Kabanata Uno

3.2K 94 1
                                    


Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Uno: 13 Years Later

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Uno: 13 Years Later

Sa isang maliit na pamayanan na kung tawagin ay Gudo naisipan ng magkakaibigang mamasyal sa panahon ng tag-init.

Napagkasunduan nilang dito na lamang sa kinalakhang lugar ng kaibigang si Saluk magliwaliw dahil payapa at tahimik ang lugar. Higit sa lahat ay malapit sa talon, sapa, at ilog.

"Welcome sa Sitio Gudo!" isang masiglang bati ni Saluk sa mga kaibigan.

"Hay sa wakas, nakaraos din ang puwitan ko sa kakaupo," si Josayda ang social na kaibigan.

"Hindi lang puwit, teh ang nangawit pati mga kamay ko. Jusko pakiramdam ko ay nahulog yata ang matris ko sa jaku-jakung jaan (baku-bakung daan)!" reklamo naman ng kaibigan nilang baklang si February.

"Tama na nga iyang reklamo ninyo. Sino ba ang pumayag na dito pumunta? Hindi ba at kayo rin naman? Tapos kung maka... wagas!" ang tisoy at mabait na si Kuya Hayden. Siya kasi ang pinakamatanda sa magkakaibigan. Napakamot na lamang sa batok si Saluk.

"Oo nga naman. Huwag na kasi mag-inarte. O di ba ang tahimik ng lugar. At pakinggan niyo nga ang nasa paligid niyo. May naririnig ba kayong lagaslas ng tubig?" bigla namang nagsitahimik ang lahat nang magsalita si Happy at pinakinggan ang ingay.

"OMG! Parang ilog yata yun e," natutuwang sabi ni Josayda.

"Tama kayo. May malapit na sapa nga rito. Madadaanan natin iyon bago makarating sa bahay namin," pagbibida na lamang ni Saluk.

"Guys, wala ba kayong balak na tulungan ako? Nangangawit na ako sa mga gamit niyo e," muntik na nilang makalimutan ang isa pa nilang kaibigan na si Tummy. Agad naman silang napalingon at isa-isang kinuha ang mga dalang backpack.

"Tara na bago pa tayo abutan ng takip-silim dito!" pag-aaya na ni Saluk.

Isa-isa namang sumunod ang mga kaibigan ni Saluk. Habang naglalakad ay panay ang kuha ng litrato nina Josayda, at February. Napapailing na lamang si Kuya Hayden sa kanila. Si Happy naman ay masiglang-masigla sa paglalakad habang si Tummy ay panay ang hawak sa tiyan.

"Sal, may malapit bang tindahan dito? Gutom na kasi ako e," tanong ni Tummy kay Saluk.

"Oo meron. Ayun daan muna tayo sa tiangge ni Manang Tinday," lumuwa naman ang mata ni Tummy at napatakbo agad sa tindahan.

"Magandang umaga po, Manang Tinday. Mga kaibigan ko po galing Maynila," pagbati ni Saluk sa tindera.

"Mukhang marami yata kayo ah. Anong atin?" hindi pa man nakakasagot si Saluk ay agad ng bumili ng pagkain at panulak si Tummy. Iyon na lamang ang inasikaso ng tindera. Sumunod na rin ang iba upang maki-inom at bumili ng pampalamig.

"Bakit ang init na kahit wala pang alas nuwebe ng umaga rito?" tanong ni Josayda.

"Hindi pa kasi tayo nakakababa. Mataas kasi ang parteng ito kaya ramdam natin ang init," sagot ni Sal.

"O, ano busog ka na ba Tummy? Pwede na ba tayong tumuloy?" hindi na makasagot si Tummy dahil punong-puno ang bibig nito ng mga pagkain. Nagtawanan na lamang ang magkakaibigan. Nagpaalam na rin sila kay Manang Tinday at nagpatuloy sa paglalakad.

"Dahan-dahan lang sa paglalakad ha kasi pababa na tayo baka gumulong kayo," paalala ni Kuya Hayden. Tumango naman ang lahat at marahang naglakad pababa.

Nang makababa sila ay doon nila naramdaman ang nakakapreskong simoy ng hangin na galing sa kalapit na maliit na sapa.

"OMG! Napakalamig sa pakiramdam. Ang lamig dito. Hoy, Pebrero, kunan mo nga ako ng shots. Dali!" bigla namang naging busangot ang mukha ni February nang tawagin siyang Pebrero ni Josayda. Imbes na mainis ay sinunod na lamang ito.

Ang hindi alam ni Josayda, puro sapa at tubig lang ang kinukuhanan ni February sa kaniya. May mga beses na kalahati lang ng katawan ni Josayda ang kinukunan niya. Nang maibalik ni February ang cellphone kay Josayda, isang nakabibinging sigaw ang narinig ng magkakaibigan.

"Baklaaaaaaaa! Humanda ka sa akin mamayaaaa!" sigaw nang sigaw si Josayda na halos lumabas na ang lawit ng kaniyang dila dahil sa ginawa ni February. Panay naman ang tawa ng baklang kaibigan habang binibelatan si Josayda.

"Huwag kayong lumikha ng gulo dito ha? Sinasabi ko sa inyo. Alam niyo kung saan kayo pupulutin, Sayda at Feb?" tumahimik na lamang ang dalawa habang si Happy naman ay hindi mapigilan ang ngumiti. Sina Tummy at Saluk naman ay napailing na lamang.

Mag-iisang oras na silang naglalakad nang mapansin ni Happy sa hindi kalayuan ang isang malaking bahay.

"Sal! Kaninong bahay iyong nakikita ko mula rito?" sinundan nang tanaw ni Saluk ang tinitingnan ni Happy.

"Haunted House daw iyang bahay," bigla namang kinilabutan sina Feb at Sayda.

"O, relaks lang kayo. Malayo yan sa bahay. At isa pa, haka-haka lang iyon. Ang mabuti pa magpatuloy na tayo dahil nakikita ko na rin ang bahay namin."

Hindi na lamang pinansin ng magkakaibigan ang kanilang narinig dahil natuon na ang atensyon nila sa isang ilog na may katabing talon sa taas. Lahat ay napanganga at hindi napigilan ang magmadali upang puntahan ang kinaroroonan nito.

Magiliw naman silang binati ng amang at inang ni Saluk nang makarating sila sa tarangkahan.

"Ang ganda!" si Josayda.

"So, peaceful and quiet!" si February.

"Wala akong masabi!" si Happy.

"Gutom na ako e!" panira ng moment na wika ni Tummy.

"Puro ka pagkain, Tum. Mag-diet ka nga!" si Kuya Hayden.

"Mano po, amang at inang." si Saluk. Nagmano na rin ang mga kaibigan nito sa magulang ni Saluk.

"Kaawaan kayo ng diyos, mga anak. Tawagin niyo na lamang akong Amang Nato at ito naman ang aking maybahay na si Inang Doray. Maligayang pagdating sa aming munting tahanan." si Amang Nato.

"Humayo na muna kayo at kumain. Mamayang tanghali pwede na kayong pumunta sa talon o sa ilog para magtampisaw o maligo," paanya ni Inang Doray sa kanila.

Lahat ay sumang-ayon na kumain na muna pero hindi maitatanggi ang pananabik ng mga ito sa napakayapang lugar.

Ang hindi alam ng nakararami ay may isang nilalang na kanina pa nakamasid sa kanilang pagdating. At ito ay naghihintay na lamang ng pagkakataon.

"Mukhang marami kang kaibigang dala, Saluk. Gusto ko iyan!"

ApelyidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon