Kabanata Siyete

1.9K 64 5
                                    

Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Siyete:

Pasan-pasan ang mga walang malay na sina Hayden, Josayda, Tummy at February ay tinahak ng mga tauhan ni Durugista ang mga bisita ni Saluk patungo sa mansyon kung saan naroon ang kapitan. Tanging mga sulo lamang ang nagbibigay liwanag sa kanilang dinaraanan. Ang dalawa sa mga tauhan ay kanina pa nagrereklamo dahil nga sa kabigatan ng isa nilang pasan.

"Tador! Iwan na lang kaya natin itong tabatchoy na ito rito!" pagrereklamo nito.

"Oo nga. Itapon na lang natin!" segunda naman ng isa.

Nilingon sila ni Tador at sinabihang "Sige, iwan niyo siya o itapon niyo pero siguraduhin ninyong kasama kayong mawawala ha? Alam mo naman si Kapitan, mainitin ang ulo. Ano itatapon niyo pa ba o titiisin niyo ang kabigatan ng tababoy na iyan?"

Hindi na nagsalita pa ang dalawang tauhan. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad.

Ang hindi nila alam ay may nakasunod palang isang estranghero sa kanila nang mga sandaling iyon. At nagpupuyos sa galit ang mga mata nito na tila naghihintay na lamang ng pagkakataong atakahin sila.

"Talagang ginagalit niyo ako ha! Isa-isa ninyong matitikman ang galit ko dahil sa pagsunog ninyo sa bahay na iyon at ang pagdukot ninyo sa mga walang kinalamang bisita sa nayong ito."

Mabibilis ang kaniyang mga galaw. At kapansin-pansin ang pag-ihip ng malamig na hangin sa kanilang mga balat nang mga sandaling iyon.

"Tador! May multo ba rito?" nanginginig na tanong ng isa.

"Tado! Ang tagal-tagal na natin dito sa Gudo, naniniwala pa kayo? Pagbabarilin ko kayo diyan e! Hala! Lakad!"

Nakiramdam na lamang muli ang mga tauhan ni Durugista habang binabagtas ang daan paakyat sa mansyon na iyon. May kagaspangan kasi ang daan at bato-bato pa kung iyong titingnan tuwing umaga.

At dahil nasa hulihan ang dalawang kanina ay nagrereklamo sa bigat ni Tummy, sila ang unang naging puntirya ng estrangherong iyon. Gamit ang isang sulpot na may kamandag ng nakalalasong palaka ay tumama ito sa dalawang leeg ng lalaki at nabitawan nila si Tummy. Hindi naman iyon napansin nina Tador kaya agad niyang pinuntahan ang nakahandusay na dalawang tauhan ni Durugista at agad na pinagsasaksak ng ilang beses sa iba't ibang parte ng katawan. Nang makasigurong wala nang hininga ang mga ito ay muli niyang sinundan sina Tador. Iniwan na lamang niyang nakahandusay at tulog sa lupa si Tummy.

Mula sa likuran ay mabilis nitong naabot ang leeg ng isang tauhan at nabitawan naman si Hayden. Isang mahihinang tunog na animo ay nabalian ng leeg ang narinig ng estranghero, hudyat na dalawa na ang kaniyang napaslang. Nang sipatin ang bumagsak at medyo gumagalaw nang katawan ni Hayden ay may kinuha siya sa kaniyang bulsa at pinasinghot ito dahilan upang makatulog muli ang binata.

"Bakit ang baba-- Tigil!" sigaw ni Tador sa mga kasama at tumigil naman ang mga ito.

"Anong kaguluhan ba ito, Tador?" si Matias.

"Nawawala ang tatlo nating tauhan kasama ang dalawang bihag e!" sagot ni Tador.

"Hayaan mo na muna sila. Ang mahalaga ay may bihag tayong dadalhin kay kapitan. Susunod rin ang mga iyon," ani Matias.

"Pero--" nag-aalangang sabi ni Tador.

"Susundin mo ako o ikaw ang maghanap sa kanila mag-isa?" sa takot ni Tador ay tumango na lamang ito at nagpatuloy hanggang sa marating nila ang tarangkahan ng mansyon kung saan naroroon sa labas sa kabilugan ng buwan ang kapitan.

"Akala ko ba anim ang mga bisita? Bakit tila dalawa lang yata ang dala ninyo ngayon, Matias?" tanong ng kapitan. Hindi agad nakasagot si Matias.

"Isang mestisa at isang bayot? Magsalita kayo! Nasaan ang iba at bakit dalawa lang kayong narito? Nasaan ang ibang kasama ninyo at mga bibihagin?" nangangatal man ay sumagot si Matias.

"Hindi po namin alam boss. Akala namin nakasunod sila e," nakayukong saad ni Matias.

"Kasalanan... kasalanan ni Matias, boss!" sumbong ni Tador. Isang batok naman ang natikman niya kay Matias.

"Pwede ba, bago kayo magpatayan e, sagutin niyo muna nang maayos ang tanong ko? SAGOT!" matatalim na ang mga matang nagkikislapan sa kabilugan ng gabing tanong ni Damion.

"Wala po talaga kaming alam, boss. Aaminin ko, hindi na namin binalikan ang iba kasi akala ko ay nakasunod sila e. Ipagpaumanhin po ninyo, kapitan." tila malalim na nag-isip muna ang kapitan bago nagbigay ng kaniyang saloobin.

"Ikulong niyo muna ang dalawang iyan. Mukhang may pakiramdam akong may bago tayong bisitang darating dito sa mansyon!"

Agad na sinunod nina Matias at Tador ang utos ng kapitan at dinala ang wala pa ring kamalay-malay na sina February at Josayda sa likuran ng mansyon kung saan naroon ang isang madilim at mabahong lugar.

SAMANTALA...

"Malakas din pala ang pakiramdam mo, Damion! Pero hindi na sisikatan ng araw ang natitira mong dalawang tauhan sa akin. Ihanda mo na lamang ang iyong sarili dahil bukas, makalawa ay kasama mong hihiyaw sa sakit ang iyong anak!"

ApelyidoWhere stories live. Discover now