Chapter Seven: CAT

35.4K 767 28
                                    

CHAPTER SEVEN: Cat

Sabihin niyo nga, ganun ba ang mga buntis? Magulo at paiba-iba ng isip?

Nung umaga kasi kahapon, hinayaan ako ni Millie na tabihan siyang matulog sa kama ko. Pero nung gabi na, aba, ayaw na raw niya akong makatabi matulog! Nagpaawa epek na nga ako at nangakong matutulog lang sa tabi niya pero wala, pinagtabuyan niya pa rin ako.

Ito tuloy ako ngayon, sa sofa sa sala natulog. Hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil hindi ako sanay nang hindi sa kama ako natutulog.

Pero ayos lang. Kaysa naman ang askal kong 'yun ang mahirapang matulog dito.

Wala pang ala-sais, gising na ko. Naka-upo lang ako rito sa sofa at nagmumuni-muni. Inaalala at tinatanim ko sa utak ko ang lahat ng bilin ni Mama sa'kin kahapon. Lagot daw ako sa kanila ni Papa kapag may mangyari na masama kay Millie, at lalong-lalo na sa apo nila.

Tss. Ako pa? Hindi ko magagawang pabayaan ang mag-ina ko 'no!

Tumayo na ko. As usual, nag-stretching at sit-ups muna ako, bago ako umakyat para maghilamos.

Dahil lahat ng gamit ko eh nasa kuwarto ko, kinailangan kong pumunta ron para kumuha ng pamalit na damit. Kumatok ako sa pinto, at hindi sumagot si Millie. Malamang tulog pa. Kaya pumasok na ko.

Pero kahit na sumagot si Millie at sinabing 'wag na muna akong pumasok, papasok pa rin ako. Wala akong pake kung nagbibihis siya--na mas maganda nga sana kung ganun. Alam kong mabubugbog niya ko kung ganun ang mangyari, pero at least, busog ang mga mata ko.

Naabutan ko si Millie na tulog at nakakumot sa kama ko. Ayokong maistorbo tulog niya kaya tahimik kong kinuha ang tuwalya ko at pati mga damit pamalit.

Agad-agad din naman sana akong lalabas. Kaso nung nasa pintuan na ako, muli akong napatingin kay Millie. Mahimbing pa rin naman ang tulog niya. At...

Tsk. Para siyang may magnet. Imbis na lumabas na ko eh nilapitan ko siya. Umupo ako sa likuran niya at malapitan siyang tinitigan. At sa pagtitig ko sa kanya, napangiti ako.

Ganda ng askal ko oh?

Tinitigan ko pa siya, hanggang sa hindi na ko nakapagpigil. Binitawan ko ang tuwalya't damit ko sa gilid nitong kama. Pagkatapos ay humiga ako sa likuran ni Millie at niyakap ko siya.

Alam ko, ayaw ni Millie na tabihan ko siya. Pero tulog naman siya eh! T'saka buntis siya. Sabi naman ni Mama, antukin ang mga buntis at madalas, late na nagigising. So ibig sabihin, hindi pa magigising si Millie.

Lumapad ang ngiti ko, at hinalikan ang buhok niya. Limang minuto lang naman eh. Limang minuto ko lang siya tatabihan at yayakapin nang ganito kaya okay lang 'yan. Hindi ako malalagot.

Nakatitig ako sa digital clock na nasa bedside table. Hinihintay ko na matapos ang limang minuto na pinataw ko sa sarili.

Dalawang minuto na ang lumipas.

Tatlo...

Apat...

At kung kailan 'yung panglimang minuto na ang hinihintay ko, dun pa hinatak ng antok ang mga mata ko. Hindi ko na napigilang pumikit, at makatulog.

*

"L-Levi?!"

Napadilat ako sa pagsigaw ni Millie. "Mm, bakit?" Antok kong tanong. At saka ko lang napansin na nakaupo na siya at galit na nakatingin sa'kin.

"Bakit ka nandyan?! Nakakainis ka!" Sabay bira sa braso ko.

"Aray..." Antok ulit kong salita sabay pikit. Inaantok pa talaga ako eh. Hindi nga kasi ako nakatulog nang maayos kanina sa sofa.

Cat & Dog BabyWhere stories live. Discover now