May iilang dresses ng babae roon. Is it mine before? I mean, Troi said it's his room. May babaeng damit at imposibleng kaniya iyon kaya marahil nga ay akin iyon. I wonder if I dress like this, too, before? Baka natuto rin akong ayusin ang sarili kaya nagustuhan niya ako.

I choose a fitted dress na hanggang ankle ang haba. Straight neckline iyon at ang likod ay backless. Ngumiwi ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba kay Troi iyon. Kaya lang, wala akong magawa. Maiikili ang mga natitirang iba pa. This is the most decent one.

Binago ko ang nakapahid na lipstick sa labi ko. Mas matingkad na pink pero hindi naman bulgar. Ang eyeshadow ko ay pinatungan ko na lang. Ang buhok ko, binago ko rin ang ayos. Pinaikot-ikot ko iyon kaya walang nakaharang na buhok sa likod ko.

Nang lumabas ako sa may walk-in-closet, wala na roon si Troi. I thought he's inside the bathroom pero pagkalipas ng ilang minuto ay walang lumabas doon. I made sure he's not there before I decided to leave the room.

Bumaba ako. Hindi ko na nga namalayan na madilim na nga ang paligid. Hindi dinig sa loob ng silid na inukopa namin ang tugtugin sa labas pero dito pababa ng hagdan ay madidinig na 'yon.

May iilang naglisaw na mga panauhin sa loob. I cannot find anyone I know there kaya naman nagdiretso ako sa pinagdarausan ng kasiyahan.

Mga prominenteng tao ang mga naroon. I even saw a Senate candidate there. May iilang kilalang mga persona sa telibisyon at mga taong halatang galing sa matataas na antas na pamilya.

Maganda ang ayos ng party. Makaluma ang estilo ng mga ginamit na display pero ang mga tao ay 'di ganoon ang kasuotan. Naghahalo ang contemporary at makalumang style ngayong gabi.

Nilibot ng mata ko ang kabuoan ng lugar. May mga matataas na lamesa kung saan may mga champagne glass doon while iyong mga normal na taas ng lamesa ay may mga upuan naman para sa mga bisita.

Naglakad-lakad ako. Maalinsangan ang gabi pero ang ihip ng hangin galing sa mga puno sa paligid ay malamig. May nag-iikot na waiter at waitress na may dalang inumin. Nakakatakam ang kulay noon na kumikislap kapag natatamaan ng ilaw.

May isang dumaan sa harap ko at inalok ako. Kumuha ako at sumimsim ng isang beses. May kapaitan ito subalit masarap din naman kalaunan.

Tumayo ako sa may isa sa mga lamesang matangkad at pinanood ang karamihan. I wonder where is Troi? Why did he left me there? Hindi kaya kinausap ng kaniyang ina? O kaya ay si Tyron?

Inilapag ko ang hawak na baso. I felt someone's presence behind me. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang tatlo sa pinsan ni Troi. Ang dalawa ay nakangiti sa akin.

"Hi, Miss Rolly?" the one with light bald head said.

Siya iyong pareho ng buhok sa kapatid ng asawa ko.

Ngumiti ako at tumango, although I wanted to tell him that I am Mrs. Troi Del Rico now. Hindi ko na ginawang magreklamo.

"Hello..." kiming bati ko.

"Troi didn't introduce us," ani isang mukhang anghel ang mukha. "Kami na lang," dagdag nito.

Pumaikot sila sa round table na iyon. Ang isang lalaki na clean cut ang buhok ay nagmamasid sa paligid.

"I'm Bastian, by the way," the one with soft features said. In-extend nito ang kamay sa harap ko na malugod kong tinanggap.

"And I'm Dameson," ani isa pa na semi-kalbo ang buhok.

Malapad ang ngiti nito nang makipagkamay sa akin. Sinuklian ko naman ang ngiti niya. Nalipat ang tingin ko sa kasama nilang matipid na sumimsim ng alak sa baso niya at nagmamasida pa rin.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon