigo siya. Nagtagumpay si Jett na maipasok siya sa silid. Mabilis pa nitong ni-lock ang pinto at binuksan ang ilaw.

Napaatras agad siya sabay kapit nang mahigpit sa bag niya. "A-ano ka ba, bakit mo ako hinila?" Hindi siya makatingin sa mga mata nito.

"Mag-usap tayo."

"Ha? Bakit kailangan dito? Nasa labas na tayo kanina, dapat doon na tayo nag-usap."

"Gusto ko rito." Bigla itong bumuntong hininga at tinitigan siya sa mga mata nang diretso. "Bakit mo ako tinakbuhan sa apartment? Nakalimutan mo yatang magpa-salamat sa akin?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako magpapasalamat? 'Di ba dinala mo nga ako sa apartment mo nang hindi ko alam?"

"Magpasalamat ka kasi hindi kita pinabayaang lasing na lasing doon sa bar. Kinuha kita dahil 'yung mga kasama mo, hindi na makatayo."

Umiwas siya ng tingin. "Magpapasalamat lang ako sa'yo kung inuwi mo ako sa bahay namin, at hindi sa apartment mo."

"Ayos." Halos matawa ito. "So wala pa rin pala talaga akong matatanggap na 'thank you'? Tsaka paano kita iuuwi sa inyo, hindi ko nga alam kung saan ka nakatira. Naghanap ako ng ID sa wallet mo, wala naman akong nakita na may nakalagay na address."

Bumuntong-hininga siya. "Kaya pala nawala ang wallet ko sa bag ko. At kaya rin pala alam mo ang buo kong pangalan. Kinuha mo pala ang wallet ko. Nasaan na 'yon? Dala mo ba? Akin na, importante 'yon sa 'kin."

Kinuha rin naman nito ang wallet mula sa back pocket ng suot nitong slacks tapos inabot sa kanya.

Tinanggap niya at binuksan agad para i-check.

Natawa na lang si Jett. "H'wag kang mag-alala, wala akong kinuha diyan. Wala namang laman 'yang wallet mo."

Napasimangot siya. Isa rin palang salbahe 'tong lalaking 'to, parang si Ellie. Hindi na niya sinagot. Pinasok niya na lang ang wallet sa bag niya pagkatapos.

"Wala pa rin talagang 'thank you'?" Sabi ni Jett.

Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga. "Okay, thank you. Kahit na dinala mo ako sa apartment mo nang walang pahintulot ko tsaka hinubad mo ang uniform ko, thank you."

He smirked. "Welcome. Oo nga pala, Jett." Nagpakilala na ito nang maayos. "Sa susunod kasi, h'wag kang uminom kung hindi mo naman kaya. Sa totoo lang, sa itsura mo, hindi nga halatang umiinom ka."

"First time ko 'yon. Napilit lang ako."

"Kaya pala."

Tumuwid na siya ng pagkakatayo. "Uhm, okay na ba? Nakapag-sorry na ako sa 'yo at nakuha ko na ang wallet ko. Tapos na ba tayong mag-usap?"

"Paano kung hindi pa?"

Umiwas siya ng tingin. "Sorry, kailangan ko nang umuwi. Gabi na kasi eh, may duty pa ako sa ospital bukas. Tsaka, wala na rin naman tayong kailangan sa isa't isa. Bye, thank you ulit." Inayos na niya ang pagkakasabit ng bag sa balikat niya tapos umalis at lumabas ng classroom.

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon