* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..

Start from the beginning
                                    

~S i l e n c e~

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid. Nawala na lang ang mga ingay at tunog na naririnig ni Eugi, para bang sinarado ang kaniyang panrinig sa lahat ng ingay pero habang tumatagal ay nagtataka na siya kung bakit gano’n na lamang katahimik ang paligid. Salubong ang kilay niyang ini-angat ang tingin para pagmasdan ang nangyayari sa paligid, ganon na lamang ang paglitaw ng ngisi sa kaniyang labi nang makita ang buong canteen.

Siya na lamang ang mag-isa dito.

Ganito ang gusto niyang ambience. Tahimik, maaliwalas, walang sagabal. Pinagpatuloy niya lang ang pag subo saka binuksan ang bote ng strawberry milk. Ininom niya ito saka muling kumain na parang walang nangyayari. Thug life. Bakit pa siya aalis sa canteen? Ito nga ang gusto niyang atmosphere ng lugar. Ang buong akala niya’y magtutuloy-tuloy na ang ganong pakiramdam pero mabilis rin iyong nawala nang bumukas ang pinto saka pumasok ang dalawang estudyante.

“We’re in so much trouble!”

Pamilyar kay Eugi ang mukha ng dalawang pumasok na estudyante. Ayon sa pagkakatanda niya, ito ang dalawa niyang kaklase na naka puwesto lamang sa kaniyang likuran. Hindi niya akalain na makikita niya ito dito. Pero, anong ginagawa ng mga ito dito? Una siyang tumingin sa babae na nangangalang Neonila. Maikli ang wavy brown nitong buhok. May‘ron itong gold emblem, ibig sabihin ay kabilang ito sa Sorcerer unit. Ang kasama naman nitong lalaki ay nangangalang Sheiko, may‘ron naman itong silver badge, Alchemist unit. Magulo ang silver hair nito pero maayos naman itong tingnan.

“Na‘san na ‘yung troll? Sabi nila dito daw—”

“Pwede bang kumalma ka lang? Kahit isang minuto lang? Mapag ha-halataan tayo niyan, e!” naiiritang sabi ni Neo. Bakas ang pagkataranta at takot sa mukha nila ni Sheiko, na para bang may krimen silang nagawa. Hindi sila mapakali sa kanilang kinatatayuan habang nililinga-linga ang tingin para hanapin ang nasabing halimaw.

“Sa tingin mo, ‘pano ako kakalma!? Nilalamon na ko ng konsensya ko, Neo!”

“Relax ka lang. Wala namang nakaka-alam ng ginawa natin, e.”

Well, ngayon meron na..’ isip ni Eugi.

“Kahit na ba! Maraming na-abala sa ginawa natin!”

“Kasalanan mo rin kasi, e! Kung ‘di mo sana ko pinilit na gawin ‘to, hindi sana ‘to mangyayari!”

“Ah, so ako nalang ngayon!?” sarkastikong sagot ni Sheiko matapos duruin ang kaniyang sarili. Binigyan niya nang isang mapanuyang tingin ang kaniyang kausap saka ito pinaningkitan ng mata. “Sa tingin mo hindi ‘to mangyayari kung ‘di mo ako tinulungan!? Parang kanina hindi ka excited na gawin ‘to, tapos ngayong nauwi sa kapalpakan ‘yung nangyari, ako nalang ang sisisihin?”

Napapahiyang nag-iwas ng tingin si Neo saka ngumuso. “M-Malay ko bang makakagawa tayo ng aksidente? Kita mo namang hindi rin ‘yun ang ine-expect kong result.” inis siyang nagkamot ng kaniyang ulo saka problemadong tumingin sa kaniyang naka-kunot noong kausap. “Tch! Badtrip naman. Ano ng gagawin natin ngayon?”

“Whatever it takes para mahuli ‘yung pisti na ‘yon.”

Narinig ni Eugi ang pinag-uusapan ng dalawa dahil sa katahimikan ng paligid ay kapwa nangingibabaw ang boses ng mga ito tuwing nagsasalita. Ngayon ay may-ideya na siya kung kanino nag mula ang gulo. Responsable ang kaniyang mga kaklase sa paglikha nito kaya dapat lang na sila ang humuli dito. Gayunpaman, hindi na niya ito business kaya nasa kanila pa rin ang desisyon. Muli nalang siyang sumubo ng pagkain, lumikha nang kaunting ingay ang kutsara, na naging dahilan para kuhanin ang atensyon ng dalawa niyang kaklase.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now