Chapter Nine: DOG

33K 745 40
                                    

CHAPTER NINE: Dog

"Good morning, askal!" Bati ni Levi pagkababa ko sa kainan nila.

Inis at antok ko lang siyang tinitigan. Ang aga-aga eh bakit ang dami niyang energy?

"Ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya pa habang nag-aayos ng mga pinggan sa mesa. 

Hindi ako sumagot.

"Okay lang ba pakiramdam mo?" Tanong niya ulit.

"Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong?" Inis ko nang sagot.

"Eh bakit ka ba naiinis? Parang nag-aalala lang ako sa inyo ng baby natin ah?" Mukha na siyang nagtatampo. Nakonsensya naman ako. Pero hindi ko mapigilang mainis sa kanya eh kahit wala naman siyang ginagawang mali.

"Nakakainis ka kasi." Dahilan ko. "Naiinis ako sa mukha mo."

Nakanganga siyang natulala sa'kin, tapos napangiti. "Ahh, alam ko na askal. Pinaglilihian mo ko 'no?"

Teka? Oo nga 'no? Ay, hindi! "Matagal na kong naiinis sa mukha mo, pusandi kaya 'wag kang assuming diyan. Ayaw kong magmana sa'yo ang baby natin kaya hinding-hindi kita paglilihian." Lumapit na ko sa isang upuan at umupo roon.

"Tss. Okay lang." Nilagyan niya ko ng fried rice sa pinggan ko. "Kahit 'di mo naman ako paglihian, magmamana pa rin sa'kin ang baby natin. Aba, panigurado akong ipaglalaban 'yun nung sperm cell ko."

Napakunot noo ako sa kanya. "At talagang inungkat mo pa ang walang hiyang sperm cell mo?"

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Proud lang ako sa sperm cell kong 'yun."

Bwiset 'to.

"Oh kumain ka na nga, askal," Sunod niyang nilagyan ng tapa ang pinggan ko, bago siya umupo sa tabi ko.

Napatitig na lang ako sa pinggan ko na nilagyan ni Levi ng fried rice at ulam na tapa.

One week na ang lumipas mula nung unang pagpapa-check up namin. Next month naman na ang next schedule ng check up ko. Nakakagaan ng loob malaman na safe ang pagbubuntis ko. Pero no to stress and more rest pa rin ang matinding bilin sa'kin ng doktor.

Kaya ito tuloy si Levi--nagbawas sa pang-aasar at pangungulit, at nag-double effort naman sa pag-aalaga sa'kin. Napansin ko, na hangga't maaari, siya ang magluluto't maghahanda ng pagkain namin. Kaso minsan, tinutulungan siya ni Mama eh. Mukhang okay lang naman 'yun sa kanya kasi may natututunan siya sa bawat pagtulong na ginagawa ni Mama.

Napangiti ako sa naisip ko, at saka ko sinimulang kainin ang hinandang almusal ni Levi.

*

Matapos naming mag-almusal, naligo ako. Nakakainis kasi si Levi. Maski paghuhugas kasi ng mga pinagkainan namin, ayaw ipagawa sa'kin. Eh ano na lang gagawin ko? Gising, kain, nganga, tulog? Naku ayoko nga! Baka tumaba ako!

Pagkaligo ko, naglinis ako ng kuwarto niya. Grabe talaga kapag kuwarto ng lalaki. Sa bawat sulok, may kalat. At hindi mawawalan ng ganito--ng mga porn mags!

Ugh. Nakakakulo ng dugo.

Matapos kong maglinis, binitbit ko sa baba ang anim na porn mags ni Levi. Naabutan ko siya sa sala, nakaupo sa mahabang sofa at tulala. Ano kayang iniisip ng pusandi na 'yan?

Maya-maya, napakamot siya ng ulo. Para siyang naiinis. Dun niya ko nalingunan. Nagulat siya na makita ako bigla sa kinatatayuan ko, pero mas nagulat siya sa nakita niyang bitbit ko.

"S-Saan mo nakuha ang mga 'yan?" Napatayo siya at tinuro ang maruming kayamanan niya na nabisto ko.

"Sa ilalim ng kama mo." Sagot ko habang matalas na nakatingin sa kanya.

Cat & Dog BabyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt