Epilogo

2.2K 63 6
                                    

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Epilogo:

Epilogo:

Isang taon mula ang hindi malilimutang pangyayari ay naging tahimik na ang bayan ng Gudo.

Bumalik lamang ang magkakaibigan upang saksihan ang pag-upo ni Saluk bilang isa sa mga konsehal ng bayan.

Dumalo sina February, Josayda, Hayden at Happy upang makita ang kanilang kaibigan.

Bangungot mang maituturing ang nangyari sa bayan ng Gudo ay malaki naman ang natutunan nila.

"Congratulations, Sal. Konsehal ka na!" si Josayda.

"Binabati kita. Huwag mong kakalimutang ang iyong sinumpaang tungkulin ha?" si kuya Hayden.

"Tama! Huwag mo kaming kalimutang imbitahan sa mga pagtitipon dito ha? Sa pista, dapat imbitado kami!" si February.

"Agree ako! Dapat madami ang pagkain ha?" si Tummy. Agad namang nagtawan ang magkakaibigan.

"Salamat sa inyo. Tunay ko nga kayong mga kaibigan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nagawa ninyo sa bayang ito. Pangako, pagbubutihin ko ang pagiging konsehal dito."

Sabay-sabay na niyakap ng magkakaibigan si Saluk. Tanging si Happy lamang ang hindi dahil kinuhanan sila nito ng litrato. Kaya naman, agad na nilapitan ito ni Saluk na kasalukuyang tinitingnan ang mga nakuhang litrato.

"Happy, salamat ha?" nagtama ang paningin ng dalawa. Si Happy na ang unang bumitaw.

"Walang anuman. Natutuwa kaming mga kaibigan mo na matapos ang isang taon ay tahimik na ang bayang ito," aniya.

"Malaki ang pasasalamat ko sa iyo. sa inyo. Kung hindi --" hindi na natuloy ni Saluk ang sasabihin nito dahil isang halik sa pisngi ang iginawad ni Happy sa kaniya.

Nagpalakpakan naman ang magkakaibigan nang makita ang ginawa ni Happy. Hindi naman nakapagsalita si Saluk. Lihim na napangiti na lamang siya at pinuntahan ang mga kaibigang tukso nang tukso na kay Happy.

…Wakas…

ApelyidoWhere stories live. Discover now