Tsapter 43 - No Longer Her...

3.8K 64 11
                                    


CONTINUATION

Kinabukasan pagka gising ni MK tumambad sa kanya ang envelop. Nanginginig ang mga kamay nya ng kinuha ito. Dahan nya itong binuksan, at napakaraming pagkakataon umiiyak na naman sya ngunit tahimik lang.

"Oh Bunso, youre awake. Lets eat. I cooked" - masiglang bati ni Amber

"Divorce papers" - tanging nasabi nya

"Bunso, tama na. Ibigay mo ang gusto nya. Tama na please, ginawa mo na lahat naging tanga ka na. Mahalin mo naman ang sarili mo" - naiiyak na saad ni Amber

Huminga ng malalim si MK.

"Alam ko naman, hiniling nya pa na lumayo ako sa kanya yung malayong malayo" - patuloy pa rin pag iyak

Niyakap ito ni Amber..

"Sshhhhh" - tanging nasambit bya

"Pero alam mo Ambs kahit ang sakit sakit ba di ako mapapagod na mahalin sya" - tila batang saad ni MK

Pilit nilibang ni MK ang sarili, inabala nya ang sarili sa pag aasikaso ng mga negosyo nila. Di na rin ito inuungkat ng mga magulang nya kasi mas nasasaktan ang mga ito para sa anak. Hindi na rin nagpumilit ang Mama Kelly nya to work things out kahit pa tutol ito relasyon ng anak kay Cindy.

Nakakadalawang trial na din sila at mas masakit kasi lagi nitong kasama si Cindy.

Final trial, abala si Cindy sa pagpili ng damit ng pumasok ang ina.

"Bat antagal mo anak?" - tanong nito

"Naghahanap lang po ng magandang isusuot, ngayon lang ulit kami magkikita after a month baka sakaling magbago isip nya..Hehe..joke lang Ma" - ngiti nito sa ina.

Napadako ang mata sa damit na yun, yung damit na feeling nya bagay na bagay sa kanya the first time she saw it. Napag desisyunan nyang suotin yun. Nanamnamin nya lang. Sinout nya ang dress na sinuot nya during their wedding.

Pagdating sa court, halos namangha naman si Harren tila ibang iba ang aura ng asawa nya. Wala ang bakas ng lungkot.

After an hour,

Nagsalita na ang judge..

'Finally, you marriage is now null and void" - naiyak na lang si MK at ngumiti ng mapait kay Harren and she mouthed "Congatulations and be happy" tumango lang si Harren.

Pero umeksena si Cindy..

"So pano ba yan MK, dakilang EX WIFE ka na lang" - panunuya nito kay MK

Ngumiti lang si MK ngunit nagsalita si Amber

"At least, first and legal wife eh ikaw, kabit na naging second wife. Halika na MK" - sinabayan pa ng tawa

"Bitch!" - sagot nito

"And so you are desperate bitch!" - saad ni Kate.

Sasagot pa sana ito when Harren interrupted.

"Stop it Cindy. Mauuna na kami"- paalam ni Harren

Akmang tatalikod na sina Harren ng tawagin sya ni Ash

"Harren, brad..sana maging masaya ka, kayo at sana sigurado ka sa mga desisyong nagawa mo kasi kung magkakamali ka at masasaktan wag na wag mo nang aasahan na pupuntahan ka ni Bunso kasi kami ang unang pipigil dun. Lastly, alam mong magkaibigan tayo mula pagkabata.. piece of advise, sana tama ang ginawa mong pag tapon sa ginto at pagpulot sa tanso" - ngumiti pa ito ng mapang asar at tumingin kay Cindy bago tuluyang umalis

"Abat.."- sasagot sana Cindy

"Enough" - saway ni Harren

"San tayo magcecelebrate!? Sa wakas, malaya ka na. Pede na tayo magpakasal' - patalon talon pang sabi nito

"Ano ka ba!? Pangit naman kung magcecelebrate tayo na alam kong may nasasaktan" - inis na sambit ni Harren kay Cindy

"Okey. Sorry naman. Di matulog na lang tayo" -pilosopo nitong sabi

Napabuntong hininga na lang si Harren..Ang isa nya pang iniisip ay kung bakit nakaupo sa panig ni MK ang mga magulang nya. Nakakatawa lang na walang naka suporta sa kanya kundi si Cindy. Mas naiinis sya sa sarili kasi ibang iba si Cindy kay MK. Namimiss nya si MK, ang pag aalaga nito, ang pagluluto sa mga gusto nyang ulam..hindi nya maiwasang ikumpara ang dalawa. Hay..

Samantala..

Pagdating sa bahay agad na umakyat si MK sa kwarto nilang mag asawa, nilock ang pinto at tahimik na umiyak.

Kinakatok sya nina Ash, pati Mama nya at Tita Kelly..

"Hayaan nyo muna po ako." - sigaw nya.

"Cge. Nasa baba lang kami" - tanging sagot ng mga to

Ito ang nasa isip ni MK habang nakatingin sa wedding  picture nila na iginuhit na dapat wedding anniversary gift..

Harren, Sweet… alam mo ba kung gaano ko pinangarap ang maging asawa mo? Ikaw ang mundo ko alam mo ba yun? Maraming salamat kasi natupad naman kahit papano ang pangarap ko ang maging asawa mo, ang alagaan ka. Masaya ako na masaya ka pero ang sakit sakit pala na parang mamatay na ako. Siguro nga hindi talaga tayo pinilit ko lang.

Hindi naman ako umaasang mamahalin mo ko.. OK lang sakin kung ayaw mo talaga.. Pero sana naman wag mo ipamukha sa akin kung ganun mo siya kamahal... Ang sakit sakit kase... Masakit sobra.. Pumayag akong mawala ka dahil dun ka masaya, pumayag akong masaktan dahil dun ka masaya, pumayag akong umiyak dahil dun ka masaya. Napilitan lang akong pumayag dahil alam ko dun ka sasaya, ang malayo sakin at mawalay sakin.

Harren. Mahal na mahal kita. Alam nang dyos kung gano ko gustong kasama ka araw araw pero hindi talaga tadhana. Paalam Sweet.

Tanging naisip nya bago tuluyang pumikit.

AN:

Oopppsss!Anyare?pasensya!Frustrated dramatic actress ako eh.Charot!Hahaha..

Suggestion naman kung anong ending ang gusto nyo? Hehe..

Comment.Vote.Thanks



GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Where stories live. Discover now