Tsapter 44 - Art of Letting Go

3.7K 74 6
                                    

MK POV

Mula ng araw na yun, di ko na alam. Nawawala ako. Andito lang ako sa bahay namin ni Sweet, same routine. Maglilinis, mag gogrocery at magluluto. Namimiss ko sya pero paano? Sabi nya nga ayaw nya akong makita, lumayo ako as in malayong malayo sa kanya. Namimiss kong alagaan at pagsilbihan sya. Naiiyak ako habang nagluluto nitong favorite nya. Biglang may nagdoorbell.

Pagbukas ko,

"Bunso, girl bonding" - sabi ni Amber

"Sige, nagluluto ako eh" - sabi ko

"Tara sa kitchen, pupunta yung tatlong kumag dito!"- sabay hila sakin ni Kate

"What's this?" - tanong ni isaiah

"Her favorite" -sagot ko

"Oh her favorite? Tapon mo Ambs" -utos ni Isaiah

"Pero sayang yun.." - reklamo ko

"Di ba moving on process ka na? Sanayin mo nang wala sya, hindi mo na sya pinagsisilbihan Bunso" - sabi ni Kate

"Magluto ka nang bago, yung walang kinalaman sa ex mo. Start na to ng buhay na wala sya. Alam namin na mahirap pero kelangan eh saka umalis ka na rin dito" - sabi ni Isaiah

"Pero bahay nami…." - but Amber stop me

"Bahay mo na lang to kasi ikaw na lang ang nakatira. Bumalik ka na sa bahay nyo o kaya sa condo mo. Kelangan mong umalis o kaya iwan ang mga bagay na nagpapaalaala sa kanya" -sabi ni Kate na ikinaiyak ko

"Paano?paano ko gagawin yun?" -tanong ko sa kanila

"Umiyak ka kong gusto mo" - sabi ni Amber,alam kasi nilang mula ng ma appove ang divorce namin yun na ang huling iyak ko.

"Panu ko gagawin?kung buong buhay ko sya lang ang minahal ko, buong buhay ko sya lang ang pinangarap na makasama habang buhay? Buong buhay ko magkasama kami. How do I start? to live my life alone?Where do i start? To live my life without her? I dreamed of forever with her kasi sabi nya until we grow old kami pa din. Panu ko sisimulan ulit ang buhay ko? Nagplano kami na future together. Pero ito na to, kasi nga ayaw nya akong makita, sabi nya pa lumayo ako sa kanya ng malayong malayo. Andun ka Ambs, nasaksihan mo yun. Gusto ko ng kalimutan sya. Sabi mo Kate, kelangan kong umalis sa bagay na nagpapaalala sa kanya?kaya nyo bang alisin tong puso ko at palitan ng bago. Its broken, and its no longer capable of loving someone" - humagulgol na ako sa kanila

"Open your heart to someone MK. Oo, your heart is broken but its not missing. Lets someone fix it, yung mamahalin ka ng ikaw lang" -umiiyak sa sabi ni Isaiah. Salamat sa kanila kasi kahit ganito ang nangyari, andyan lang sila. Mahal nila ako.

"Andito lang kami,yung tatlong kumag. Di ka namin iiwan MK"- umiiyak na sabi ni Kate

"Oo nga,at least kami forever mong karelasyon. Kaibigan."- dagdag pa ni Amber sabay punas ng luha.

"Yakapin nyo naman. Thank you kahit paulit ulit na lang ako" - umiiyak pero nakangiti kong sabi sa kanila.

"Group hug!" - sabay sabay naming sabi

"Anong meron?"-sabay na sabi ni Tita Kelly and Mommy

"Mom"s, ginagawa nyo dito?" - Tanong ko

"Dinadalaw ka."- sagot ni Mommy

"Thats good! Dadamihan ko tong luto ko at magbebake ako hah.." -masiglang kong sabi. At least masaya ako na andito sila.

"Pedeng iwan nyo muna kami?"- sabi ni Tita Kelly na ikinaharap ko sa kanya

"kumusta ka na nak?" -pagsisimula nya

"Okey naman My. Moving on maybe?" -sagot ko. Nagsimula na syang umiyak..

"Im so s-sorry nak, it never turn out the way we want it to be. Sorry cos youre hurt and still feeling that pain. Sana ako na lang ang nakakaramdam nyan" - sabi ni Tita Kelly na humahagulgol na

"Ssshhhhh My, dont say that. Okey lang ako, parte to ng buhay. Hindi ako galit sayo, Sainyo ni Daddy. Youre my second parents di ba? Hindi ako magagalit sayo, saka hindi mo na kontrol ang desisyon ni Harren."-sabi ko sa kanya habang pinapahid ang luha nya

"Pero panu ka?pupuntahan mo pa rin ba ako sa bahay?Namimiss ko na mga luto mo, namin ng Daddy mo." - sagot nito

"Okey lang ako My,kaya ko. Kakayanin ko para sa sarili ko naman, para sainyo. Para di kayo mahirapan na nakikita ako. Pupuntahan kita this weekend?okey ba yun?"-tanong ko

Tumango lang to at nagyakapan kami. Maya maya pa dumating na din ang tatlong kumag,Lhor, Ash and Cry.

After nung masaya namin pinagsaluhan ang niluto ko at nagkwentuhan pero iniiwasang mabanggit ang pangalan nya. For the first time, hindi ko hinanda sa hapag ang paborito ni Sweet. Lahat ng hinanda ko ay walang koneksyon sa kanya. Habang tinitingnan ko sila, pinisil ni Isaiah ng bahagya ang kamay ko. Gaya nga ng sabi ko, sya ang taong hindi man ako magsalita alam nya ang nararamdaman ko.

Maybe this is the start, my art of letting go.

AN:

May nagrequest ng book 2 pero pagiisipan ko pa yun Loviess hah..Di ako makapag isip ng plot saka di rin ako mahilig sa book 2. Hehehe.. Kapit lang!

Comment.Vote.Thanks.




GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Où les histoires vivent. Découvrez maintenant