Chapter Eight: CAT

34.8K 777 61
                                    

CHAPTER EIGHT: Cat

Labing-limang minuto na lang, mag-aalas dose na ng tanghali. Pero si Millie, tulug na tulog pa rin. Paano na nito ang pagpapa-check up dapat namin mamayang alas dos?

Nagbuntung hininga ako, sabay bagsak sa sahig ng braso kong may relos. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko kung saan natutulog si Millie. Nakaupo lang naman ako sa sahig sa gilid ng kama at nakasandal ang ulo sa kutson.

Gustung-gusto ko sanang tabihan at yakapin si Millie. Pero hindi na ko maglalakas ng loob. Tama na 'yung sa loob ng isang araw eh naaasar ko siya ng isang beses. Mamaya, baka mamana pa ng baby namin ang pagka-mainitin ng ulo niya eh.

Pero grabe pala talaga ang mga buntis 'no? Kung matulog, dinaig pa 'yung puyat. Kung mahilo't masuka, dinaig pa ang naka-laklak ng alak. Ang weird lang nila.

Naalala ko bigla ang itsura ni Millie kanina matapos niyang magsuka. 'Yung para siyang lantang gulay. Bigla akong nakaramdam ng konsensya ngayon nang maalala ko 'yun.

Kaming mga lalaki, kasama kami sa sarap ng pagbuo ng bata. Pero bakit hindi man lang kami kasama sa pisikal na paghihirap ng mga nabuntis namin? Ang daya naman yata nun sa parte ng mga babae?

Bigla akong napabalikwas ng upo, nang maramdaman kong may humawak sa ulo ko. Paglingon ko sa kama, nakita ko si Millie na gising na. Siya lang pala ang humawak sa ulo ko. Ay takte. Kinabahan ako dun ah.

Pinahinga ko ang isang braso ko sa kama at pinatong dun ang ulo ko. "Askal, tanghali na. Kain ka na oh."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa'kin ang mapupungay niyang mga mata.

"Hindi pa ba nagugutom baby natin?" Tanong ko pa. Pero hindi ulit ako sinagot ni Millie. Inabot lang ng kamay niya ang mukha ko at tinrace ng hintuturo niya ang bawat parte ng pagmumukha ko--mula sa mga kilay ko pababa sa pisngi ko, tapos sa mga labi ko, tapos paakyat ng ilong ko.

Ilong ko yata ang pinaka-nagustuhan niya. Tinap-tap pa 'yun ng daliri niya eh. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya. Kaso--

"Ahh!" Napasigaw ako dahil pinanggigilan niyang pisilin ang ilong ko at hinatak-hatak pa niya! "Miyie!" Takte! Nangongo na ko!

Nahirapan akong alisin ang kamay niya. Para kasi siyang alimango! Tsk! Ngayon, naniniwala na ko sa kuwento dati ni Tita Minda na pinaglihi niya 'tong anak niya sa alimango! Nanindigan kasi ako noon sa sarili kong paniniwala na pinaglihi 'to sa aso eh!

Mga higit sampung segundo ring pinanggigilan ni Millie ang ilong ko bago niya ko binitawan. Ngiting-ngiti siya habang ako naman ay nakasimangot na hinihilot ang ilong ko.

"Ano bang problema?! Bakit parang gusto mong tanggalin ang ilong ko ah?!" Reklamo ko.

Nakangiti siyang umupo. "Nagugutom na kasi ako."

"Oh eh anong konek ng ilong ko sa pagkagutom mo?!" Reklamo ko ulit.

"Nagugutom na nga kasi ako."

"Tsk!"

"Akin na nga, hihilutin ko 'yan." Inabot niya ulit ako para hawakan ang ilong ko pero tinapik ko palayo ang kamay niya.

Nagulat at parang nasaktan si Millie nun sa ginawa ko--na nagawa ko lang naman dahil baka panggigilan niya ulit ang ilong ko.

"Halikan mo na lang." Suggestion ko sa kanya.

Ang gulat niyang mukha, napasimangot. "Eh kung sapakin na lang kaya kita diyan?"

"Oh eh yakap na lang." Tawad ko.

"Ahhh. Eh kung bugbog na lang kaya ang gawin ko sa'yo?"

Napasimangot ako. Napaka-bayolente talaga nito sa'kin kahit na kailan.

Cat & Dog BabyKde žijí příběhy. Začni objevovat