His words... I remember it clearly now.

"I'll make sure your first is nothing compared to me..."

Pagak akong natawa at sumaksak uli sa alaala ang dalawang lalaki at ang salita ni Troi. Ibig bang sabihin noon ay hindi siya ang nakauna sa akin? That I didn't give my virginity to him at sa iba ko iyon ginawa?

Those two men... sila ba ang nakauna sa akin?

Umiling-iling ako sa naisip. Imposible! Anong nangyari sa akin? Nabaliw na ba ako at naisipan makipag-sex sa dalawang lalaki? Kaya ba ganoon na lamang ang sinambit ni Troi? He wasn't my first?!

Of course, he's not if ever! Mas masakit naman isipin na siya ang una ko tapos may ganoon akong experience sa iba. That means I cheated on him!

Inihilamos ko ang kamay sa mukha at naiiyak na lamang doon sa naisip. Ang dami-daming mga ideya na hindi ko gustong tanggapin. Ganoon pa man, whatever the reason is, I am still inside a room with those guys!

I keep on picturing myself running away from them. Did I run from those guys because I was to ashamed of what I did? Sino ba namang hindi? Kung ginawa ko nga iyon, talagang nakakahiya.

Having sex with two men!

Ni sa hinahagap ko hindi ko naisip na gagawin ko 'yon. Nababasa ko lang sa libro pero hindi ko naisip na gagawin. Then what have I done? Hindi ako umiinom kaya hindi ko rin lubos maisip kung sa paanong paraan ako nauwi sa loob ng silid kasama ang dalawang lalaki.

Na-rape ba ako?

Umiling-iling akong muli.

"That's absurd..." I murmured.

Kung papipiliin ako kung ano ang mas magandang dahilan sa tatlo, siguro ay ang ginusto ko na lang nga na hindi si Troi ang aking unang karanasan. aysa na-rape. I wouldn't dream of that. Baka mamatay ako kapag iyon nga ang dahilan.

Binasa ko ang labing nanginginig dahil sa pag-iyak. I can still hear Troi's words. Alam niya na hindi siya ang una ko. Is he disappointed by that? Siyempre! Malaking factor iyon sa mga lalaki!

Nawawalan ng gana akong bumalik sa pagkakansandal sa bathtub. Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayang nilamon na ako ng antok sa kabila ng hindi magandang posisyon at malamig na tubig.

Nagising ako nang maramdaman ang pag-angat ng katawan ko sa ere. Dumaloy sa katawan ko ang init na nagmumula sa matitipunong braso. Nagmulat ako ng mata at nakita ang asawa ko.

He's wearing a shirt already. Nababasa siya dahil sa pagbuhat sa akin. Tumikhim ako.

"K-kaya ko na. Ibaba mo na ako."

Bumaba ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag-ismid niya at nagpatuloy sa paglalakad. Walang balak na sumunod sa sinabi ko.

Hanggang sa nakarating kami sa may kama, saka niya lang ako ibinaba paupo.

"Why did you sleep there?" he asked.

Somehow, his voice is cold. I don't know why. His aura changed. Nag-iba. Mula sa pagiging masiyahin at palaging bright aura niya, ngayon ay pagiging suplado at kalamigan lang ng ekspresyon ang aking nakikita.

Galit ba siya?

Nag-iwas ako ng tingin. Tumama iyon sa bedsheet na maayos na at plantsado kumpara noong iwan ko ito kagabi.

"Hindi ko namalayan," tugon ko.

I heard him sighed. Umalis siya sa harap ko. Ngayon ko lang nakitang nakabalot na pala ang katawan ko ng puting tuwalya kaya hindi ganoon kalamig kahit nakabukas pa ang air condition.

Del Rico Triplets #2: Retracing The StepsWhere stories live. Discover now