Tsapter 48 - Take Her Back

4.1K 74 2
                                    

Harren POV

"Wag po kayong mag alala. Hindi po ako nanghihinayang kay Cindy at hindi na ulit ako maglalasing tulad ng dati.  Kung maglalasing man ako dahil sa  ko na po, kasi sa totoo lang nanghihinayang ako na pinakawalan ko ang bagay na hinihiling ng marami, being contended and happy with a relationship. Nakita ko na kay MK pero sinaktan ko pa rin sya,pinakawalan ko" - umiiyak ako habang sinasabi ko yun. Lumabas na ako. Nakita ko ang malungkot na tingin ng mga magulang ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Mahaba kong sabi bago lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Sana andun pa sya. I want to fix everything. Susubukan ko tulad ng ginawa nya pero sana hindi sya tulad ko na sarado ang isip.

Pagdating ko sa bahay namin, agad akong umakyat sa ka kwarto namin.

"Sweet!Sweet!Sweet!" -sigaw ko

Pero wala sya, napaka ayos dito. Agad akong pumunta sa cabinet nya pero wala ni isang damit nya.

"Ms Harren?kayo po ba yan?"- tanong ng maid? Bat may maid na dito?

"Sino ka?" -tanong ko

"Ako po si Ana. Kinuha po ako ni Ate MK para bantayan tong bahay nya" - sagot nya

"Asan sya? Yung mga gamit nya?" - dagdag tanong ko

"Hindi na po nakatira si Ate MK dito, andun na po sya sa condo tumutuloy. Pumupunta lang po sya dito para i check yung bahay tapos aalis din" - sagot nya

Napaupo ako sa kama.

"Hindi po sa nangingialam ako hah, masyado pong nasaktan si Ate MK. Nasaksihan ko po kung paano sya umiiyak lagi pero buti na lang po medyo okey na sya." - sabi nya na ikinakirot ng puso ko

"Bat daw sya umalis dito?bahay namin to eh"- sagot ko

"Para po kalimutan na ang lahat kasi sa tuwing andito sya, sumasakit lang daw ang puso nya. Hehehe.. kung may kelangan ka po.nasa kusina lang ako"- sabi nito bago bumaba. Di inaasahang napatingin ako sa  bedside table namin..pagbukas ko, mas kumirot ang puso ko.

Hinubad nya na ang wedding ring namin at nakatago na rin ang wedding picture namin. Kinuha ko to at tiningnan. Mukhang kinalimutan nya na nga lahat.

Ang daming kong narealize habang nakatingin dito.

Ang laki kong tanga, para hindi agad makita yun. Hindi ko maiwasang umiyak.

Ang dami nyang sinakripisyo para sa akin pati na ang future nya. Kahit alam nyang di kami magkaka anak kasi literally were both girls pa din, mas pinili nya ako. Mas pinili nyang makasama ako kahit tumanda man kami na kaming dalawa lang. Sya ang taong, iniintindi ako lagi. Kinokonsidera ang nararamdaman ko sa bawat desisyon nya, bat di ko man lang naisip yun.

ANG TANGA MO HARREN!NUNG NAGSABOG ANG DYOS NG KATALINUHAN SA PAG IBIG, TULOG KA! ANG TANGA KO! GOD!

Hindi ako papayag, huli ko mang na realize pero Mahal ko si MK, mahal ko ang bestfriend ko. I will do everything to take her back.

Sana andun sya sa bar ni Ash. I need to talk to her. Mabilis akong bumaba at nag drive papunta dun.

Pagpasok ko, namangha ako sa boses na naririnig ko. Ang asawa ko, kumakanta. Umupo ako sa may bar para mas makita ko sya. Medyo madilim dito kaya di nya ako mapapansin.

"Good evening guys! Nag eenjoy pa kayo?"- tanong nya sa crowd

"OO NAMAN!"- sagot ng crowd

"GOOD! My next song is dedicated to myself. Hahaha.. I want to share something to you guys. Kung lagi kayong andito tuwing tumutugtog kami, naaalala nyo ba yung kinukwento ko na bestfriend ko na mahal na mahal ko kahit pa babae pa sya?" - tanong nya na ikinagulat ko. Ganito sya ka proud na ako ang mahal nya, na babae din ang mahal nya? Kinakabahan ako sa sasabihin nya.

GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Where stories live. Discover now