Chapter 6

54.6K 1.6K 160
                                    

FINA

KINUHA NI FINA ang perlas niyang hikaw mula sa maliit na drawer, tsaka muling tumingin sa salamin.

Pang-sampung tingin niya na yata 'yon. Hindi siya mapakali! Parang ang iksi pa kasi ng suot niyang kulay abo na bistida — hapit sa balakang niya. Naiisip niya tuloy na mag-pantalon na lang dahil feeling niya masyado siyang mukhang prepared na prepared. Ba't niya pa kasi pinilit mag-dress e hindi naman talaga siya sanay.

Inayos niya lang uli ang buhok niya. Naglagay lang siya ng kaunting hair polish kanina para hindi bumuhaghag. Dapat kasi magpa-plantsa siya ng buhok pero ayaw ni ate Martha. Mas bagay raw sa kanya ang kulot niyang buhok. Natural kasi at malalaki ang kulot. Para na rin siyang nagpa-ayos sa salon.

Hanggang ngayon, sa totoo lang, hindi niya pa rin maisip kung papaano siya umabot sa gan'to.

Wala naman kasi talaga siyang naaalalang pumayag siyang kumain sa labas na kasama si Jett. Bigla na lang itong nag-assume. Hindi niya tuloy alam kung papa'no siya aasta mamaya kasi first time niyang makipag-date. At sa isang napaka-gwapong lalaki pa!

Ilang sandali lang naman ay bumalik na si ate Martha sa kwarto.

Dala nito ang silver necklace na may pearl pendant na kanina niya pa pinahahanap. "Ito ba 'yon?"

"'Yan nga, ate!"

Lumapit ito sa kanya at isinuot sa leeg niya ang kwintas. "Akala ko ba wala kang interes sa mga date-date na 'yan? Mukhang type mo 'yang makaka-date mo, ah. Ayos na ayos ka masyado. Pinahanap mo pa 'tong kwintas ng Mama mo. Ganon ba ka-importante 'yang ka-date mo?"

Hindi siya nakasagot. Parang ang hirap ng tanong eh. Kahit siya kasi nawi-weirdohan sa pinagki-kilos niya ngayon. Para ngang masyado siyang handang-handa sa date nila ni Jett. Nag-light make-up pa siya at nag-heels na sandals samantalang hindi naman talaga siya normal na nagga-gano'n.

Mayamaya lang naman ay bigla niya nang narinig ang busina ng kotse mula sa labas. Nataranta na naman siya!

Si Jett na ba 'yon? Parang ang aga naman yata nitong dumating.

Tiningnan niya na lang ulit ang hitsura niya sa salamin. Nate-tense talaga siya.

"Maganda ka na, Fina," biglang puri naman ni ate.

"Talaga, ate? Wala bang kulang?"

"Wala. Maganda ka. Sige na, bumaba ka na at baka mainip 'yung ka-date mo ro'n sa bagal mong kumilos." Pinagpag pa nito ang kaunting pulbos sa damit niya.

Kinalma niya naman muna ang sarili niya, tsaka hinalikan sa pisngi si ate Martha. "Bye, ate. Thank you."

"Sige, mag-iingat kayo. May dala ka bang payong? Maulan."

"Oo, ate. Meron na."

"Sige. Enjoy."

Kinuha niya ang puti niyang cardigan na nasa kama bago siya umalis.

***

MALAYO PA LANG siya ay kita niya na ang matipunong itsura ni Jett.

He's wearing a light brown pants and a blue polo. Napaka-lakas talaga ng dating ng lalaking 'to e. Kung dati akala niya gwapo na ito kapag naka-HRM uniform, mas gwapo pala ito kapag naka-civilian.

Nakasandal ito sa labas ng kotse habang naka-krus ang mga braso. Nakatitig pa ito nang malalim sa kanya habang naglalakad siya. Mas lalo tuloy siyang na-tense. Para nitong sinusuri ang suot niya.

Nang makalapit na siya, bigla na lang nitong inipit ang buhok niya sa likod ng tenga niya. "Bagay talaga sa'yo kapag nakalugay. Huwag ka nang magtatali ulit."

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now