Tsapter Four

5.8K 133 3
                                    

MK POV

Mabuti na lang at Sabado ngayon, pahinga ko sa gig. Im bored, ting! Alam ko na guguluhin ko si sweet..Hahaha..Nagbihis na ako, the usual sleeveless, short, at chuck. Nagdrive ako papunta sa kanila. Pagdating ko..

''Hi Tita Kelly!Good morning!" - bati ko sa kanya.

''Hi iha, good morning..Napa aga ka yata!? may lakad ba kayo ni Harren!?" - tanong nya.

''Ay wala po, gugulihin ko lang katukayo ko.Hahaha'' - masigla kong sagot

''At mabuti pa nga, gisingin mo na sya at sabay sabay na tayong mag agahan'' - Tita

''Sige po.''

Pag akyat ko, naka lock ang pinto,.hhhmmm, kapa kapa sa taas ng pinto..yun oh, andito pa rin ang spare key nya. Makakalimutin ang ''future'' ko eh kaya lagi nyang iniiwan yung spare key sa ibabaw ng pinto..Pagkapasok ko, same exact room sobrang linis, organize, pero ang nakakatuwa kahit may picture sila ni Cindy dito sa study table nya, hindi nya inaalis yung picture namin na nakapatong sa bed side table..Hahahaha.

Niyugyog ko sya..

''Sweet, gising na! let's eat breakfast na'' - oh di ba arte lang..hahahaha..

''Hhmmm, mamaya na MK. Wag kang istorbo'' - sagot nya sakin.

''Ah ganun hah'' - hinubad ko ang sapatos ko at nagtatalon sa kama nya...talon! Talon pa!

''Kumain na kasi tayo! Tara na! Tara na!" - grabe hinihingal na ako kakatalon, ito ang napapala ko sa sedentary lifestyle ko eh..Hahaha..Napabalikwas sya sabay sabing..

''Ano ba Margarette Keith!? Can't you see!? I'm still sleeping, I don't have time for your kiddy kids moments. I'm dead tired kaka train sa kompanya mabuti sana kong nararanasan mo din to pero hindi kasi your just having fun! ''- sigaw nya sakin

Ouch hah! Tumigil na ako at nag ayos para lumabas pero nagsalita ako..

''Namimiss lang kita kaya gusto kong sumabay sayo mag breakfast. Hindi ko intensyon na guluhin ka. Lagi ka kasing busy sa kompanya at the same time sa girlfriend mo. Sinusubukan ko lang naman na sumingit sa sched mo. Sorry'' - sana gumana ang acting pero totoo yun. Sobrang busy nya na eh.

''Ughhh! I'm so sorry sweet. I didn't mean to pagod lang talaga ako" - tumayo sya at yumakap sakin, humalik sa noo ko.

''Sorry na, bawi ako sayo bukas tutal Sunday naman. Mamasyal tayo!? Susunduin kita 10am'' - sabi nya sakin.. okey na din yun di ba!?

''Okey lang. Sorry hah, pahinga ka na. See you then'' - at lumabas na ako.

''Oh iha, where's Harren!?'' - Tita Kelly

''Nagpapahinga po Tita, pagod eh madami sigurong ginawa pero babawi naman daw sya bukas. he he he.. Sino po kasabay mong kumain!?" - tanong ko, syempre papalakas ako kay Tita, future mother in law ko to eh.,hahaha..quiet lang kayo..

''Wala iha. Si Tito Ian mo maagang lumabas, alam mo naman Sabado ngayon golf day with his friends and si Ate Jet mo naman eh nasa shop nya na'' - Tita Kelly

''Makikikain na lang ako Tita para may kasabay ka. okey lang ba!?" - sabi ko

Ngumiti sya.

''Hay naku! Di mo na kelangang magpalakas sakin kasi mas boto ako sayo.Haha'' - sagot nya na may ngiting mapanukso.

''Po!?'' - nagtataka kong sagot.

''Wala sabi ko syempre naman, ikaw pa!'' - Tita Kelly

Nagkwentuhan lang kami ni Tita ng kahit na ano, he he he...she's like a mother to me just like Harren and Ate Jet to my Mom. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa secret room ko actually kami lang nina Mama at Papa ang nakakaalam nito. Hindi ko to nakukwento kay Harren mabubuking ako eh. hahaha, ni request ko to kina Papa para may mapaglagyan ako ng mga paintings ko. Nag compose lang ako ng kanta kahit pa konti konti, gitara at ang madalas kong gawin dito ay ang ipinta ang mukha nya, mukha namin, future bahay namin. Lakas ng fighting spirit ko noh, sabi nga ''i-law of attraction'' mo..Hahaha..

Pumikit ako at inimagine ang itsura nya kanina tila anghel na natutulog at yung nagalit sya, pareho kong iginuhit yun at pagkatapos ng 5 oras napangiti ako sa ginawa ko,

''Sana mahalin mo na ako sweet higit pa sa kaibigan lang'' - hiling ko habang nakatingin sa painting.

Kung may makakakita lang ng secret room ko, iisipin na kami ni Harren kasi it contains our memories since we were kids saka ko na idedescribe sa inyo. Past 7 na ng gabi ng bumaba ako at kumain kasama sina Mama. Kelangan ko mag beauty rest for tomorrow. May lakad kami ni ''future'' eh este Harren:))

NOTE:

Goodnight guys! I'm so sleepy. See you next chapter. If you have any question, feel free to ask wag lang financial concern. Hahahaha...

GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Where stories live. Discover now