Chapter 11

37.7K 1.1K 189
                                    

FINA

Sinadyang hindi pansinin ni Fina ang pagtawag ni Jett. Dire-diretso lang siya ng lakad, halos tumakbo na nga siya makalayo lang.

Akala niya titigil ito, pero mali siya.

Sinundan pa rin siya nito at no'ng malapit na siya sa exit ng mall ay mabilis siya nitong hinigit sa kamay. "Mag-usap muna tayong dalawa."

"Ayoko!" Sabay bawi niya sa kamay niya. "Ayoko nang makipag-usap sa 'yo, okay!"

Nanginginig ang buo niyang katawan! Mukhang napalakas pa nga yata ang boses niya dahil bigla silang pinagtinginan nang ilang mga tao.

Hindi naman na nag-react si Jett. Hinawakan lang uli siya nito at hinila palabas ng mall hanggang sa parking lot sa may tapat. Sapilitan siya nitong ipinasok sa loob ng kotse.

Dapat nga lalabas na agad siya sa kabilang pinto pero ang bilis siyang nahawakan ni Jett sa kama. "Fina naman, kausapin mo ako."

"Ayoko nga sabi!" Hinarap niya ito sabay sinampal nang malakas!

Hindi niya sinadya. Kahit siya nagulat din sa ginawa niya. Sobrang nanginginig lang kasi talaga siya sa galit.

Napapikit na lang naman nang madiin si Jett. "Sorry."

"Sorry? Aanhin ko 'yang sorry mo?! Napakasama mo Jett, alam mo 'yon? Wala kang karapatang pumasok sa buhay ko at pa-ibigin ako, at saktan lang ako pagkatapos! Sino ka ba ha, para manakit nang ganito? Ang lakas din ng trip mo, 'no?"

Lalabas na sana ulit siya ng kotse, pero pinigilan ulit siya nito. "Fina, hayaan mo naman muna akong magpaliwanag."

"Hindi na kailangan. Nakita ko na. Kitang-kita ko nga, e. May girlfriend ka pala, demonyo ka! Lumapit-lapit ka pa sa 'kin! Ang sweet mo pa. Sinabi mo pang gusto mo 'ko. Sinungaling ka! Napaka-walang kwenta mo! 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa 'kin, ah. Ayaw na kitang makausap kahit kelan!" hinampas niya ito nang malakas sa dibdib!

Tapos napasubsob na lang siya sa mga palad niya. Hindi niya na napigilan at tuluyan na siyang napaiyak. Kanina pa siya nagpipigil. Kanina niya pa gustong-gustong humagulgol pero 'di niya magawa dahil nasa pang-publikong lugar siya.

Mabilis namang inangat ni Jett ang mukha niya. He wiped her tears away. "Sshh, please 'wag kang umiyak nang gan'to."

Niyakap siya nito pagkatapos. Pero imbis na sundin ang paki-usap nito e mas lalo lang siyang naiyak. Hinaplos pa ni Jett ang likod niya para patahanin siya. "Sorry. Sorry, Fina. Kaya ko namang magpaliwanag sa 'yo. Kaso hindi mo na 'ko pinapansin."

Kumalas siya sa pagkakayakap at inis na pinahid ang basa niyang mga pisngi. "Ba't naman kita papansinin pa? Ano, akala mo walang magbabago? Tsaka wala ng magagawa 'yang sorry at paliwanag mo. Nakasakit ka na." Tinalasan niya ito ng titig. "Bakit nilihim mo pa sa 'kin? Ga'no na kayo katagal, ha?"

Tumingin ito sa ibang direksyon bago nakasagot. "Five years."

Naiyak na naman siya. "My God, Jett! Pa'no mo 'yon nagawa? Five years! Ang tagal niyo na pala, pero bakit nagpakita ka pa ng gano'n sa 'kin? Hindi ka ba naaawa sa mga babaeng masasaktan mo?"

Napayuko si Jett.

Tinungkod nito ang mga siko sa sariling mga tuhod. Matagal-tagal din bago nito napagtanggol ang sarili.  "I'm really sorry. Pero maniwala ka, totoo lahat ng pinakita ko sa 'yo. Gusto kita."

Tumingala siya at tila natawa sa narinig. Tapos tiningnan niya uli ito. "Gusto? Hindi mo 'ko pwedeng magustuhan, Jett. May girlfriend ka, o. Anong klaseng lalaki ka ba at gusto mo ng maraming babae! Ano, para may reserba ka? Lumayo na lang tayo sa isa't isa, pwede?"

Mending Fina [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum