"It's your decision. Pero maatim mo bang hindi matulungan ang mga nangangailangan ng edukasyon? You know naman na may kasamang charity work ito hindi lang ang title ang paglalabanan niyo kung hindi mga funds na malilikom niyo sa mga supporters niyo para sa charities ng university."-  Pangungunsensiya pa niya. Oo nga pala, medyo money contest din ito pero hindi naka-depend sa malilikom mong donasyon ang basehan ng pagkapanalo,  kumbaga a big credits lang for your effort.

"Oo nga po mam, I really want to help other people especially those who want to study, but mam, not this way. Pagararuhin niyo nalang po ako o hindi kaya isali sa kahit anong sports, kahit boxing pa, okay lang po sa akin, huwag lang po ang  beau-con!"- Pagmamaktol ko na with matching pouting at puppy eyes.

Please mam, wag ako!  Hindi po ako nagsusuot ng heels o maiikling skirts, mag-two piece pa kaya sa harapan ng libo-libong estudyante sa school?? Whaaaaaahh!!! I  can't imagine that! Ang sagwa! Baka lumabas ang abs ko.

"Okay, I guess I can't convience you by now."- Panghihinayang niyang sabi bigla sa akin. Really?

When I heard that, nakahinga ako ng maluwang. Promise! Ang intense lang kasi.

"But if your decision will change, we're not closing any doors for this miss Ackerman. Sayang naman kasi."- Malungkot na niyang sabi sa akin. Mukhang na-disappoint  talaga siya.

"Ahm mam po kasi, ang  totoo niyan, wala po akong kalaman alam sa mga ganyan pong bagay at may stage fright po ako!"- Pag-e-explain ko nalang sa kanya, baka kasi isipin niyang walang kwenta ang pagtanggi ko.

"Saka alam ko pong napakalaking privilege po yun para sa school natin lalo na po sa department natin."

"Alam mo naman pala eh, so why you doubt?"- Singit na niya kaagad.

"Because mam I don't want to ruin it."- Magpapakaawa kong sabi.

"Of course not! In fact,  its our previlege that you will join. We will take care of you. In everything you need in the contest, our department will provide all you needed in the contest. You just hold youself."- Pagmamalaking sabi akin.  Hold myself? I can't even find the pieces of my mind in that matters.

"I know mam, but.."

She hold my right hand in her both hands. "Please Cleo, we're begging you in this! Just this  contest and you will have your free scholarship in contunuing Law, how about that?"- She looks so desperate.

But wh-what? Free Scholarship in Law? For real? Seriously?

"Wh-what? Scholarship?"- Sobrang nabigla at nalula ako sa offer! Ohmergad!

Free Scholarship? Does it mean, libreng libre na akong makakapag-take ng law dito? Huwaaaw!!!

Kung sinabi lang sana kaagad ni mam na yun pala ang kondisyones nila sa akin, why not to try davah??

"BUT! In one condition.."- sabay ngiti ng maloko. Mukhang hindi ko gusto toh ah.

"You have to win! If you will win the title itself, you may get your full scholarship."- Sabi na eh,  hindi ko naman talaga balak pumayag, tumatanggi na nga ako diba? Pero  dahil nangunsensiya siya, nagdahilan naman ako at binato naman na niya  sa akin kanilang alas na scholarship.

Oh lord! What should I do? Should I give up or should I accept this? Naman oh! Mahirap pa toh sa obli-con ko eh.

"So miss Cleo Ackerman,  is it a yes now?"- Ngitingitian na naman niya ako ng nakakaloko.  Naloloka na ako grabe! Naiipit ako sa sitwasyong hindi ko malaman.

But I really want the scholarship. Sinong hindi kung para sa future mo naman yun diba? Saka  for sure, matutuwa sina papu at mamu kapag nakakuha ako ng scholarship  dito na ang puhunan lang ay well.. you know.. Ganda lang.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now