Kabanata Sais

2K 63 4
                                    


Apelyido
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Sais:

"Sinong maysabi sa iyo na pugutan ng ulo at patayin ang dalawang matanda?" galit na galit at nanlilisik ang mga matang tanong ni Damion sa kaniyang tauhan na si Matias habang kinukuwelyuhan ito sa leeg.

"Boss, di ba sabi niyo kahit ano gawin namin?" sabat ni Aksyon na isa rin sa mga tauhan ni Damion.

"MGA BOBO! E di nakita ng mga taumbayan ang kabobohan ninyo? Mas lalo akong pag-iinitan! TANGA! BOBO!"  sunod-sunod ang pagtilamsik ng laway ni kapitan sa kaniyang mga tauhan pero parang wala lang sa mga ito ang nakakatakot na hitsura ng kanilang kapitan. Binitawan na rin niya si Matias nang mga oras na iyon.

"Boss, ano na po susunod nating gagawin? Balita ko may bagong salta sa bayan natin e. Mga bata pa." lalabas-labas ang dilang siwalat ni Tador.

"Anong sabi mo, Tador? Mga bata?" tanong at sabay lapit ni Damion kay Tador.

"May alam ka ba sa sinasabi ni Tador, Matias?" kahit medyo nabulunan pa nang kaunti ay nagsalita pa rin si Matias.

"Wala po akong alam diyan sa sinasabi ni Tador, boss. Siya na lang po tanungin niyo," ani Matias.

"Tama po si Matias, boss. Wala po siyang alam kasi gumala po ako kanina at napadpad sa nag-iisang tindahan kanina. Ang kwento ay may bumisita raw sa bayan natin at mga kabataan daw." agad na nag-isip ang kapitan at bumalik sa kaniyang kinauupuan upang manigarilyo.

"Dakpin ang mga bisita at dalhin niyo rito sila sa akin!" madiin at awtoritado ang pagkaka-utos ni Damion sa kaniyang mga tauhan.

"Ngayon na ba, boss o mamayang gabi na lang?" patawang sagot ni Tador.

"Wala akong pakialam kung ngayon na o mamayang gabi! Basta dalhin niyo sila rito at ang taong pasimuno ng pagbisita nila dito sa bayan ko! Naintindihan ninyo?" wala nang sumagot pang muli sa sinabi ng kapitan. Agad na lumabas ng kaniyang opisina ang mga tauhan ni kapitan.

Mag-da-dapit-hapon na nang lisanin nila ang kinatitirikan ng mansyon. Armado ng mga baril at itak ay binagtas nila ang lugar patungo sa kinaroroonan ng isang tindahan sa pangunguna ni Tador upang matunton kung saan pumunta ang mga bisita.

SAMANTALA sa bahay ni Saluk ay katatapos lamang maghapunan ang magkakaibigan. Sina kuya Hayden, February, Josayda at Tummy ay nag-aayos ng kani-kanilang mga higaan habang si Saluk naman ay naghuhugas pa ng plato kasama si Happy.

"Nasaan sina inang at amang mo, Saluk?"

"Nasa maliit na bukirin sila. Doon sila pumipirme kapag wala ako rito. Ngayong narito kayo e, doon ulit sila matutulog. Bukas pa ng bukang-liwayway papanhik ang mga iyon dito. Ang mabuti pa, umakyat ka na sa kwarto nang makapagpahinga ka na, Happy."

"Ganoon ba? Mamaya na ako aakyat. Lalabas lang muna ako saglit upang magpahangin. Ganito pala sa probinsiya, dapit-hapon pa lang ay nakakaantok na."

"Huwag ka masyadong lumayo sa bahay ha? Baka maligaw ka, Happy!"

Hindi na narinig ni Happy ang bilin ni Saluk sa kaniya dahil agad na itong lumabas ng bahay at sinamyo ang nakakapreskong ihip ng hangin. Dinig na dinig pa rin ang lagaslas ng tubig sa talon at sa ilog. Naglalakad-lakad muna si Happy na tila malalim ang iniisip.

Ano kaya kung sundan ko bukas sina inang at amang papunta sa bukirin nila? Baka makakuha ako ng clue doon.

O di kaya ay pumunta ako sa bayan nila. Yayayain ko si Saluk para samahan niya akong mamalengke?

Nasa ganoong pagmu-muni si Happy nang hindi niya inasahang napalayo na pala siya sa bahay nina Saluk at tila lumalim na nga ang gabi pero nang ispatin niya ang oras sa kaniyang cellphone ay alas y singko y media pa lang naman. Mag-isa na lamang niyang tinahak ang daan pabalik kahit hindi niya alam kung tama ba o hindi ang kaniyang binabagtas.

Ang hindi alam ng lahat ay may mga aninong itim na ang dahan-dahang nagmamasid sa kinaroroonan ng bahay ni Saluk. Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay lumabas na rin si Saluk upang sundan at hanapin si Happy dahil hindi pa ito nakakabalik sa loob. Nang makalabas na ng bahay si Saluk ay nakaramdam siya ng tila kakaibang lamig na nanunuot sa kaniyang balat. Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at gamit ang kaniyang dalang gasera ay nagsimula na siyang maghanap kay Happy.

"HAPPY! YOHO! Nasaan ka?" tawag nang tawag si Saluk at malayo-layo na rin ang daang tinatahak niya. Si Happy naman gamit ang kaniyang dalang cellphone ay inilawan na lamang niya ang daan hanggang sa makarating siya sa isang masukal na parte na puno ng nagtataasang mga talahib.

"Hindi ako takot! Hindi ako takot!" nanginginig ang mga kamay at nanlalamig na pagpapalakas ng kaniyang loob na wika ni Happy sa kaniyang sarili. Sa kaloob-looban nito ay natatakot na siya. Lalo pa siyang natakot nang may marinig siyang mga huni ng kulisap at tunog ng mga nagsasabayang boses ng mga palaka. Napasigaw siya takot at narinig naman iyon ni Saluk. Kaagad itong tumakbo sa kinaroroonan ng tinig. Hindi naman nagkamali si Saluk sa boses na kaniyang narinigi dahil nang itapat niya ang gasera ay lalong napasigaw sa takot si Happy at nahampas niya ang hawak ni Saluk na lampara.

"Aray naman, Happy. Ako ito, si Saluk. Lakas makahampas ha pati kamay ko nadali?" itinapat ni Happy ang liwanag ng kaniyang cellphone at doon ay napagtantong si Saluk nga ang kaharap. Agad siyang tumayo at niyakap ang binata. Sa pagkakataong iyon na naman ay bumilis na naman ang tibok ng puso ng binata. Tila na-hipnotismo sa higpit ng pagkakayakap sa kaniya. Nang mahimasmasan ay bumitaw naman si Happy.

"Sa--salamat ha? Pasensya ka na, naligaw lang ako e."

"Okay lang iyon. Kanina pa kasi kita hinahanap. Hindi ka pa kasi pumasok sa loob ng bahay kaya nagpasya na akong lumabas upang samahan kang makauwi. At hindi nga ako nagkamali kasi naligaw ka nga."

"Masakit ba ang paghampas ko?"

"Ah. E. Hindi. Okay lang naman ako. Ikaw, nasugatan ka ba? May masakit ba sa iyo?"

Inalalayan na lamang ni Saluk ang kaibigan at agad na umalis upang makauwi sa kaniyang bahay. Tahimik lamang ang dalawa na tila naghihintay kung sino sa kanila ang unang magsasalita habang pauwi na. Ibubuka na sana ni Happy ang kaniyang bibig nang bigla itong tinakpan ni Saluk at dali-daling nagkubli dahil malapit na sila sa kaniyang bahay.

"Hsssh. Huwag kang maingay. Tumingin ka sa labas ng bahay."

Agad namang tiningnan ni Happy ang itinuturo ni Saluk at nagulat siya dahil may mga taong may takip ang mukhang isa-isang nagsilabasan pasan-pasan ang kanilang kaibigan na sina kuya Hayden, February, Josayda at Tummy.

"Ang bigat naman ng isang ito, Tador!"

"Malaki naman katawan mo e kaya okay lang yan."

Dinig na dinig nila ang malalakas na tawanan nang mga oras na iyon habang isa-isang tiningnan palayo ang mga kaibigang tangan-tangan ng mga hindi kilalang mga kalalakihan. Bago nila lisanin ang bahay ni Saluk ay sinilaban pa nila ito hanggang sa matupok ng apoy ang buong bahay.

"TANGNA! MGA HAYOP TALAGA SILA!"

"Tador? Sino sila, Saluk?"

"Mga tauhan ni Damion Durugista ang mga iyan."

"Paano nila nalaman na nandito tayo? Akala ko ba walang nakakaalam sa lugar ninyo?"

"Iyon din ang pagkakaalam ko. Pero sa ngayon ay alam kong dadalhin sila sa mansyon."

"Anong gagawin natin? Hindi natin sila pwedeng pabayaan, Saluk."

"Hindi ko palalampasin ito!"

Hindi na muna sinundan ni Saluk ang mga kaibigan. Naiwan na lamang silang nakatulala habang pinagmamasdan ang bahay na unti-unting kinakain ng apoy. Nagliliyab din ang mga mata ni Saluk sa galit nang mga oras na iyon. Pero nangingibabaw pa rin sa kaniyang isipan na mailigtas ang mga kaibigan sa kahit na anong paraan. Kailangan mailigtas niya sila ano man ang mangyari.

ApelyidoWhere stories live. Discover now