* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..

Start from the beginning
                                    

“Anyway, let's change topic. Blue Haven is still ranked first to top five international billboard!”

“Wala ng bago di‘yan, we remained no. one for consecutive years. We are rumored to be the most stable Academy in the spot for decades.”

“Speaking of which! Kailan ba gaganapin ang annual opening tournament ngayong taon? I might give it a try!”

“There’s no announcement pa, about ‘don sa dates. But pretty sure malapit na. About sa mga Alphas ng unit, wala pa sila, ‘di ba?”

“The Vampire’s Alpha just arrived this morning, not sure for the others. Kung kompleto na sila ay dapat alam na ng buong school. Walang may gustong palagpasin na makalaban sila. Hindi sila mawawalan ng hamon, lalo na sa mga Guardians.”

Mula sa kaniyang gilid, ay nahagip ng kaniyang pheriperal vision ang pagdaan ni Athena, kasama ang mga alagad nito. Pinanood niya ang mga itong maglakad hanggang sa makalabas sila ng canteen. Ang mga stupida, pain in the ass na walang magawa sa kani-kanilang buhay. Bakit nga ba nag-exist pa ang mga ito? Wala naman silang ibang silbi maliban sa pag-kuha ng espasyo dito sa mundo. Napakagaling mang husga ng kamalian ng iba, pero magaling ring abogado sa sariling kamalian.

Tumayo siya at naglakad palapit sa isang vending machine. Hinanap ng kaniyang paningin ang bote ng strawberry milk, nang makita na niya ito ay kumuha siya ng fifty pesos mula sa kaniyang wallet saka ‘yon inihulog sa butas. Nang makuha na niya ang bote ay mabilis rin siyang bumalik sa kaniyang lamesa para ipagpatuloy ang kaniyang tahimik na pagkain. Hindi pa man siya nakakaupo ay bigla nalang—

“TROOOLL!”

Nakakuha ng atensyon sa lahat ng estudyante ang sigaw na iyon mula sa kung sino. Hinanap nila sa paligid ang nagmamay-ari ng boses nito, ngunit hindi na nag-abala pa si Eugi na hanapin ito. Ipinokus niya ang atensyon sa kaniyang kinakain na para bang wala siyang naririnig, kahit pa ma-ugong na ang usapan at bulungan ng mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya. That's right, don't bother.

“UMALIS NA KAYO DITO! PAPUNTA DITO ‘YUNG HIGANTENG TROLL!” bumukas na lamang bigla ang pintuan ng canteen saka pumasok ang babaeng humahangos sa pag-hinga matapos ‘yon sabihin. Tuloy-tuloy lang sa pagtaas at pagbaba ang dibdib nito, hudyat ng matinding pagka-hingal para lang makatakbo dito. “H’wag niyong gagamitin ang kapangyarihan niyo laban sa troll, kailangan siyang mahuling buhay kaya umalis na kayo dito! Sumunod na kayo!”

“Ano? Ano daw meron?”

“Troll daw, e.”

“Hala, seryoso ba siya diyan?”

“Totoo!?”

“Ewan ko. Baka nagloloko lang.”

“Hindi! Legit nga mga people!”

“Kaka-receive ko lang ng notification ko, and yes its legit!”

“Owemji, oo nga!”

“Sabi sa inyo, e. Pero ‘san naman ‘yun galing?”

“Hindi ko alam. Tara umalis na tayo!”

“Alam na ba ‘to ng headmistress?”

“Mamaya na ‘yang mga tanong niyo, tara na! H’wag niyo ng dalhin ‘yang mga pagkain niyo baka abutan pa tayo!”

Bigla ay nataranta ang mga estudyanteng kumakain doon, lahat ay nag-tatanong at nag-uusap sa nangyari habang kinukuha ang kanilang gamit bago umalis. Ang ilan rin sa kanila ay pinili na lamang na abandonahin ang kanilang mga kinakain sa lamesa, mas mabuti na ito kaysa sa maabutan ng dambuhalang troll. Habang natataranta ang lahat para maka-alis ay kalmado namang pinapanood ni Eugi ang mga estudyante habang siya'y ngumunguya ng pagkain. Hindi, hindi niya pwedeng iwanan ang kaniyang kinakain.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now