Tsapter 51- My MRS in..

5.2K 76 12
                                    


MK's Dad POV

"Hindi ko alam kung bakit? Bakit ang anak ko pa? Masyado pa syang bata? Pero sino ako para magtanong eh pinahiram nya lang naman ang buhay natin. Anak, alam mo ba na ang hirap, ang sakit kasi di ko mararanasan ang lambing at yakap mo. Mamiss kita, ang pagkakarera natin. Sayang kasi hindi ko man lang naranasan ang ihatid ka sa altar. Bantayan mo na lang kami Princess.  You will always be in our heart, my little girl. Dads ang Mamsi will gonna miss you so much!"- iyak ko bago umalis sa unahan. Hindi kayang magsalita ng asawa ko.

Tita Kelly POV

"Si MK, mabait na bata gaya ng sinabi ng Daddy nya malambing na bata. Anak, mamimiss ko ang luto mo at ang pagbisita mo samin ng Tito mo. Ang mga  d-dessert mo. Kahit ako ang may kasalanan nung nasaktan sya, hindi sya nagalit samin kasi sabi nya pangalawang magulang nya kami.Hindi kita makakalimutan anak, pangalawang anak na kita. Mamimiss kita iha." - maikli lang ang nasabi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin.

Tumangging magsalita ang anim na kumag at mas piniling makinig na lang.

Harren POV

"Hello mike test..Hehehe..A-ang tumayo ngayon sa harap nyo ay napakahirap. A-ang sakit pala Sweet ang maiwan. Sa totoo lang, di ko alam kong paano ako m-magsisimula ulit kasi..kasi sabay nating plinano ang future natin. Kalahati ng pangarap ko ang dala mo. Pano ba to Sweet? Back to zero na naman ako? Di ko alam kung san at paano ako magsisimula. Ang hirap. Sa maraming beses mong pagsagip sakin sa hukay. Salamat. Mamimiss kita Sweet ng madami, ang pagluluto mo at pag aasikaso sakin. Kung kaya ko lang ibalik ang lahat, ang oras susulitin ko yun. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Araw araw akong gigising para mapagmasdan ang maamong mong mukha. Araw araw kitang sasabihan ng Mahal kita. Gusto kong sisihin ang nasa taas kung bakit kinuha ka sakin agad. Kelangan nya na ba ng anghel dyan? Gusto ko pang maramdaman ang yakap at halik mo. Magsisimula pa lang ulit tayo eh, hindi nya ba nakita yun?Marami pa akong gustong gawin na kasama ka. Gusto pa kitang yakapin at halikan araw araw. Ayokong maniwala na nangyayari to pero gising na gising ako sa realidad eh. Pinagsisisihan ko ang araw na sinabi kong lumayo sa sakin, nasabi ko yun pero hindi ibig sabihin na aabot sa ganito kalayo na hindi na kita makikita.." -sabi ko habang umiiyak..

" pero alam kong masaya ka nang kasama ang mga ulap,mga anghel. Alam kong maliwanag ang paligid mo ngayon kasi natutuwa ang mga anghel na kasama ka. Hindi kita malilimutan Sweet. Habang buhay kitang itatago, ang pag ibig ko sayo Sweet hinding hindi magbabago. Ang alaala mo laging nakatago sa puso ko, masaya man o malungkot. Alam kong babantayan mo ako, kami. Alam kong gusto mong ituloy ko ang buhay ko pero paano? Samahan mo sana ako lagi habang tinutuloy ko ang buhay ko ng wala ka sa tabi ko. Hanggang sa muling pagkikita Sweet. Adios.

Mahal na mahal na mahal kita. Alam kong naririnig mo ako, may request ako. Can I have my one last kiss?" -bumaba ako samini stage at lumapit sa kabaong nya at marahang hinalikan ang mga labi nya. At muling nagsalita..

"My MRS is really in Heaven" -

Nasa realidad talaga ako at tuluyan naupo na umiiyak.

After ng speech ko, unti unti ng ibinababa ang kabaong nya at isa isa na rin naming inihagis ang puting rosas, pero ang ipapabaon ko sa kanya ay isang pink na rosas, simbolo na hanggang sa hukay dala dala nya ang puso ko, ang pagmamahal ko.

Hindi humihinto ang pag iyak ko hanggang mag dapit hapon andito pa rin ako sa puntod nya.

"Harren, tara na para makapag pahinga ka naman" - yaya sakin ni Ash, akala ko nauwi na sila.

"Susunod ako"- tugon ko

"Kanina mo pa sinasabi yan."-at naupo sya sa tabi

"H-hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit. Nangako sya sakin namagkasama kaming tatanda" - hagulgol ko ulit

"Kung may sagot lang ako brad,pero wala eh yung nasa taas lang ang may alam. Masakit para satin pero ito na. Wala na sya" - at tuluyan na rin syang umiyak.

"Kung kelan gusto namin magsimula ulit"- sabi ko na lang.

"Tara na. Magagalit si Bunso sakin pag iniwan kita" - sabi nya sabay akay sakin patayo at nagsimulang maglakas. Bago ako sumakay, nilingon ko ang puntod nya.

"Babalik ako Sweet. Babalikan kita at balang araw magkakasama ulit tayo and by that time it will be forever. I love you Margarrette Keith Roa De Fernandez, my wife."- sabay sa pag ihip ng malamig na hangin. Napangiti ako bago sumakay. Pakiramdam ko, sumagot sya ng "Oo, hihintayin kita Sweet".

Ilang buwan na rin mula nung iwan nya ako, ng asawa ko. Ang hirap mabuhay, laging naka suporta sakin ang pamilya ko kabilang sina Tita at Tito, mga kaibigan ni MK. Inaabala ko ang sarili ko sa business ko at sa business nya, sa pag aalaga ng bahay namin dahil dun kami nangarap at bawat sulok nun ay andun sya, ang alaala nya. Pakiramdam ko sa bawat araw na nagdadaan, hindi ako nabubuhay more on nasa survival ang bawat araw ko.

Pagkatapos ng trabaho ko dumiretso ako kina Tita Amanda dahil kakausapin daw ako ni Tito. Pagdating ko dun, agad akong inakay ni Tito paakyat ng kwarto ni MK at may binuksan syang hidden door.

Namangha ako sa mga nakikita ko.

Napatingin ako ki Tito.

"Matagal nya na tong kwarto, pinagawa nya sayo, para sa taong pinahalagahan at minahal nya ng buo. Maiwan muna kita"- sabi ni Tito bago lumabas.

Muli na naman akong napaiyak dahil dito

Ano to? Itinuloy nya pala ang hilig sa pagpinta. Bat ganito ang mga pinta nya?

Mula pagkabata namin?Hanggang sa nag aral?Meron umiiyak sya habang nakatingin sakin?hanggang sa wedding picture namin at ang pinakahuli ay wedding picture namin na hati sa gitna, yung divorce. Buhay na buhay ang alaala naming dalawa dito, ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat..Mahal nya ako mula noon pa man higit pa sa kaibigan. Buong oras at panahon nya, ako ang mahalaga, tanging ako lang. Ang swerte swerte ko pala kasi ako ang minahal mo Sweet. Napa upo ako at tuluyang umiyak, kung sana mabigyan ako ng isang huling pagkakataon para makita at makausap sya, magpapasalamat ako sa pagmamahal nya pero hindi eh.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa sulat na nakapangalan sakin..

AN:

:((

Awayin nyo na ako..Hahaha..Peace!

May Last 2 chapters pa ata:))

Comment.Vote.Thanks...


GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Место, где живут истории. Откройте их для себя