Chapter Eighteen: DOG

Start from the beginning
                                    

Oo nga naman! Mas napasimangot ako dun ah. Nakakahiya ang mga pinag-iisip ko.

"Kaya tara na," tumayo na siya at inalalayan ako. "Excited na akong ipagmalaki sa maraming tao ang mag-ina ko."

*

Nag-mall kami ni Levi para nga mag-date. Trip niya sanang mag-sine kami kaso ayoko. Hindi ko 'yun mae-enjoy dahil maya't maya akong nagsi-CR. So sa huli, ang napagkasunduan na lang naming gawin ay tumingin ng mga gamit ng baby sa may department store.

Napag-planuhan na namin na mamimili kami ng mga gamit kapag naka-thirty weeks na ako. Twenty six weeks pa lang ako ngayon, eh, pero naisipan naming magsimula nang mamili ng kaunti at maliliit na gamit. Nakaka-tempt naman kasi 'yung mga nakita namin! Buti na lang at alam na namin ang mga pinaka-dapat naming bilhin dahil matagal na kaming kinausap ni Mama tungkol dito.

Tuwang-tuwa ako sa ginagawa namin--lalo na kay Levi. Hindi ko siya nakitaan kahit kakaunting pagka-ilang dahil puro pink ang mga gamit na pinagpipilian namin. Mas metikuloso pa nga siya sa pagpili kaysa sa akin.

Pero ang mas ikinakatuwa ko? 'Yung paghawak niya sa kamay ko sa pag-iikot namin. Ang sarap sa pakiramdam eh.

"Oh ito oh, bra raw para sa mga buntis?" Talagang hinintuan niya ang section na iyon ah! Binasa niya pa nang maiigi 'yung poster na nagde-describe kung para saan talaga 'yung bra! "Ahhh... Para dun sa gatas..."

Nakakahiya naman 'to. Gusto kong magtakip ng mukha sa hiya.

"Bili na tayo niyan. Ano na bang size mo Millie?"

"H-Hindi ko alam..." Sagot ko para lang hindi siya bumili.

"Hindi mo alam bra size mo?" Gulat siyang napatingin sa akin. Hinarap niya rin ako at saka itinaas ang isang kamay na nagko-close-open. "Akin na. Ako na lang ang susukat niyang dibdib mo."

Aba 'to! Buti na lang walang nakatingin sa amin! Hinatak ko tuloy siya pabalik sa tabi ko at kinurot siya sa tagiliran.

"A-Araay! Joke lang 'yun Millie!"

Binitawan ko siya agad at natawa naman siya. Masaya siya ah. Ako, badtrip.

"Sorry na," bulong niya nung umalis na kami dun sa bilihan ng bra. "Ayun oh. Ayun talaga ang gusto kong ibili sa'yo Millie."

May nginuso siya at hinatak ako papunta roon. Section iyon ng naggagandahang mga maternity dress. Halos kuminang ang mga mata ko dun. Napansin naman iyon ni Levi kaya natawa siya. Tawa na hindi mapang-asar ah. Tawa na gustung-gusto kong naririnig mula sa kanya.

"Pili ka na ng gusto mo diyan," sabi niya na agad kong sinunod. Agad sinunod pero matagal natapos. Ang hirap kaya mamili! Pero hindi ako nakarinig kahit ni isang reklamo mula kay Levi. Ang sabi pa nga niya after kong pumili, "Bili ulit tayo diyan pagbalik natin dito ah?"

Ngumiti lang ako sa tanong niyang 'yun at tumango.

*

Nang matapos ang pamimili namin ng unting gamit, dumiretso kami sa food court para kumain. Ang daming tao dahil pa-6pm na. Dinner time. Sa paglalakad tuloy namin papunta dun sa stall na Korean foods na pinagbibilhan ni Levi ng mga pinaglilihian ko noon, may nakabanggaan siya--na isang babae na maraming bitbit na shopping bag.

"Sorry!" Sabay nilang sabi. "Uy!" At sabay rin silang nagulat nang magkatinginan sila.

"Levi," ngumiti sa kanya 'yung babae na ngayon ko lang nagawang pansinin ang kagandahan. Matangkad ito. Perpekto ang kurba ng katawan. Maputi at may natural rosy cheeks. Dyed ng brown ang buhok. Astig na girly pumorma with sneakers, faded skinny jeans at black jacket over a plain tank top. Para lang itong model.

"Jo."

Nagulat ako sa pangalang binanggit ni Levi. Mas nagulat pa ako nang makita ko ang pilit at kinakabahang ngiti niya.

Tinignan ako nung Jo at 'yung masayang ngiti niya kanina, nabahiran na pagka-panic. "H-Hi! Ikaw si Millie 'no?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako.

"S-Siya nga si Millie," sagot naman ni Levi. Kailangan ba talaga na parehas silang mag-panic sa harapan ko?

"Ako nga pala si Jo, kaibigan ni Levi."

Talaga lang, huh? Bitter na sagot ng utak ko.

Nag-alok siya ng handshake na hindi ko natanggihan.

"Uhm, sige ah, una na ko. M-May kasama kasi ako, kanina pa ako hinihintay sa baba." Nakangiti niyang paalam sa amin, tapos nakipagtitigan siya saglit kay Levi.

Pagtingin ko kay Levi, nakatitig din siya kay Jo. Para lang silang may pinag-uusapan sa pamamagitan lang ng pagtitigan nilang iyon.

Nakakainis...

"Bye!" Dun na tumalikod si Jo at nagmamadaling bumaba gamit ang escalator.

"Dun na tayo Millie," hinatak na ulit ako ni Levi papunta dun sa kakainan namin. Pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo kung saan namin nakabunggo 'yung Jo. "Millie?"

"Ayoko nang kumain..." Sagot ko sa kanya at binitawan na ang kamay niya para humawak na lang sa tiyan ko. "Uwi na tayo..." At nauna na akong naglakad paalis.

xxxxxxTBC~

Cat & Dog BabyWhere stories live. Discover now