Chapter Ten: DOG

30.6K 671 55
                                    

CHAPTER TEN: Dog

3:12am

Madaling araw na madaling araw, nagising ako. Tapos kahit anong ikot o puwesto ng higa ang gawin ko sa kama, hindi na ko makatulog. Ano ba naman 'to.

Hinimas ko ang tiyan ko na malaki-laki na. Ang weird nga eh kasi in two weeks, bigla siyang lumaki na tipong bumabakat na siya sa loose shirts na sinusuot ko gaya ng suot ko ngayon na tshirt ni Levi.

"Baby," tawag ko sa 13-week old ko nang pinagbubuntis. "Ikaw ba ang gumising at ayaw nang magpatulog kay Mama ah?"

Pumikit ako at sinubukang matulog ulit. Pero hindi na talaga ako makatulog. Kumalam pa ang tiyan ko kaya napilitan ako na bumaba na lang.

Naghagilap ako ng pagkain sa kusina--partikular na sa ref. Habang naghahagilap, nag-iisip ang utak ko ng pagkain na may maraming gulay, may kanin, may karne, may piniritong itlog, tapos makulay sila. Naalala ko, minsan na akong nakakain ng ganun nung March lang. Nagka-project kasi nun ang HRM schoolmates namin na magluto ng international cuisine.

Dahil wala sa kusina ang pagkaing hinahanap ko, pinuntahan ko na lang si pusandi sa sala.

Naabutan ko siyang nakahilata sa sofa, walang suot na tshirt, at nagpapakasasa sa hangin ng desk fan na nakatutok sa kanya.

Nakakainis lang...

Lumapit ako sa may ulunan ni Levi at nagsquat sa tabi niya. Inamoy ko ang buhok niya--na amoy menthol--at tinignan nang malapitan ang mukha niya.

Tsk. Ayan na naman ang ilong niya na gustung-gusto kong pisilin.

At hindi ko na napigilan ang kanang kamay ko--pinisil na nito ang ilong niya.

"Uhhh," parang nalulunod na binabangungot lang si Levi, hanggang sa inubo siya at napasigaw at nagpumiglas sa gulat nang maramdamang may pumipisil sa ilong niya.

Sa gulat ko rin ay muntik na kong mapaupo sa sahig, pero naibalanse ko pa rin ang pagkaka-squat ko.

"Millie?!" Galit na sigaw ni Levi pagkaupo niya nang hilut-hilot ang ilong niya.

Tumingin lang ako nun sa ibang direksyon. Kunwari, wala akong alam. Pero 'yung totoo, natatakot ako ngayon. Siyempre, nang-istorbo ako ng tulog ng isang tao--sa ganung paraan pa. Alam ko ang feeling nun--sobrang nakakaasar to the point na gusto mong sapakin ang nang-istorbo sa'yo. So malamang, ngayon, asar na asar si Levi at gustong manakit sa asar.

"Ay buhay naman. Ughh." Asar na ginulo ni Levi ang buhok niya at saka binaling sa'kin ang antok pa niyang mga mata. Nakita kong huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. "Anong problema, Millie?" Pilit na mahinahon niyang tanong.

Nabilib naman ako sa kanya. Mahirap kayang pilitin na pakalmahin ang sarili mo after mong maasar nang ganun katindi. Pero si Levi, kinaya. Siguro kasi, buntis ako. O siguro kasi, mahal niya ko.

Ang pusang malandi na 'to, mahal niya ko eh... Both through action and words, pinadarama niya 'yun sa'kin...

Napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng weird eh.

Ah, alam ko na. Malamang nagbubunyi na naman ang baby namin. Laging ganito nararamdaman ko kapag nagkakaganito kami ni Levi eh.

"Uy Millie," madaling napaluhod sa tabi ko si Levi. "A-Anong nangyayari sa'yo? At sa baby natin?"

Napangiti ako. "Wala naman. Nagugutom lang kami."

Hindi makapaniwala siyang tumitig sa'kin. "Nagugutom lang kayo?"

Tumango ako.

"Ay sus," napakamot siya ng ulo sabay upo sa sahig. "Akala ko pa naman manganganak ka na!"

Cat & Dog BabyWhere stories live. Discover now