Chapter Seventeen: DOG

26.7K 591 23
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: Dog

Unti-unti nang bumabalik ang lahat sa normal, dalawang linggo matapos ang cremation ni Papa. Si Mama, nakabalik na sa pagtatrabaho sa city hall. Si Juni, pumapasok na ulit sa school. Si Levi, ganun din, pumapasok na ulit sa school at sa part-time job niya. At ako? Taong bahay na ulit.

Life must go on ang drama namin. Iyon naman kasi talaga ang dapat naming gawin 'di ba? Ang mag-move on?

Kaya nga lang, may punto na binabalikan ko ang mga nangyari sa amin ni Papa. Tapos, mahihirapan akong tanggapin ang lahat ng iyon. Hindi ko maiwasang humiling na sana, nagawa kong mag-sorry sa kanya nung nabubuhay pa siya. Sana, nasabi at naiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Sabi nina Mama at Levi, wala na akong dapat ipag-alala dahil paniguradong pinatawad na raw ako ni Papa at alam na nito ang nararamdaman ko kahit hindi namin nagawang magkausap nang maayos. Naniniwala naman ako roon. Kaso, hindi ko talaga maiwasang maramdaman minsan 'yung pagsisisi.

"Milliana, okay ka lang?"

Napakurap ako sa biglang pagsasalita ni Mama. Nakatayo na siya sa tapat ng puwesto niya sa hapag-kainan. Habang ako, nakaupo pa rin at wala pang kabawas-bawas ang almusal ko. Nakakawalang gana naman kasing kumain.

"Ah, o-opo Ma. Okay lang po ako." Wala sa sarili kong sagot.

"Ma," Si Juni na naka-school uniform, lumabas galing kusina at agad kinuha ang bag niyang nasa isang silya. "Tara na po."

"Mm," tumango si Mama at binitbit na rin ang shoulder bag niya. Muli niya akong binalingan nang makaalis na si Juni. "Milliana, aalis na kami. Kumain ka, ha? 'Wag mo gugutumin ang apo namin ng papa mo."

Matawa-tawa akong napahawak sa tiyan ko. "Opo."

Ngumiti si Mama at lumapit sa akin para halikan ako sa noo. "Ah, nga pala. Si Levi, hindi pa pumupunta rito para mag-almusal."

Nagulat ako roon. Mula nung dito na ulit ako tumira kina Mama, dumadaan na lang dito si Levi sa amin para kumain at mabisita ako. At dahil Monday ngayon at maaga ang unang klase niya, inakala ko na nakakain at nakaalis na siya bago pa ako magising kanina.

"Tinext at pina-ring ko na ang cellphone ng batang 'yun pero hindi naman sumasagot." Tuloy pa ni Mama. "Pinapunta ko na rin si Juni kanina dun sa kanila pero hindi pa rin siya sumasagot. Ano na kayang nangyari dun?"

Kinabahan ako bigla. Pero malakas ang kutob ko na walang masamang nangyari kay Levi. "Hayaan niyo na po 'yun, Ma. Ako na pong bahala sa kanya. Panigurado napasarap lang siya ng tulog." Ayun ang hinala ko dahil pagod at antok na siya kagabi nung bisitahin niya ako.

Hindi na nga nag-alala pa si Mama at umalis na kasama ang kapatid ko.

Habang kumakain ako, tinext at pina-ring ko rin ang number ni Levi. Pero walang sagot akong natanggap galing sa kanya. Kaya ang ginawa ko na lang ay puntahan siya sa bahay nila pagkatapos kong pagkain. Meron na akong sariling susi ng bahay nila kaya nakapasok ako roon nang walang sigaw-sigaw o doorbell-doorbell.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Levi sa taas. Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko siyang nakaupo sa gitna ng kama-. Sapo-sapo niya ang kanyang noo habang walang suot pang-itaas. Ewan ko ba at bigla akong napalunok sa itsura't puwesto niya roon.

"H-Hoy pusandi," tawag ko sa kanya.

Naniningkit ang mga mata niya na tumingin sa akin. Bagong gising lang ang loko. "Millie?"

Eh? Teka. Parang may kakaiba sa boses niya.

"Anong petsa ka na gumising. Hindi ka na makakapasok niyan sa unang klase mo." Sita ko pa.

Cat & Dog BabyWhere stories live. Discover now